Special Chapter: Kalem Montesor

Start from the beginning
                                    

Mukhang nakaintindi naman siya at marahas na umalis. Marahas akong humarap sa babaeng sinasamaan ng tingin ang lalakeng papalayo na.

"Langhiya siya! Sasapakin niya pa ko!" aniya at umupo ulit sa bench.

Kumunot ang noo ko. "Sa susunod kung pipili ka ng boyfriend, kilalanin mo muna. Mukhang pumapatol pa 'yun sa babae eh." ani ko at umupo sa tabi niya.

"Gwapo e! Tsyaka sweet pa at...gwapo ulit pero ang laking gago pala! Ayoko na sa kaniya!" aniya at kinikiskis ang paa sa semento dahil sa kainisan.

Napangiti ako dahil ang cute niya habang ginagawa 'yun. Nakanguso pa siya habang ginagawa 'yun. Pinadyak-padyak niya pa ang paa niya.

"Hindi naman 'yun gwapo. Maputi lang."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Oo nga nu? Kung naging negro yun hindi naman gwagwapo. O kaya naman kung naging malaki ang mata panget din." aniya at humalakhak na.

Natawa narin ako dahil sa sinabi niya. Para siyang tanga ngunit alam kong bata palang rin siya at ganoon talaga mag-isip. Maging ako rin naman, but I grown differently. Marami akong kapatid kaya yun ang resposibilidad ko.

Tinanaw ko ang direksyon ni Aloryah sa playground kung saan may mga bata kaninang kalaro niya ngunit hindi ko na siya makita.

Kumunot ang noo ko at inilibot pa ang mata ko para hanapin siya ngunit wala.

"Ako nga pala si Ponsi—"

"Teka lang ha?" sabi ko sa kaniya at tumayo na para hanapin ang kapatid ko.

Hinanap ko ng hinanap si Aloryah pero wala na siya. Ang huling sinabi ng nakakita ay may kumuha daw ditong babae at isinama siya. Maganda kaya ang akala nila, ito ang Mommy namin.

A woman kidnapped my sister. An unknown woman. We did all our best to find her pero wala kaya ito ako ngayon at gumagawa parin ng paraan para mahanap ang kapatid ko.

Hindi ko na nabalikan ang babae sa park. Ponsi lamang ang naalala ko and her innocent face. Inosente pero may attitude.

"May balita kana ba sa kapatid ko?" tanong ko kay Arixton.

He sipped on his bourbon, "Napa-in love mo na ba ang pinsan ko?" he asked and grinned at me.

Marahas akong napabuntong hininga. "I told you, Arix. I only like your cousin. Hindi ko sinabing in love ako..." sagot ko.

Binago niya ang larong sinimula niya. He planned to get rid of Farana—Jeiko's girlfriend by finding her real parents. And now, she put me on the game. He wants me to make Shian fall in love with me dahil hindi karapatdapat si Jeiko para sa paborito niyang pinsan.

"But you care for Shian right? She needs you. She needs to fall in love with you. Hindi niya kailangan si Jeiko..." mariin niyang sagot.

"Ano bang kasalanan ni Jeiko sayo, bakit galit na galit ka sa kaniya?"

Arix smirked. His aura is dark, his personality is quite mysterious. He could be evil but evil with a point. Mayroon siyang makatarungang dahilan but sometimes, it's not enough. He just wants revenge. He just wants to play.

"I just want to make him suffer cause he pissed me off." mariin niyang sinabi.

I don't know why he's pissed off. Ang alam ko lang ngayon. Masamang magalit sayo ang isang Arixton Estrebal. I now believe that he's the goddamn Master Devil.

He acknowledges himself as that. He's the master of the bullies here said by the students at Thaguro University. He's also a manipulator. A damn devil.

The truth is, at first I don't mind playing the game. I like Shian. Totoong gusto ko siya. But everything changed when I saw that girl again.

Well... I never thought she was the girl.

By Chance We Love (Completed)Where stories live. Discover now