“What the?” nakangiti pa rin niyang sagot. “Seryoso ako sa 'yo. Why would I court you since then if not? Ang tagal mo nga akong pinapaasa,” pag-iiba niya sa takbo ng usapan. “Isa pa, ako na lang ba talaga ang may itinatago pa?”





Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. May alam siya? Pa'no niya nalaman? Hindi naman pwedeng may sinabi si Auriel sa kanya tungkol sa—





“So what, if all of us have unrequited feelings.” Sabay kaming napalingon kay Xander na nakasandal na pala sa hood ng sasakyan. “Most feelings are bound to be unrealized anyway.”





Bagsak ang panga ko sa narinig. Maging si Stephan ay gano'n din ang reaksyon. Pare-pareho ba kami ng sitwasyon? Pero pa'nong may gano'ng nararamdaman ang bisi presidente at kanino?




“Don't tell me you also—” Hindi natapos ni Stephan ang balak sabihin na laman na rin ng isip ko.





“I'll leave it to your imagination,” nakangising sagot ni Xander bago sumakay uli sa sasakyan. “We better get going.”






“What the fuck was that?” Na-iiling na binuksan ni Stephan ang pinto ng backseat kung saan ako uupo. “Samahan ba tayo ng mga bigo sa pag-ibig?” Pagkapasok ko, saka siya naupo sa driver's seat at pinaandar ang makina.





Bigo? Oo, bigo nga ako. Bigo at sinungaling. Nagsinungaling ako kay Auriel pero ginagawa ko rin naman ang makakaya ko para makalimot. Ibinaling ko ang mga mata kay Stephan na kumakanta na kasabay ng tugtog sa radyo. Umaasa rin ako. Ilang segundo lang ay kay Xander na ako nakatingin. Baka nga pare-pareho kaming hindi pa binibitiwan ang mga damdaming natagpuan namin sa loob ng K-High.





Dahil sa haba ng byahe, nakatulog ako at nagising lang nang maramdamang may nagtatakip ng kung ano sa mga mata ko.



“Don't.” Mahigpit ang hawak ng may-ari ng boses sa mga kamay ko.



“Ano na naman ba 'to—” Napigil ang pagsasalita ko dahil sa may iniharang siya sa mga labi ko.



“Trust—awww!” Hinahatak nito ang sigurado akong daliri niya na kagat ng mga ngipin ko. Pinakawalan ko lang 'yon nang humihiyaw na siya sa sakit. “Why did you bite my finger? If it was my neck, you wouldn't hear me complaining.”


“Pervert!”



Tumawa siya ng malakas bago ko uli narinig na magsalita. “Just trust me, okay?” Dahan-dahan niya na 'kong iginiya palabas ng sasakyan habang nakapiring ang mga mata.




Wala akong marinig na kahit anong ingay. Kahit na ang yapak ng umaalalay sa 'kin. Kung hindi ko lang ramdam ang init sa palad niya, iisipin kong mag-isa lang ako.




Pagkatapos ng ilang segundo, tumigil kami at bigla na lang siyang bumitiw. Madali kong inalis ang piring sa mga mata ko. Kadiliman ang sumalubong sa 'kin bago sumabog ang liwanag.



“Congratulations, Canary!” Nangibabaw ang boses ni Auriel na patakbong yumakap sa 'kin. Saglit akong nabigla bago siya ginantihan ng yakap. Ang usapan kasi ay bukas pa kami magkikita-kita.




“Congratulations on conquering K-High by yourself, Ms. Salazar.” Napatitig ako sa kamay ng presidente na nakalahad.



Sinikap kong walang ipakitang kakaibang reaksyon bago tinanggap ang palad niya. “Salamat, Captain.”



Nginitian niya 'ko na nakapagpatigil na naman sa 'kin. “Ikaw na lang ang tumatawag sa 'kin n'yan.” Alam kong siya pa rin ang dating presidente ng K-High pero may iba na sa kanya.



“Let the party begin!” Hiyaw ni Stephan habang isa-isa kaming inaabutan ng bote ng alak.



“'Yong cake muna, Step!” saway ni Auriel na nagmamadaling hiniwa sa ilang piraso ang cake kung saan nakasulat ang mga katagang 'Welcome Home, Canary'. Isa-isa niya rin kaming inabutan.




Hawak ang bote at ang cake ay naupo ako at pinanood lang sila. Si Stephan na ngiting-ngiti habang kinukulit si Auriel. Si Auriel na sinesermunan ang una at ang presidenteng nanonood lang din sa kanila. Ang tagal ko na nga silang hindi nakasama. Masyado akong nagugulat sa nasasaksihan ngayon.



“Are you thinking that they've changed?”



Napaurong ako palayo kay Xander na kanina pa yata nasa tabi ko. Mula sa mesa, dumampot siya ng tatlong kubyertos at mabilis na inihagis sa tatlong pinagmamasdan namin.



“Thanks Xan, I need this,” sabi ni Stephan matapos saluhin ang tinidor na ibinato sa kanya.



Nakasimangot naman na nakatingin sa 'min si Auriel na hawak din ang isang tinidor sa kamay.



“I already have mine.” Agad na inihagis ng presidente ang kasasalo lang na tinidor pabalik sa katabi ko.



Inilapag ni Xander ang nasalo bago muling nagsalita. “We didn't change, but we're more than what we were back in K-High. You can say we upgraded,” natatawa niyang dugtong.




“Mukhang upgrade nga. Pwede ring evolution.”




Gaya pa rin ng dati pero wala nang takot magpakita ng emosyon.



Hindi na nga ba kami takot? Kung hindi, bakit ang galing pa ring magtago ni Stephan ng totoong nararamdaman? Kahit ako.




“It's better this way. May iba pa tayong dapat paghandaan. Marami pang pwedeng mangyari.” Nakangising nilingon ako ni Xander. “Anyway, congratulations on at last deciding to face yourself and your emotions.” Makahulugan niyang dagdag na para bang alam niya kung bakit naiisipan ko nang lumabas sa K-High. Idinikit niya ang hawak na bote sa boteng nasa kamay ko.



Wala ngang nagbago. Hindi iniwan ng bisi presidente ang pagka-misteryoso niya sa K-High.



————————
A/N: Check out K-High's sequel, K-Game.

K-High (Korosu High) Under RevisionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora