Chapter 5

372K 7.1K 138
                                    

“Sa'n naman?”

"Basta! Magbihis ka na lang ulit!”

“Fine!” pumasok na ako muli sa loob ng aking kwarto.

Hindi pa sinabi kung saan kami pupunta eh anong susuotin ko? Mamaya magkamali pa ako ng maisuot! Ang lalaking 'yon talaga!

Kinuha ko 'yong dress na blue na may long sleeves at 'yon ang aking sinuot. Since maganda ang suot ko, naglagay ako ng light make-up. I don't care kung may naghihintay sa'kin. Kung kanina ay nahihiya ako sa kanya, ngayon eh hindi na!

“Hurry!”

“I'm done!”

Pinagdikit ko ang aking mga labi kasi naglagay ako ng lipstick. Bahala na ang ayos ko ngayon sa kung saan man kami pumunta ngayon. Lumabas na ako ng kwarto. “Oh, okay na ang ayos ko?”

Tumingin siya sa'kin while unbuttoning his polo, nakatupi na ang sleeves hanggang siko. “Okay na.” I felt his hot stare looking at my body, para niya akong hinuhubaran. “Mas bet ko kung wala kang suot na damit talaga.”

“Baka pag naghubad ako mismo ngayon, iba ang gawin mo sa'kin.”

“Ofcourse.” at umarko pataas ang gilid ng kanyang labi. “Ba't nag-ayos ka pa ng ganyan?”

“Kasi gusto ko.”

“Okay na 'yong wala kang ayos kanina, tsk.”

“Eh, nakadress ako, ano! Pag maayos ang damit na suot, nakaayos din ang itsura!”

He didn't speak for a minute and just heaved a sigh. “Tara na. Isara mo nang maayos 'yong pinto ng bahay mo.”

“Alam ko ang gagawin ko.”

Siya ang unang lumabas bago ako. Isinara ko na ang pinto at nilock ng mabuti. Narinig ko ang pag-andar ng engine ng sasakyan niya. Nang matapos ay 'yong gate naman ang sinarado ko bago pumasok sa kotse niya.

“Ba't dyan ka uupo?” he asked while looking at me in the rearview-mirror. Naupo kasi ako sa likod niya, nagmukha siyang driver ko.

“Sa tabi ko ikaw umupo!” he commanded. Sumimangot ako't lumabas ng kotse para umupo sa kanyang tabi. Pagsara ng pinto ng kotse ay nag-seatbelt agad ako. Pinaandar na niya ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.

***

“Restaurant?” I murmured, asking myself for the better.

“Yeah.” he answered. Hindi ko akalain na maririnig niya 'yon, oh well.

Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng resto. Maya-maya pinaandar niya muli ang kotse at nagpark sa parking lot mismo.

“Bakit sa restaurant?” akala ko sa Mall kami pupunta kanina. 'Yon ang nasa isip kong pupuntahan namin habang nasa byahe.

“'Di pa ako kumakain.”

“Dapat sinabi mo sa'kin!” 'di ko mapigilan ang hindi mapasigaw. “Para habang naliligo ako, kumakain ka na. May pagkain pa ako ro'n, eh.”

“Malay ko.”

“Sadyang malay mo talaga.nHindi kasi nagsasabi.” at napalabi ako. Sayang din ang pagkain do'n, 'di ko nailigpit. “Teka, anong ginagawa mo nga pala kanina ro'n sa tapat ng banyo?”

“Hinihintay kang matapos. Iihi ako.”

“Ah.” kaya pala. Buti at mabilis akong maligo no'n. “Ikaw na lang ang kumain. Nakakain na ako, eh.”

“Kumain ka ulit.”

“Busog na ako.”

“It's my treat. Besides, walang pagkain na nakastock sa refrigerator ng condo. Bukas pa ako maggogrocery so you better eat again. Tara.”

Nauna siyang lumabas and to my surprise, pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Nice, gentleman ka pala Boss!” pang-aasar ko.

“I just want to show you that chivalry is not dead, natutulog lamang 'yon.”

“Natutulog?”

“Ang mga lalaki now a days, tamad maging gentleman, pinapatulog ang chivalry. Real men do chivalry and I believe that being a chivalry guy can get a woman's heart in just a second." and he looked at me straight to my eyes. “So, if I get your heart now, sabihin mo lang sa'kin.”

“Why? Ibabalik mo rin kung sakali?”

“Hindi, syempre. Ipapalit ko lang 'tong puso ko para fair, 'di ba? What do you think, hmm?”

I held my breathe. Hindi ako umimik. Sa banat niya ngayon, paniguradong pinamulahan na ako.

Pregnant by my BossWhere stories live. Discover now