꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ

Start from the beginning
                                    

Ngumiti ang binata at inalis mula sa kanyang ulo ang suot niyang sumbrero. Inilagay niya ito sa kanyang dibdib at sinabing, "Ibarra na lamang po, Ginoong Santiago. Wala pa ho akong naiaambag sa lipunan upang tawagin ng kagalang-galang."

Lalong nahabag ang ginoo sa kababaang loob na taglay ng binata. Huminga siya nang malalim at saka pilit na ngumiti sa binata.

"Kung gayon ay tayo nang lumulan sa kalesa't may ibig akong sabihin sa iyo, Ibarra," makahulugang saad ni Kapitan Tiyago.

Tumango si Ibarra at kinuha ang maletang nakalapag sa lupa. Naunang sumakay si Kapitan Tiyago bago sumunod si Ibarra. Sila'y magkatapat ng upuan dahil maliit lamang at sakto sa dalawang pasahero ang sukat ng kalesa.

Ilang minuto ang lumipas nang walang nagsasalita sa dalawa. Tikom ang bibig ni Ibarra dahil nakikita niya sa hilatsa ng mukha ni Kapitan Tiyago na seryoso ang ibig nitong pag-usapan.

"Ang iyong ama..." panimula ni Kapitan Tiyago.

Sa pagbigkas pa lang nito ng ginoo ay nagalak na agad ang binata. Ilang taon na mula nang huli niyang makita ang kanyang ama. Nasasabik siyang makipagkumustahan sa haligi ng kanilang tahanan.

Ngunit ang galak at pananabik na ito ay unti-unting naglaho't napalitan ng lungkot at paghihinagpis habang ikinukuwento ni Kapitan Tiyago ang nangyari.

"A-Ang aking ama ay... Sumalangit na?" hindi makapaniwalang bulong ni Ibarra matapos ang kuwento ni Kapitan Tiyago.

Hindi na nagawang tumugon ng ginoo nang makita ang matinding dalamhati sa mukha ng binata. Natahimik namang muli ang kalesa at tanging mga yabag ng kabayong hila-hila ang kalesa ang maririnig.

Puno ng pagluluksa ang mga mata ni Ibarra habang nakatanaw sa malayo. Ilang buwan na mula ng huling sumulat ang kanyang ama. Ang akala lamang ni Ibarra ay may sama ng loob sa kanya ang ama.

Hindi lubos maisip ng binata na sa pag-uwi niya'y hindi na niya maabutang buhay ang minamahal na ama.

"Don Crisostomo Ibarra," malumanay at mahinang tawag ni Kapitan Tiyago sa kasama niyang binata.

Nagpasya na siyang basagin ang katahimikan dahil natatanaw na ng ginoo mula sa malayo ang kanyang tahanan.

"Ayos lamang po ako, Ginoong Santiago. Ibig ko po munang iwaglit ang paksang ito ngayon at sa susunod na lang ho natin muling pagdiskusyunan," mariing saad ni Ibarra matapos ay tumikhim upang ayusin ang sarili.

Tahimik lamang na tumango si Kapitan Tiyago at nag-aalalang tumingin kay Ibarra.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tumigil at ianunsyo ng kutsero na nasa tapat na sila ng tahanan ng kapitan.

"Maaari kang lumiban sa salu-salong ito kung hindi ka komportable ngayon, Ibarra," suhestiyon ni Kapitan Tiyago bago siya tuluyang bumaba.

Mapait na ngumiti't umiling si Ibarra bilang pagtanggi.

"Marapat lamang na ako'y dumalo bilang upang na loob ko po sa inyo," ani Ibarra.

Pagkababa nila'y pinunasan ni Ibarra ang bahid ng luhang hindi niya agad namalayang tumulo na pala. Bagamat mahirap maging masaya sa pagkakataong ito ay pinilit niyang itago ang sakit na nadarama.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now