Desperate Measure

Start bij het begin
                                    

"you do know I was the one who almost killed that son of Apollo right?" humakbang siya papalapit sa'min.

Wala kaming naibigay sa kanya na sagot kaya narinig ulit namin ang tawa niya. "Right. You are desperate." tinuro niya kami. "Look at your faces."

Napansin ko ang nakayukom na kamao ni Chase. "tatapusin ko na talaga siya." bulong niya sa'min. Nasorpresa nga ako dahil hindi siya sinagot o siniko ni Ria.

Mukhang ganun din ang nasa isip niya.

Tumigil si Medea at tinitigan kami. "Alright. I will give you a potion." tumigil ang mga mata niya sa'kin. "But I need her blood."

Nagtinginan kaming lahat.

Pero desperado na rin akong bumalik sa dati si Seht. Gusto kong samahan ulit siya sa malls para bumili ng mga collectibles ng mga paborito niyang pagong.

Gusto kong magising na siya.

"Kung yan ang kakailanganin mo.."

"Pero Thea.." naramdaman ko ang kamay sa balikat ko. Tinignan ko si Ria at nginitian siya. "Okay lang..."

Hindi ako okay.

Dahil baka gagamitin niya ang dugo ko para lagyan ako ng sumpa o gawan ako ng voodoo doll.

Pero sabi ko nga.

Wala na akong ibang magawa.

Nagulat ako nang may lumutang na vial sa kamay ko. "Fill your blood in that and hurry up. I can only teleport light things. Sino ba namang mag-aakala na may anti-enchantment pala kayo dito." inis niyang tugon.

Nagsummon si Ria ng maliit na kutsilyo at ibinigay ito sa'kin.

Tinanggap ko ito saka binuksan ang vial. Napangiwi ako sa sakit nang simulan ko nang sugatan ang palad ko gamit ang kutsilyo.

Nang mapuno na ang vial, naglaho ito saka lumipat sa kamay ni Medea.

May sinawsaw siyang maitim na sinulid habang bumubulong ng mga enchantments niya. "Let this blood create a cure atlast." yun ang huli niyang sinabi bago umitim yung laman ng vial.

"This is..." tinaas niya ang vial. "in exchange of my freedom."

"Ano?!" bakas sa boses ni Chase ang inis nang marinig ang sinabi ni Medea.

"That can't be." dagdag ni Dio.

Alam kong karamihan sa'min ay hindi sang-ayon sa deal niya.

"Imposible yang hinihingi mong kapalit." pagbibigay-alam ni Ria.

Nagkibit-balikat lang si Medea. "Okay then. No freedom no cure. Madali naman akong kausap."

Dumaan ang ilang segundo at narinig ko ang boses ni Trev.

"your freedom is granted." sabi niya na siyang ikinagulat naming lahat.

"Nababaliw ka na ba?" umangal si Ria.

"Bro..." umiling naman si Chase.

"That is an unwise decision Trev."  puna ni Kara. Anak na mismo ni Athena ang nagsabi na unwise yung naging desisyon niya.

"Trev. You are releasing an evil sorceress. Pag-isipan mo." ani Dio.

Kinabahan ako nang napadako ang mga mata ni Trev sa'kin. As if hinihintay kung aangal ba ako o hindi. Hindi ako nagsalita.

Ayokong pakawalan si Medea...

pero ayoko ring mawala si Seht.

"I'm closing the deal." hinarap niya si Medea na may malapad na ngiti sa mukha.

"I'm accepting it." pinandigan niya talaga ang sinabi niya.

Nagsimula na naman silang umangal. Pero tumigil rin sila nang makatanggap ng nagbabantang tingin mula kay Trev na tila nagsasabing 'alam ko ang ginagawa ko. Wag niyo akong galitin.'

Alam kong mahalaga para kay Trev ang Alphas. Pero hindi ko alam na ganito ang aabutin niya para sa'min.

"Tsk." madaling nasira ni Trev ang barrier mula sa labas gamit ang ability niya.

"I will remember you son of Zeus." nakangising sambit ni Medea nang makalabas na siya sa cell niya.

"and you.. daughter of Hephaestus." lumapit sa'kin si Medea. "This school holds a significant connection with your existence and you still don't know anything."

"Go back to what you have discovered. A part of your past is in there. You have the right to know it." nabaguhan ako sa ibang boses na ginamit ni Medea. Hindi ko gustong sabihin pero... sincere yung tono niya.

Kumunot ang noo ko. Alam ko ang tinutukoy niya. Ito yung nakatagong silid sa mechanical room.

a part of your past is in there... ibig sabihin nga may something yung lugar na 'yon para sa'kin.

Inabot ni Medea ang vial sa'kin. "Let him drink this. Make sure no drop is wasted firegirl." kinindatan niya ako bago mawala sa harap ko.

Aaminin ko. Nabawasan yung galit ko sa kanya. Oo kamuntikan na niyang pinatay si Seht pero... tinulungan niya naman kami para rin kay Seht eh.

Sana nga lang hindi 'to lason para tuluyan na ngang mawala ang galit ko sa kanya.

Alpha OmegaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu