LXXIV: Karma Is A Bitch

71.2K 2.8K 604
                                    


Auriel



PUWERSA sa puwersang magkasangga pa rin ang patalim ng apat sa gitna hanggang sa parehong maitulak ni Xander at ng naka-itim ang kani-kanilang kalaban. Saka ko lang din napansin na ang buong gym ay napapaligiran na ng Mercenaries at maging si Canary pala ay may kinalaban na nagawa niya ring itulak pababa ng entablado.



Karamihan sa mga estudyante ay nakapaglabas na ng kanya-kanyang patalim. Kabilang na ang mga miyembro ng Strike Corps. Nakahanda nga ang ilan pero mas marami pa rin ang kakikitaan ng takot.


"Game over."



Awtomatikong nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses galing sa naka-itim.


"Finally, the mastermind revealed herself," dugtong ni Xander na hindi ko naintindihan ang ibig sabihin.


"H-how?" nagtatakang tanong ni Eunice. "How are you still alive?!" Ang sumunod nitong sinabi ay may halo nang galit. "I checked your pulse! Your heartbeat! I made sure you weren't breathing!" Malakas na nitong sigaw na ang pinapatungkulan ay ang katabi ni Xander.


"Tetrodotoxin." Inalis ng naka-itim ang maskara pero dahil sa nasa likod ako, hindi ko makita ang mukha niya.




"I'll be your teacher in science for now, Auriel," bulong sa 'kin ni Stephan. "Tetrodotoxin is a kind of neurotoxin. It's a form of poison that can paralyze the diaphragm. And do you know a famous source of such poison?"



Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha ba 'kong nasa mood para sagutin ka?"



"Sorry," tawa niya. "The source I'm taking about is a puffer fish."




Agad na pumasok sa isip ko ang boteng ininom ni Luciel bago labanan ang Mercenaries at ang kahon na sinabi niya noong gagamitin sa isang eksperimento.




"Sa madaling salita, kapag pumasok sa katawan mo ang lason, maihahalintulad ka sa isang bangkay kahit na buhay ka pa."





Natulala ako sa kinatatayuan. Tiniis ni Luciel ang hirap at kinapitan niya ang sariling buhay ng ilang minuto para lang mapapaniwala ang mga kalaban na patay na nga siya.



"Pres, sure is tough. He recovered fast," dugtong ni Stephan. "Totoo ngang may immunity siya sa lason."



"L-Luciel." Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya bago ako nilingon ng lalaking akala ko ay mawawala na talaga sa 'kin.





"Hany, I'll make it up to you. After this, I'm all yours," nakangiti niyang turan bago ibinalik ang paningin kay Eunice na mukhang nakuha na rin kung paanong buhay siya. "Don't get too surprised, Ms. Ferrer. Or should I say Ms. Eunice Addison Ferrer?"



Impormasyong akala ko'y huli na sa ikagugulat ko.





"Hindi lang naman ako ang multo rito." Itinuon ni Luciel ang mga mata sa naka-puting hood na noo'y inakala naming pinuno ng Mercenaries. "I'm not the only one who can fake death. Isn't that right, Mr. Sandoval?"




"I see dead people. Walking around like regular people. They don't know they're dead, " Sinabayan ni Stephan ng tawa ang linyang binanggit galing sa isang pelikula.





"Pa'nong nangyari 'yon?" Si Canary na kanina pa tahimik ang siyang nagsalita naman. "Kami mismo ni Auriel ang nakakita kay Kiel." Nilingon niya 'ko na para bang humihingi ng tulong dahil naguguluhan na sa nangyayari.





"None of you checked his body, right?" tanong ni Xander sa 'ming dalawa. "None of you touched him. How can you say he was dead?"




"May dugong umagos sa kanya pati sa sahig," naguguluhan ko na ring tugon.



Tama kasi si Xander sa sinabi. Hindi namin nagawang lapitan si Kiel noon.



"The blood you saw surely isn't his," saglit niya 'kong nilingon bago tiningnan ang tinutukoy nila bilang si Kiel. "Compared to them, we're more professional in faking a death."




"We're more intense," nakangising dugtong ni Luciel.




"It doesn't matter whether I'm alive or dead." Hindi na gumagaralgal ang boses ng nakasuot ng puting hood dahil inalis niya na ang maskara. "In the end, you're all gonna die! Do it, Stephan!" sigaw nang natitiyak ko ngang si Kiel.




Narinig ko na lang ang bulong ng katabi ko sa' king tenga. "Do you know where I stabbed the president, Auriel?"



Naramdaman ko ang patalim na itinulak niya saka muling hinugot mula sa agwat na nasa pagitan ng braso at tagiliran ko. Napalingon tuloy ako sa kanya nang may pagtataka.



"That's how I play killer when I was young," nakatawa niyang paliwanag sa 'kin bago sinagot si Kiel. "I'm sorry, I'm actually a double agent. I work with the good guys." Linuwagan na ni Stephan ang pagkakayapos sa 'kin.



Natuwa man ako sa katotohanang buhay si Luciel at hindi talaga kami pinagtaksilan ni Stephan, may lungkot at pait pa rin akong nalasahan dahil si Kiel na itinuring kong tunay na kaibigan ay isa palang kalaban.



"Si Eunice ba ang nabanggit mo sa 'kin noon na fiancée, Kiel?" Nagawa kong itanong na hindi naman sinagot ng kinakausap ko.




Sa halip, nginisian niya 'ko, na sapat nang tugon. Saka ko lang din naalala ang kinuwento ni Canary tungkol sa mga Sandoval na pinakamalapit sa mga Addison. Siguradong ang pamilya ni Kiel ang tumulong kay Eunice kaya buhay pa 'to at naghihiganti ngayon.



"Enough with this bullshit!" malakas na sigaw ni Eunice na dama ang galit.



Galit 'to dahil ang laro kung saan siya magaling ay ginamit laban sa kanya. Siya ang nasukol ng patibong na siya mismo ang naghanda.




"Karma si real," komento ni Stephan.



"No, this isn't karma, Step. This is fate. Siya naman ang tatayain sa larong sinimulan niya.



"Yasmin can finally rest in peace after this."




"Yeah, enough talking," singit ni Xander. "Let's settle everything now!" Muling 'tong tumayo sa harap ng mikropono. "Those of you who're scared to die, run while you have the chance. And those who are thirsty for victory, stay and fight!" May diin ang bawat salitang binitiwan niya. " Survive, and you can leave K-High acknowledged by the Bryceton empire!"





-----

A/N: Regarding the poison, I got the idea from the movie John Carter, though I also did a little research. While the line Stephan used that was from movie The Sixth Sense.

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon