VIII

168 3 0
                                    

Halos ibato ko yung alarm clock ko dahil sa Hindi ko inaasahang pag alarm nito ngayon dahil linggo at wala kami pareho pasok sa hospital ni Kurt. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing pa tulog niya at di ko mapigilan ang mapangiti. It would have been all perfect now if only..... It didn't happen.

Agad ako bumangon dahil balak ko sana mag grocery dahil nauubusan na ng stock dito pati nadin sa unit ko.
Naligo naman ako kaagad at nag ayos na. Nag pantalon lang ako saka simpleng shirt saka naglagay ng nude lipstick at nag cream ng kakaunti  palabas na sana ako ng may marinig akong nagbukas ng pintuan. Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto para tignan kung sino yun at pareho kaming nagulat sa nakita namin.

Mulat na mulat ang aking mata sa gulat at maging siya man ay Hindi makaila ang gulat na nakarehistro sa kaniyang mukha

Ng makabawi ng huwisyo ay kaagad na itong ngumiti  siya saakin.

"Corinne right?" Nakangiti niyang tanong. Naglakad naman siya papuntang kusina at nilapag doon ang mga paper bag na hawak ako naman ay naistatwa sa kinatatayuan ko
"Just brought Kurt his brunch. Hindi kasi siya mahilig mag prepare ng meal niya tuwing linggo dahil buong araw tulog. " wika niya saakin habang nakangiti
"This is so much for one person you can join him" paanyaya niya saakin.

Ngayon ko kang napansin ang kasuotan niya. She's just wearing a plain black off-shoulder knee high dress  paired with a white wedge with her hair tied in a messy bun. She is such a goddess I must admit.

Tumingin naman siya saakin ulit at ngumiti. Nagmukha nanaman akong katulong at paa sa mga babaeng nakapalibot Kay Kurt.

"You must be here for a report? Duty mate daw kayo sabi niya?" Nakangiti niya parin usisa habang inaayos ang mga pagkain in Kurt. Hindi ko naman maiwasan na masaktan nanaman na para bang kinurot nanaman ako ng katotohanan.

"Ahh. Oo. Yun nga. We're duty mates" kaila ko naman.
"I knew it"
"Dito kana kumain?" Paanyaya niya ulit.
"Naku Hindi na kailangan ko na din naman umalis. " paalam ko saka nako umalis sa kwarto niya at tuloy tuloy na bumaba sa parking.

You should know where you place your goddamn self Corinne. Paalala ko sa sarili ko.
Dahil sa susunod na magpapakatanga ako at masaktan ulit. Hindi nalang kurot ang gagawin ng katotohanan. Baka sampal na.

**

"I cannot believe you! I cannot even believe that I have a friend like you! So disgusting" reklamo niya saakin habang kumakain ako ng brunch. It's past 11am now at kakagising ko lang. Nadatnan ko nalang si Gabriela sa kusina ko. Hinanap ko so Corinne pero umalis daw.
"Kung ito ang plano mo then Hindi na ito tama. You are making her live with you? How pathetic can you be Kurt"

"This is just temporary" napahalukipkip naman siya.
"Alam mo. I can show you an easier way here" suhestiyon niya at tumingin ako sakaniya napakunot noo ako.
"Pwede mo naman sabihin sakaniya na 'mahal pa kita hanggang ngayon. Pakasalan mo na ako'" saka naman siya tumawa. If only it were that simple. I have to make sure that she feels the same way too. Madami pa. pagdadaanan.
"Well. Since Corinne is already back in your life. I guess I can go back to my old ways?" Nakangiti niyang tanong
"Bahala ka sa buhay mo"
"Well. Bahala ka din sa buhay mo" pareho kami natawa
"Anyway. May party ang company niyo ah. Are you planning to come?" Oo nga pala. It's our company's annual party. Hindi ko pa napag iisipan kung dadalo ako. Nasabihan ko naman si dad dahil baka may duty ako sa araw na yun at wala naman daw problema yun.

Nagpaalam din kaagad si gab dahil may lalakarin pa daw.
Naisipan ko kamustahin ang aking ama at nais ko sana ipaalala sakaniya na Hindi ako makakadalo sa party niya dahil baka nakaligtaan na niya iyon. Dinial ko na ang numero niya at ilang rings lang bago niya ito sinagot

"O Kurt buti naman at tumawag ka. I was just planning to call you son may importante ako sasabihin sayo"
"I was just reminding you about the--"
"Actually Kurt I need you to see me now we have something to talk about" wika niya.

Binaba ko kaagad ang tawag saka na naligo at nagbihis pauwi sa among bahay.

Kaagad naman ako sinalubong ni manang pagka apak ko palang sa mansion ni papa.

"Naku Kurt! Ang tagal mo ng di nagawi dito mabuti nalang at nakadalaw ka!" Bati naman niya
"Pasensya na po manang busy kasi sa hospital. Si daddy?" Tanong ko naman.
"Nasa office niya punta kanalang kanina ka pa niya hinihintay" 

Pumunta agad ako sa office ni daddy at kaagad naman siyabg tumayo pagkakita saakin para salubungin ako.

"It's nice to see you again anak. Halika maupo ka we have some things to talk about" wika niya at umupo naman ako sa silya kaharap ng sakaniya

"Pa ano po iyon?" Tanong ko
"As you know Kurt tumatanda nako. And obviously, medyo madami ako iiwanan and I would like to discuss with you some things now while I am still here"

"Dad-"
"No listen to me anak. When you told me na magiging doctor ka at first ayoko maniwala na magagawa mo dahil in the first place, you never showed interest to any profession before" pauna niya at huminga naman ako ng malalim.
"But Kurt anak when you made me wear a barong to attend your oath taking you have no idea how much pride I have as a father for you. I was so proud. And as I see it, I can see you are  fulfilled" I was moved by my father's thoughtful words. To be honest, sa 31 na taon ko na nabuhay ngayon lang niya ako pinuri at sinabihan ng proud siya saakin
"That is why I don't want to take it away from you son. Nor ask you na talikuran iyon" pagpapatuloy niya
"However, I want you to be fully responsible for the things that we have lalo na at ikaw ang panganay. You know what I mean?"
"Yes dad" I answered. He is referring for numbers. I am the one responsible for the accounts and sometimes help him engage investors in our company
"Your brother just accepted my offer to be the next CEO of our company" maluha luha niya pang sinabi. At last. Father was able to convinced Joseph. Joseph never really wants to be a part of this unlike me and my sisters na paminsan minsan may interaction sa company, siya ay wala. He wanted to be a musician that's why.
"I am happy dad. So happy for you" sincero ko naman sinabi sakaniya.

"But I want you to guide him anak. Guide him." And I nodded at him

"Another thing. I have something to show you" kaniya. May kinuha siyang envelope sa ilalim ng desk niya at binigay iyon saakin. Kunot noo ko na binuksan iyon.

"What are these papa"

"I am sorry anak. But I was too concern for you. As I have said matanda nako and I wouldn't know what might happen to you in the future. So I had Corinne followed for the whole year dahil umaasa ako na magkabalikan kayo. And that's what I have found." Wika niya

Fuck Under the Thin SheetsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt