The Beginning

4.4K 88 52
                                    

Please watch the TRAILER chuchu on the multimedia 😁✌🏻

Thank you dahil sinubukan mong magbasa ng story ko. This story might have a cliche start but if you keep on reading, I'll promise it will be interesting! Char! So ito na ang story ni Jeiko. ENJOY! :)

Dedicated to justcallmenyca hi Dannyca! muntik ko ng makalimutan! :)

***

Each everyone in this world has a love story. Walang taong walang love story.

Panget kaman o maganda.

Sexy kaman o mataba.


May abs kaman o wala.

Mayroon talagang love life. At sa love story na'yan, ikaw ang bida. Leading lady kung babae ka. At dapat alam mo kung sino ang leading man mo. Dapat alam mo kasi paano mag-uumpisa ang love story mo kung wala kang partner diba?

In my case, bata palang ako, kilala ko na kung sino ang leading man ko. And I know, konteng push nalang ni destiny mag-uumpisa na ang pinakahihintay kong mangyari sa buhay ko.




Ang mahalin ako ng leading man ko.




But somehow, in every love story, hindi mo alam kung ikaw nga ba ang bida at siya nga ba ang leading man. Kasi minsan, hindi mo alam na ikaw na pala 'yung kontrabida. Ikaw na pala 'yung tinatawag na antagonist. But, I know I'm not a antagonist or kontrabida or evil witch! Kasi...




Ako si Shian Demetry Estrebal Aldeguer.

Pangalan pa lang, maganda na. Tunog mayaman. Tunog artistahin. Tunog sosyal at higit sa lahat, pangalan palang, pang lead role na. Bida!

Isa akong Estrebal at isa ding Aldeguer. Ngunit pinakamatanyag ang Estrebal dito sa Manila. Dahil sa malaki at matayog na kompanya ng great grandfather 'kong si Arislen Dmetrix Estrebal na ipinangalan din sa kaniya ang kompanya. Ang ADEstrebal Holdings.

My mother, Shari Estrebal ay isang architect sa ADEH, sa sariling kompanya nila at doon niya nakilala ang Dad 'kong si Arthuro Aldeguer na isang magaling na engineer sa firm ng ADEH na mayroong magandang family background.

Ang mga Aldeguer kasi ay mayroong malaking pagawaan ng semento kaya nang maikasal ang mga magulang ko ay mas lumago pa ito dahil ito ang ginagamit ng ADEH sa pagpapagawa ng mga buildings at kung anu-ano pang project na makuha nila.

In short, sobrang yaman namin at expected na maging successful kami, that we will do good in school. That we will achieve more para maging proud samin ang great grandfather ko and to be a part of ADEH one day.

But, I'm not bragging my family background. I just want to state that I am perfect as a leading lady. Mabait naman ako, maganda, sexy, matalino. I am so...okay...almost perfect nalang kasi walang perfect!

Pero bakit? Why can't he see it? Bakit hindi niya makita 'yun?

"Walang perfect, Shian Demetry. Kahit ikaw di ko masabing almost perfect..." masungit na saad ni Pons habang humihigop ng bubble tea niya.

Bumagsak ang balikat ko at napanguso, "Bakit ba laging masakit na salita ang lumalabas sa bibig mo, Ponsithia? You're always hurting me..." I said at napahawak sa puso ko. Kunwari nasasaktan talaga.

She glared at me, "Because you're so full of yourself! And would you stop calling me Ponsithia!?" masungit nanaman niyang sinabi sabay irap. She really hates her name.

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon