VII

181 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag.
Minulat ko mga mata ko then memories of last night came rushing in.

Napatampal ako sa noo ko.

Tanga tanga Corinne!! Nanaman. Tanga ka nanaman. Bungad ko sa sarili ko. Tumingin ako sa tabi ko at wala siya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag.
I looked under the sheets at ayun nga ang ebidensya ng ginawa ko na katangahan.

I checked the time and I still have two hours before my first shift.
Naligo ako kaagad at mabilis na nagsuot ng puti ko na uniporme.
Lumabas nako ng kwarto at dumaan sa kitchen para uminom sana nang may makita ako na note mula sa doon. Binasa ko ito.

Good morning.
7-2 shift. Prepared you breakfast. See you at the hospital. Hoping for no awkward moment

Napangiti ako. Tinignan ko ang nakahain and it's ham, bacon eggs and fried rice. Masaya ako kumain muna bago ako pumasok sa hospital.

Pumasok ako sa hospital na good mood. Halos lahat ata ng nakakasalubong ko pinagtitinginan ako.

"Good morning doc. Ang blooming naman ata natin ngayon" bati ng isang nurse. Ngumiti lang ako sakaniya.
Inumpisahan ko na ang rounds ko at isa isa ko pinuntahan mga pasyente ko pagka tapos na pagka tapos ng conference.

Tuloy tuloy lang ang araw ko ngayon kakaunti lang ang admissions ngayon kahit na toxic pa din.
Lunch time at papunta nako sa doctors' lounge.

Malayo palang ako naaninang ko na ang isang gwapo na lalaki na paulit ulit ako nagpapakatanga. Ngumiti siya saakin sa unang pagkakataon at ako naman tuloy tuloy ang lakad ko na Hindi makatingin sakaniya. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Akala ko ba walang awkward moment" sabi niya habang nakangiti. Namula ako ng sobra sobra. At lalo lang siya tumawa.

"Lunch with me?" Tanong niya. Umiling ako.
"Baka may makikita" sabi ko sakaniya saka nako bumitaw sa hawak niya at nag tuloy na sa doctors' lounge.

Huminga ako ng malalim pagkasara ko sa pintuan at dumiretso na sa table ko.

"O doc mukhang hinihingal ka a. Tubig?"  Nginitian ko lang siya saka ako nagpasalamat kahit di ko naman ginalaw yung inumin niya.

Mabilis ako mag lunch dahil may pasyente ako kailangan ko pa I observe at Kunan ng Hx sa private room. Pagka tapos ko kumain. Sinama ko agad yung intern ko para may gumawa ng admission summary at Hx sa pasyente.

"Anong room po doc?" Tanong niya saakin
"207" kako. Pagka pasok namin doon e agad ko nakita yung pasyente ko at ang dalawang nagbabantay sakanila. Napagpasyahan ko at the last minute na yung intern ko ang mag ayos ng management ng pasyente at ako ang kumuha ng Hx para matuto.

Lumapit ako sa nagbabantay sa pasyente

"Sir excuse me po pwede po ba malaman history ng pasyente sa sakit niya. Gaano katagal na niya po-" napatigil ko nang mapansin ko na nakakatitig siya saakin. Napakunot noo ako

"Sabi ko na nga ba familiar ka e" bigla niya sabi at nanlaki ang mga mata ko.

"Ikaw pala doctor ng lolo ko!" Nakatawa niya nasabi. Pilit ko I naalala kung may katangahan nako na ginawa.

Wala.

Wala Ako alam kung may katangahan ako ginawa kagabi sakaniya o wala talaga ako maalala.

Ngumiti nalang ako sakaniya at sinabi ng 'nice to meet you' kahit ang totoo niyan gusto ko na tumakbo sa kahihiyan. Tinuloy ko ang pagkuha ng history ng pasyente saka ko na binigay sa intern ko para magawan ng summary. Kinuha ko ang papel kung saan siya nagsulat and checked her prognosis

Tama naman ang mga nilagay niya pwera sa isa kaya sinabi ko ito sakaniya.

"Emergency siya dinala kagabi kaya Hindi pwede tong procedure na to. Masyado matagal ang result at kailangan agad ng management ng pasyente. " kako sakaniya. I directed her na ilagay sa chart ng pasyente at ibilin sa nurse ang mga priority procedure. Ginawa naman niya at babalikan ko yung pasyente mamaya.

Halos magpakuha nako sa lupa  nang nakasalubong ko si Terrence sa hallway papuntang chapel

"Hi doc Corinne" Bati niya at binati ko naman siya
"Kape tayo?" Tanong niya
"Nasa duty pako e" sabi ko sakaniya saka siya ngumiti
"After duty?" Tanong niya
"Kasi-"
"May duty pa siya pagka tapos ng duty niya" nagulat ako nang may bigla nagsalita sa likuran ko. Napakunot ako ng noo sakaniya saka nanaman niya ako hinila paalis doon.

"Ano ba bakit ka ba nanghihila nalang parati?!" Singhal ko sakaniya ngunit di niya ako sinagot.
"Kurt ano ba nasasaktan ako!" At tumigil siya.
"I am sorry. " saad niya
"I- I just don't like seeing you with another man" kaniya saka siya umalis.

E paano naman ako. Lahat nalang ba matatapos the moment Gabriella showed up? Tinignan ko siya habang papalayo ng papalayo saakin. Saka ako ngumiti. He is not mine. But I am his.

*
Pumasok ako sa isang pribadong kwarto sa hospital. I made sure na walang naka kita saakin. Nilapag ko ang mga bulaklak ko sa lamesa sa tabi niya saka ako umupo sa isang bakanteng silya doon. Hinawakan ko ang mga kamay ng bata na dati dati ay kakwentuhan at kabiruan ko pa. Tumulo kaagad ang luha ko pagka kita ko sa kalagayan niya. Sisiguraduhin Kong magbabayad ang Taong may gawa nito sakaniya.

"What happened to you carinne" bulong ko sakaniya
"Please. Stay strong. Don't give up on us. Kuya Kurt is here". Tuloy tuloy ang pagpatak ng aking luha. Hindi ko lubusang maisip kung paano nangyari ang lahat ng to sa loob lamang ng isang Taon.
Tumayo ako at hinalikan siya sa noo at lumabas nako ng silid na iyon

Fuck Under the Thin SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon