Epilogue

43.2K 1.5K 368
                                    

After months of preparation, Mona's most awaited moment finally came. It was just after her 35th birthday. Katatapos lang din ng first birthday at binyag ni baby Fiona. Now, it's her turn to walk down the aisle.

Sa probinsya nila gaganapin ang kasal. Doon kasi ang gusto ng parents niya. Kaya ang buong pamilya ni Felix, pumunta sa probinsya, one week before the wedding. Her friends arrived a few days before.

Andrea and Angela will attend the wedding. She made sure that Andrea's okay with it bago niya ito pinadalhan ng invitation. Nakilala na rin ng parents niya si Angela. They adore the kid. Parang sariling apo agad ang turing.

"Nak, bilisan ninyong magka-apo, ha. Gusto ko rin ng ganayto ka-cute!" her father explained, pinching the little girl's cheeks.

"Dy! 'Wag mo namang pisilin nang todo! Baka umiyak 'yan!" saway niya sa ama.

"It's okay," Andrea interjected. "Sanay na 'yan."

Kasama niya ang mga kaibigan at si Andrea habang nag-aayos. Nasa kabilang bahay naman sina Felix.

"Halika na, baby, aayusan ka na ni Mommy."

Kumalong si Andrea sa ina at nagpadala papunta sa upuan sa may bintana. Sina Fresia naman ang lumapit sa kanya. Kalong-kalong nito si baby Fiona, na kunot ang noo dahil siguro sa ingay ng mga nasa loob ng bahay.

"Congratulations, Mona," nakangiti nitong bati.

"Excited ka, Beh? Hayaan mo muna akong makasal."

Ngumisi ito. "Akala ko kasi mauunahan pa kayo nina Aika."

Aika, who's being unusually quiet, blushed. "Bakit nakasali ako?"

"Kailan nyo raw planong magpakasal ni Mickey?" tanong niya sa kaibigan.

"Malay ko sa kanya."

"Parang timang 'to," kumento ni Brandi.

"Nagsalita ang wala namang planong ikasal."

Brandi flipped her curled up hair. "Tama na 'yong kayo lang ang ma-stress sa relationship. 'Wag nyo akong idamay."

Doon na lumapit ang mommy niya. "Sinasabi mo laang iyan at ikaw ay hindi pa naiinlad. Pero kapag ikaw ay tinamaan, iya... sinasabi ko sa 'yong bata ka."

"You're already 32," Fresia told Brandi. "Wag ka nang maghintay na maging 35 ka pa bago ka ikasal."

"Guys, let's just focus on the bride, okay? And tita, kahit naman ma-in love ako, hindi ibig sabihin na gugustuhin kong makasal."

Naiiling na umalis ang mommy niya. Everyone became distracted when the wedding planner came in with her dress. Nawala na ang atensyon nila kay Brandi.

Fresia designed the dress for her. It was a mermaid gown with a ruched bodice and a sweetheart neckline. Noong una ay ayaw pa niyang magsuot ng ganoong klase ng gown dahil akala niya'y magmumukha siyang suman, but everyone told her that she looked good in it.

And when she finally got to see the dress with the veil and with her hair and makeup, saka niya na-realize kung gaano siya kaganda. Posible pala talagang kahit gaano pa kapangit ang tingin mo sa sarili mo, kahit gaano man karami ang insecurities mo, may mga araw talaga na matatanggap mo rin na maganda ka.

Her wedding day is that day. The day when she is happiest.

--

Brandi is the maid-of-honor. Nakataga na iyon sa bato noon pa man. They had a moment alone before they headed to the church.

"You look happy," sabi nito sa kanya.

Lalong lumapad ang ngiti niya. Pakiramdam niya'y mapupunit na ang mga labi niya sa kakangiti, pero hindi niya mapigilan ang sarili.

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Where stories live. Discover now