"Oo naman iha" nakangiti naman nitong sabi.

"Eh yung nga manang Sabelle Hindi po si Arvie ang ama kaya wag nyo pong sabihin na ang hayop na yun ang ama ng anak ko." Nanggagalaiti kong sabi dahil talagang naiinis ako sa lalaking iyon.

"Patawad iha akala ko kasi...." Nakayukong sabi nya.

"Manang okay lang di mo naman kasi alam ang mga nangyayari eh, kaya okay lang talaga" mahinahon kong sinabi dito. Ngumiti ito sakin at sasagot na Sana ng biglang may nagbukas ng pinto agad namang umalis sa tabi ko si manang na parang napaso sakin.

"Gising na pala ang aking reyna kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito sakin habang nakangisi. Agad naman along nairita sa kanya lalo na sa itinawag nya sakin.

"Hindi ako okay dahil nandito ako sa impyernong lugar na 'to, hindi ako reyna at lalong lalo na HINDI MO KO PAGMAMAY-ARI!!!" sigaw ko rito na punong puno ng galit.

"Napakaganda mo pa din kahit galit na galit ka..." Nakangisi nito sabi sakin habang hinahaplos ang mukha ko agad ko namang tinabig ang kamay nya at iniwas ang mukha ko nung susubukan nya ulit akong hawakan.

"WAG NA WAG MO KONG HAHAWAKAN HAYOP KA!!!" sigaw ko sa kanya at sabay dura sa mukha nya. Napapikit ito dahil sa ginawa ko at saka pinahid ang laway na nasa mukha nya.

Hindi na ko nagulat ng hawakan nya ng mahigpit ang kanang kamay ko na isasampal ko Sana sa kanya at saka hinawakan ng marahas ang baba ko. Nanlilisik ang matang tumingin sya saking mga mata at saka sinabing.

"Alam mo bang nagtitimpi na ko sayo Hindi ka na nakakatuwa akala mo hahayaan ko ang mga ginagawa mo!!" Sabi nya at marahas na binitawan ang kamay at baba ko.

"Makakaalis din ako sa impyernong lugar nato–" napatigil ako sa pagsasalita ng sampalin nya ko ng malakas. Narinig ko ang pagsinghap ni manang Sabel pero ako okay lang dahil alam ko ng gagawin  ito ni Arvie sakin kahit sobrang obsessed niyan ay kaya nya parin akong saktan. Pasimple ako humawak sa tyan ko at hinimas himas ito ng pasimple para Hindi mapansin no Arvie.

"Wag mo nang tangkaing tumakas dahil kahit anong gawin mo ay di ka na makakatakas sakin hahaha"

Kung di lang dahil kay baby baka napatay ko na 'tong lalaking 'to pero Hindi kaya ma's mabuting masaktan ako wag lang mapahamak si baby may posibilidad kasi na pag tumayo ako at lumaba ay masagi ang tyan ko at madamay si baby at di ko kakayaning may mangyaring masama sa baby ko.

Baby wag lang mag-alala makakatakas din tai sa impyernong lugar na ito.

Napabalik ako sa realidad ng bigla akong makarinig ng malakas na pagsara ng pinto napansin ko rin na wala na si Arvie ewan ko ba pero bigla na lang akong naiyak Hindi ko alam pero sa tingin ko eh dahil na rin siguro sa sitwasyon ngayon.

Pagod na ko, pagod na pagod. Alam ko na nakikita ng marami na matapang ako pero kailangan kong gawin yun para hindi nila isiping mahina ako.

"Tahan na masama yan para sa bata" pagpapatahan sakin ni manang Sabel.

"Manang ayoko na dito gusto ko na umalis. Gusto ko ng puntahan sina Jake, si Ice tyaka ang iba pa. Gusto ko nang matapos 'tong mga problemang 'to" umiiyak akong napayakap kay manang.

"May naisip ako..." Sabi ni manang agad naman akong napabitaw kay manang at napatingin sa kanya.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko. Huminga muna ito saka nagsalita.

"May balak na kong tumakas dahil sa natatakot na ko para sa kaligtas ko dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraang buwan. Nakagawa na rin ako ng mga plano para makalabas." Sabi nya sakin

Agad syang umupo sa tabi ko at pinagpatuloy ang sinasabi nya.

"Sa makalawa ay may gaganaping pagdiriwang dito sa masyon at marami ang dadalo ibig sabihin ay maraming busy sa araw na iyon kasama na si Arvie at ang mga nagbabantay sa kanya, sayo naman ay iilan lang ang nagbabantay lagi ko yung napapansin mga sampu o mas kakaunti pa roon. Basta sa makalawa ako tatakas meron na din akong pwedeng daanan ang kailngan mo na lang gawin ay maghanda para sa sarili mo at para na rin sa bata." Sabi nya sakin habang nakangiti napayakap na lang ako ng bigla Kay manang.

"Manang thank you po talaga. Di ko po alam ang gagawin kung wala kayo dito" masaya kong sabi sa kanya.

"Oh sige na tapos ka rin namang mag-agahan eh magpahinga ka na dahil alam kong gustong gusto mo na ring magpahinga" sabi nito sakin. Agad naman akong nahiga at nakangiti na tumingin kay manang. Nung paalis na sya ay tinawagan ko itong muli.

"Hmmm..." Tugon nya.
"Thank you again" sabi nito. Tinugon nya ko nang ngiti at tango saka nito sinara ang pinto.

Nakangiti ako at saka pinikit ang mata.

Makakaalis na rin tayo dito baby...

Sabi ko sa sarili ko hanggang sa nakatulog na ko.

Western HighWhere stories live. Discover now