Chapter 7 - #SuperBoy

1.2K 59 5
                                    


"Anong sabi mo?" gulat ngunit seryosong tanong ni Jeiko sakin.

Napalunok ako. Kinunot ko ang noo ko at itinuro siya, "Ikaw! Ikaw sino ba gusto mo!?" tanong ko na parang wala lang. Makalusot lang!

Kumunot lalo ang noo niya. Dang! Galing mo talagang magpalusot, Shian!

Napalunok ako at taas noo siyang tinignan. Hindi niya pa dapat malaman ang feelings ko!

"Sino ba kasi ang gusto mo? Si Jessie ba o si Thria? Gusto ka kasi ni Thria and I think she only told you that I like Franco to get your attention," mabilis kong sagot.

Please sana naman wag mo nakong tanungin pa sa katangahan ko.

Seryoso parin ang mukha niya at humalukipkip, "Why are you asking me that when I was the one asking you who,"

Patay!

"Well then I'm asking you the same question," humalukipkip ako. Good! Good!

"Ikaw," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mata ko. He bore his eyes on me and put his hands on his pockets.

Ha?

Ano daw?

Teka?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, "H-ha?" nabibingi naba ako?

Lumapit siya sakin, "Ikaw, ikaw muna sumagot..." malamig niyang sagot.

Toinks! 😑😑😑 bwesit!

I heard a breaking sound, well, that's my heart shattered with a the little hope. Dang! Umasa ba ako o nagets niya ang katangahan ko? Waaah! Sana hindi!

I sighed, "W-well, marami din akong crush, pero wala pa 'kong...nagugustuhan talaga..." sabi ko sabay tingin sa kaniya. "I-ikaw naman..."

He just shrugged, "Marami akong gusto, Shian..." anya at tumingin sa malayo.

Sinundan ko ang tingin niya, then I caught him looking at a girl. Well, I don't know who's exactly the girl he's looking kasi may dalawang babaeng naglalakad papunta sa kabilang building.

Ang babaeng skinny na maganda at isang babaeng nakasuot ng glasses at mataba, I know this girl, she's Farana if I'm not wrong.

Well, I guess the pretty one is his type.

"What about love, Jeiko? Aren't you tired playing around? Ayaw mo bang...magseryoso?" mahina ngunit matapang kong tanong.

Alam ko kung ano ang isasagot niya. Alam kong sarado parin ang utak at puso niya, pero mananatili akong maghihintay sa oras na buksan niya ito.

As expected he shook his head, "I'm still young, Shian. And love? I think it only exist in your world. A world, that a person like me wouldn't have..." he coldly said at saka ako tinalikuran. Badtrip nanaman.

Gustuhin ko mang magsalita, gustuhin ko mang kumontra sa pananaw niya sa pag-ibig at sabihing I would share my world to you, hindi ko magawa. Wala akong magawa. Wala siyang alam.

Jeiko is fully determined, just like me. Ang kaibahan ay, determinado siyang ikulong ang sarili niya sa nakaraan, habang ako naman ay determinadong ibalik siya. Ang dating siya.

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon