Memories II

203 2 0
                                    


"Bakit mo ba ako sinusundan!!" Bulyaw ko sakaniya. Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin mga tao saamin sa library

"Shhhh" sagot pa niya na akala mo nag aaral naman talaga.
Pikon na pikon nako sakaniya dahil halos magdadalawang buwan na ganito na ang ginagawa niya. Every tuesday at friday nasa figaro siya, nakikipag unahan sa mga kaklase ko na umuupo sa harapan para makaupo sa tabi ko, pilit nakikisabay sa lunch, pinipilit niyayang ihatid pauwi, pilit ako sinusundo at pilit ako kinukulit. Pikon na pikon nako sa kilig na nararamdaman ko. Gusto ko na siya tumigil dahil kapag nagtagal pa to baka ako na mismo ang tumira sa bahay niya.

Matagal ko na crush si kurt. Schoolmate ko siya sa St. Gregory College. He was an accountancy major and one time tinulungan niya ako pulutin mga nahulog ko na gamit sa hallway. Medtech student ako noon. Freshman ako at siya naman, junior.Simula noon, lagi ko na siya napapansin at nakikita. But he never did the same thing. It was impossible to see me on the sea of beautiful women crowding around him. Nagulat ako nung makita ko ulit siya sa med school. At kaklase ko pa. Nothing has changed aside from his good looks na lalong nagpa gwapo sakaniya at nagpa yummy. Girls are still crowding at nagpapansin parin sakaniya. Na mapapailing kanalang talaga.

"Huy wag kang matulala saakin baka mahulog ka" biro niya.
"Tagal na" bulong ko
"Ano yun?"
"Wala sabi ko diyan ka na nga alis nako"
"O teka sandali lang di ko pa maintindihan pedia"
"Hala ilan beses ko pinaliwanag sayo yan."
"Di ko gets e saka ikaw tong medtech di naman ako pre med course" depensa niya
"Grrrr. Wala kaming pedia subj sa medtech."
"Ah ganun ba. Dinner?" Sagot niya and i rolled my eyes on him.

Hindi naman kasi ako nagpapakipot sakaniya. It's just that there are alot of things that bothers me when he's around. I looked around me and i see death glares around me. Yung para bang kung pwede lang nila ako tirisin at kurutin sa tingin at irap nila baka namatay nako sa dami nila? I am not used to the attention that people around me gives cos of him. Also, i am not used to the kind of emotion he gives me. Hindi ko din afford ang distraction. I barely got into med school. My family is not well off. Sumama na sa iba at iniwan kami ni mama bata palang kami ng kapatid ko at si papa naman ay nag asawa ng iba. I just used the small inheritance my grand father left to us kaya nakapag aral kasabay ng 50% na bawas sa tuition ko dahil topnotcher sa boards. I have to be on top this school year para maka discount pa next year.

Hindi ako sumama mag dinner kay kurt but he insisted to take me home.

"Paano mo ba nalaman saan ako nakatira?" Tanong ko. Ngumiti lang siya saakin.
Hay nako delos santos wag kang ngingiti sakin at pakita dimples mo baka ngatngatin kita sa isip isip ko.
"I have my ways" he just said.
"Gusto man kita yayain sa loob wag na. Next time nalang pag may bahay nako" i told him. Ngumiti ulit siya and  He leaned on me. Hahalikan niya ba ako? Papalapit siya ng papalapit. Wait. Di ako prepared. Wait lang talaga..  Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. May tachycardia nako sa bilis nito. Ih. Pipikit na ba ako? Ito na ba? 


"Relax reyes. Tatanggalin ko lang seat belt mo" napahinga ako ng maluwag
"Kung tatanggalin mo wag slow-mo pwede ba?" Mataray ko na sabi
Saka siya tumawa ng malakas.
"Disapppointed? Gusto mong halikan kita no?" Tanong niya
"Ewan ko sayo bwisit" dabog ko at lumabas na ng sasakyan niya.

Disappointed nga ba ako?

Pumasok nako ng gate namin pagka alis niya at pumasok nako ng bahay na madatnan ko ang step mom ko na hawak hawak ang buhok ng kapatid ko. Habang yung isa kong kapatid sinusubukang awatin si clara

"Celene!!!" Takbo ko sakaniya at sapilitan siyang nilayo kay clara, ang step mom ko.
"Ano ba problema mo ha!"
"Pagsabihan mo yang kapatid mo!! Ninakawan ba naman ako ng limang daan!!!"
"Ate hindi po."
"Anong hindi" akma pa sanang sasaktan ni clara ang kapatid ko ng pinigilan ko ito at binigyan ko nalang ng limang daan.
"Ayan ganiyan dapat. Yang ate mo nalang ang nakawan mo! Mga bwisit kayong tatlo" sigaw niya. I hugged celene and carinne while i saw hillary smirked, my step sister na kasing edad ni celene. Dinala ko na si celene at si carinne sa kwarto at ginamot ang mga sugat at pasa ni celene.
"Makaka alis din tayo dito. Konting tiis pa" sabi ko sakanila
"Ate ayoko na talaga dito" si karinne na tinutulungan ako gamutin si celene.
"Gagawa ako ng paraan okay? Tiis lang ng konti" sabi ko sakanila.

Seeing my sisters like this breaks my heart. This is the reason why i cannot afford to be distracted. Para sakanila to.

Kinabukasan, pumasok ako sa school na maga ang mga mata dahil sa kakaiyak sa nangyari sa kapatid ko.
I went to the ladies' room bago tumuloy sa CR para maglagay ng konting bb cream sa mukha.

"Look who's here" biglang lupong saakin ng tatlong babae. Ako ba kausap ng mga to. I gave them a confused look.
"sino ba tong pangit na to" tanong nung isa na akala mo nuknukan ng ganda napasobra naman sa baba
"Siya lang naman ang bagong lumalandi kay kurt" nagtaasan sila ng kilay.
"Look, kung anong gayuma man ginawa mo sakaniya tigilan mo na. I am telling you himdi ka tatagal sex lang ang habol niya sayo"
Gaga ba to. Sa isip isip ko.
"Wala akong gayuma at lalong hindi kami nag sesex, talaga lang mas maganda ako sainyo. Diyan na nga kayo kasira kayo ng araw" sabi ko pa sakanila at lumabas na ng CR.

Lumabas alo ng CR na bwisit na bwisit, imbis na makapag concealer pako e di ko nalagay dahil sa mga gaga na yun
"O bat mukha ka nanaman badtrip" puna  ni lorraine na bestfriend ko na sakto naman kakalabas din ng tatlong tilapia sa CR saka ako inirapan. Ininguso ko sila sakaniya at nakuha naman niya agad ang ibig ko sabihin.
"Hmmm mukhang pinupuntirya ka na ng mga jealous fishes" pang aasar niya
"Hayaan mo sila fish lang sila  maganda ako" sabi ko at saka na siya tumawa.
Pumasok nakami sa classroom at tulad ng nakasanayan hinanap ko si kurt sa upuan niya sa likod pero di ko siya nakita doon dahil nakaupo na siya harap sa tabi ko. Napangiti ako pagkakita ko palang sa batok niya. Pero ayun kunwari di ako affected sakaniya kaya ginawa ko ang best ko na mag poker face.
"Good morning!! Ito coffee saka sandwhich" bati niya sakin sabay bigay ng kape at sandwhich na mukhang galing pa sa isang mamahaling hotel. Hindi ko sana tatanggapin pero dahil sa hindi ako nakapag almusal nagpasalamat nalang ako at kinain. Di bale ng walang pride wag lang gutom. Hirap kaya maging estudyante kapag gutom.

Hindi kami masyado nagpansinan dahil sobrang toxic na sa klase. Iniwasan ko siya ng sobra sa araw na yun sa dahilan ko na ayaw ko nga magpa distract sa hotness niya. Alam ko naman na masasaktan lang ako sakaniya. There are just two things that dont really belong to each other. Example, adobo at isda. Sige mag adobo ka ng tilapia diyan. Diba? Ganun kalala. Hindi kami pwede. Or hindi pa pwede. Besides, magmumukha lang ako paa sa mga naging girlfriend niya at sa mga kakilala niya na socialite. Ayoko naman tawagin kaming beauty and the beast, pero siya yung beauty ha. Siguro isang araw malay mo diba yung tipong matutulog nalang ako chanel pa ang pajama ko ganun pero sa ngayon, kailangan ko pa magsumikap para maiahon ko na mga kapatid ko sa hirap

Fuck Under the Thin SheetsWhere stories live. Discover now