Chapter 1: Some Things Never Change

89.9K 2.1K 195
                                    

Mona scanned the place. May dekorasyon na mga crepe paper sa ceiling ng dati nilang auditorium. Wala na ang mga inclined benches sa tabi. Napalitan iyon ng mahahabang lamesa at mga upuan na umuukopa sa malawak na venue ng reunion nila.

Maganda rin ang ayos ng stage. Hindi tinipid. Sa wakas ay nagka-budget din ang school niya. Naalala niya dati, tuwing kailangang ayusin ang auditorium, kanya-kanya silang magkakaklase ng dukot sa bulsa para sa ambagan.

Welcome home, Batch—

Napasimangot siya sa numero. Has it been that long? Ganoon ba talaga dapat ang nakalagay na taon? Hindi niya matanggap na labing-anim na taon na mula nang maka-graduate siya ng high school!

"Mona!" Kinawayan siya ng dating muse ng klase nilang si Jelly. "Dito ka na!"

Huminga siya nang malalim. Why did she go again this time? Sa tagal na niyang inaayang sumama sa reunion ng batch nila, ngayon lamang niya pinaunlakan ang imbitasyon ng mga dating kaklase.

She already has a successful business. Hindi pa siya sobrang yaman pero marami-rami na rin ang pera niya. She owns her own shop and it's doing well. She hopes that's enough to impress them.

Pilit siyang ngumiti. More than anything, she wants them to see past her figure. Nag-black tight-fitting dress na nga siya ngayon. Nakakapayat daw ang itim. Kaya kahit mukha siyang makikipaglamay ay nag-itim siya.

Maingat niyang inilakad ang itim na high heels. The last thing she wants now is to embarrass herself by tripping on a flat surface.

"Hello, friends!" masigla niyang bati sa mga nakaupo.

Medyo nailang siya nang biglang tumayo si Jelly. Malaki ang tiyan nito. Buntis. Pero halata mo sa katawan na tumaba lang ito dahil sa pagbubuntis nito. Mas malaki pa rin ang mga braso at hita niya.

Hustisya naman! Akala ko ba totoo ang gulong ng palad? Bakit nasa taas pa rin si Gelay?!

Maganda pa rin ito, mukhang alagang-alaga ang sarili. Siya mukha pa ring napabayaan sa kusina!

"Buti naman nakarating ka!" Jelly exclaimed. Humalik ito sa pinsgi niya.

"Sorry. Ngayon lang nagka-time, e," dahilan niya.

"Akala namin ayaw mo lang talagang magpakita, e," sabi sa kanya ng dati niyang crush na si Brandon. Kaunahan yata itong ikinasal sa kanila. Nagkabuntis kasi ito noong fourth year sila. After high school, ikinasal ito kaagad.

Mataas na ang hairline nito ngayon at medyo malaki na rin ang tiyan. If not for the name tag on his shirt, she would not have noticed him. At least umikot ang mundo para sa ilan.

Iba ang alaala ng high school. Kahit gaano pa katagal ang lumipas na panahon, maaalala't maaalala mo pa rin ang mga nangyari noon. She could still remember what most of them did to her, good and bad. But because it's already been a long time, bearing grudges seems too much. Kaya forgive and forgive na lang. But no, she didn't forget.

Ginawa niyang motivation ang mga panlalait sa kanya noon para magbutihin ang buhay niya. Hindi na niya sinubukang mag-diet. Hindi naman kasi niya napapanindigan.

"Healthy na healthy ka pa rin, ha!" kumento ng isa sa mga mean girls noon, si Alona.

Ikaw, bulimic pa rin? she wanted to ask. Mabuti at napigilan niya ang sarili. That was way too harsh, kahit nagka-eating disorder naman talaga ito dati. Keep it PG, Mona, she reminded herself.

"Maraming pera pambiling pagkain, e," sagot na lamang niya.

"I heard you have a cake shop," ani Elton, ang dati nilang class president na kasing kapal pa rin ng jalousie ang salamin sa mata. "May discount ba kapag dating kaklase?"

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon