Chapter 3: For The Nth Time

52.6K 1.7K 268
                                    

Nang makita ni Mona na tumatawag ang ina niya isang araw, alam na niya kaagad kung ano ang pakay nito.

"Anak," himutok ng ina. "Trenta y dos ka na, hindi ka pa ba mag-aasawa?"

Humugot siya nang malalim na hininga. Hindi na bago 'to. Ilang beses sa isang taon, ipinaaalala ng Mommy Lourdes niya na matanda na siya, kailangan nang magkaroon ng sariling pamilya. Hindi rin naman niya masisi ang ina. Pangako kasi niya noon, magpapakasal siya ng 25. Pero nang mag-25 siya, na-realize niya na wala pa siyang nagagawa sa buhay. She just started her business. Hindi pa ito gaanong kilala noon. Kailangang consistently excellent ang mga produkto niya para bumango ang pangalan ng shop sa masa.

Nang kulitin siya ng mga magulang, sinabi niyang mag-aasawa na siya kapag 30 na siya. But her business was already booming by then. Why stop there? At saka, wala naman siyang magustuhan sa mga ipinapa-date ng mga ito sa kanya.

Ayaw naman niyang magpakasal lang para masabing kasal, para may asawa at anak na ihaharap sa mga kakilalang paulit-ulit na nagtatanong. Ayaw niyang makasal para lang hindi tumandang dalaga.

Gusto niyang ikasal dahil nagmahal siya at minahal din siya ng taong pinili niyang mahalin... that they loved each other enough to commit to a lifetime of togetherness.

Ngayong mukhang meron na...

"Promise, My, kapag 35 na 'ko—"

"Nakow! Dadali ka na naman, Anak! Tano't tatlong taon pa ang hihintayin ko? Hindi baga pwedeng next year na laang?! Ikaw na laang ang hindi kasal sa mga anak namin! Sayang ang lahi natin kung hindi ka magkakaanak!"

"Pwede naman akong magkaanak kahit wala akong asawa."

"At ano ang sasabihin namin sa mga kapitbahay? Dapat kasal ka, Anak! Nag-i-expect ang mga iyon ng bonggang handaan!"

Naparolyo siya ng mata. Bonggang handaan... which means patay-baboy, baka, manok, isda... at lahat na ng pwedeng patayin at katayin. Ibig sabihin din noon, magwawaldas na naman ng sangkatutak na pera ang mga magulang niya. They did it the last time, sa bunso nila. Imbitado ang buong barangay. Sa niyugan nila naghanda ang mga magulang. Mabuti na lang at may hacienda silang pwedeng paghandaan.

Malawak kasi ang niyugan nila sa Quezon. Mayaman ang angkan ng mga Ferrer. Isa sa pinakamayayaman sa ilang bayan ng Quezon. Supplier kasi sila ng kopra, mga produktong galing sa niyog, at lambanog.

Bukod doon, lahat halos sila, magagaling magluto. Mahihilig kasi silang kumain at hindi pwedeng hindi masarap ang kakainin kaya nag-aral ng iba't ibang recipe ang mga ninuno niya, na napasa nang napasa hanggang sa henerasyon niya.

She loves her family, she really does. Kung si Fresia, minalas sa angkan, siya naman ay sobrang swerte. Ang tanging reklamo lang niya siguro... medyo demanding ang mga ito pagdating sa pagbuo ng pamilya. At a certain age, dapat ay kasal na ang babae. Lahat dapat ng anak, tapos sa pag-aaral. Dapat ang mga lalaki, may magagandang trabaho. Dapat ang mga manliligaw, matututong gumawa ng mga ginagawa nila sa negosyo. Dapat ang mga babaeng pakakasalan ng mga kamag-anak niyang lalaki, hindi maarte sa pagkain. Requirement din sa mga babaeng aampunin sa angkan nila ang kagalingan sa pagluluto.

Mabuti na nga lamang at walang natipuhan ang mga pinsan niya sa mga kaibigan niya. Paniguradong mamamatay sa gutom ang mga ito. Although even the men in her clan know how to cook, syempre mas gusto ng mga itong kumain.

Maganda ang reputasyon ng angkan nila sa Quezon. Mabango ang pangalan. Lalo na ang pamilya niya. She thought that her achievements were enough to get them off her back. Ang kaso, palaging may nagtatanong sa kanya ng mga nakakairitang tanong.

Kailan mo balak mag-asawa?

Ayos pa ba 'yang matris mo?

Kailan mo balak magkaanak?

The Way To His Heart (The Starving Squad #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon