Chapter 10 - #Bwisita

1.3K 53 2
                                    

"Ano ba pumasok sa kokote mo na uminom ka ng dutch mill?!" galit na untag ni Sheun ng makaalis sila Mom.

Nagising na'ko kani-kanina lang. Pinagalitan na nga ako ni Mommy at Daddy dumagdag pa siya.

Ngumuso ako, "Akala ko blueberry! Kasalanan ko bang hinalo nila yung strawberry do'n?!"

Napahilamos siya, "Ugh! Hindi ka naman bobo, ano ba ang iniisip mo habang binibili 'yun?" tanong niya.

Tumago ako sa ilalim ng kumot para tantanan na ako ni Sheun. Hindi na kasi siya natigil.

Pinatawad nako't lahat ni Mommy at Daddy, siya hindi parin maka-move on? Buti sana kung siya si Jeiko, edi nasiyahan pa 'ko.

Pero, asa naman akong nandito siya, eh nasa Cebu 'yun, probably finding out if he still have feelings for Kirt. Na alam kong oo ang sagot.

Pagkaalis ni Jeiko sa bahay namin, hindi ko mapigilang umiyak. Mahal niya pa si Kirt.

Yun ang nararamdaman ko. Sobrang gulong-gulo nako. Sobrang sakit narin ng puso ko. Pinaghalong sakit na nadarama tungkol kay Farana at dinagdagan ni Kirt.

Diba't ako ang leading lady ng story na'to? Bakit ba pati leading lady ng ibang story nakiki-epal sa story ko? Ang sakit sakit na 😭😭

Naalala ko ang nangyari kahapon. Lutang ako at di na pumasok sa school. Nagpanggap na may lagnat at nagkulong sa kwarto.

Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad papuntang 7/11 malapit sa labas ng subdivision para bumili ng kutkutin.

Hindi kasi ako tantanan ni Jeiko sa isip ko. Hindi mawala sa isip ko na baka masaktan roon si Jeiko kapag nakita si Kirt at magmakaawang mahalin siya pabalik.

Paano kung tanggapin siya? Sa gwapo ba naman ni Jeiko? I mean, gwapo rin naman ang boyfriend ni Kirt pero kahit na! Kumikirot ang puso ko!

I spent my day watching korean dramas while eating the food and drinks I bought. At isa na roon ang nainom kong dutch mill na akala ko green apple ang nakuha ko.

"Nagkakaganyan kaba kasi pumunta si Jeiko sa Cebu?" mariin tanong ni Sheun.

Ngumuso ako. Bakit ba alam niya palagi ang nararamdaman ko? Iniisip ko? Bakit yung kaniya di ko malaman?

He sighed, "Jeiko's outside, Shian. Nasa Manila na siya kaya wag kanang lutang pwede ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Palalampasin ko muna ang diin sa boses niya na parang siya ang KUYA! For petes sake we're twins!

Bumangon ako kaagad, "Talaga!? Where is he? Let him in!" masigla 'kong sinabi habang nakangiti.

Alam kong sinaktan ako ni Jeiko--which is hindi niya alam ay gusto ko parin siyang makita. Siya parin ang makakawala ng sakit--kahit hindi nanaman niya ulit alam.

Sheun rolled his eyes while shaking his head. "You're hopeless," supladong utas niya at tinalikuran ako para sundin ang sinabi ko.

Ngingiti-ngiti lang ako habang inaabangan ang pagpasok niya. Bakit hindi kaagad sinabi sakin ni Mommy na nandito si Jeiko?

Pagkapasok ni Jeiko ay kaagad ko siyang sinalubong ng malapad na ngiti habang nakaupo ako ng tuwid sa hospital bed.

Mayroon parin akong dextrose sa wrist ko. Suot ko rin ang hospital gown. Pasyenteng pasyente.

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon