Chapter 9 - #Jeiko'sPOV

1.3K 62 4
                                    


Jeiko

I looked up to the sky above me. Tumatambay ako ngayon sa lilim ng isang pine tree sa quadrangle.

Maraming tao, mostly girls ang dumadaan at pinagtitinginan ako pero wala na muna akong pakialam sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa.

I kept on thinking about Shian. Totoo bang gusto niya si Franco? Kung ganoon ay hahayaan ko ba siya? But, Shian kept on saying that she isn't, ano ba talaga?

I doubt she's saying the truth. Nakita ko kung paano niya tignan si Franco ng kakaiba ng sumama kami sa table nila doon sa MCDO. Pero kilala ko rin siya, hindi siya marunong magsinungaling.

Ngunit napatunayan ko 'yun ng sabihin sa'kin ni Thria ang nalaman niya sa mga kaklase ni Shian, lalo na sa bibig mismo ni Ponsithia na malapit kay Shian.

Wala naman talaga akong pakialam kung magka-boyfriend si Shian. Kailangan niya 'yun para 'wag ng isipin ng iba na kami. At naiinis ako kapag naririnig 'kong sinisiraan nila ang malinis na pangalan ni Shian.

Stupida. Martyr. Masokista. Hindi na daw dapat siyang dumikit at umasa sakin dahil isa akong babaero.

Shian's a great girl. Matalino siya, maganda, galing sa isang masayang pamilya na ang isang tulad ko ay hindi magkakaroon.

I have a fucked up family. Mabait na'ko sa lagay na'to dahil tinaggap ko muli ang Dad ko matapos ang lahat. Kung bakit? Sekreto naming mag-ama 'yun.

Noon, ang gusto ko lang ay bumalik ang dating masayang buhay ko kasama si Mommy. Ang mapagmahal at maalagain 'kong Ina.

Alam 'kong wala na siya sa mundong ito pero hindi ko parin matanggap dahil sobrang sakit. Nagawa 'kong itaboy lahat ng nagmamahal sa'kin. Tulad nalang ni Shian.

Hindi ko man ito sinasabi sa kaniya, pero sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako nilayuan. Hindi niya ako iniwan nung mga panahong bastardo ako.

Hindi ko na maalala kung ano ako dati. Hindi ko na kayang ibalik ang dating ako kung saan mapagmahal at masiyahin.

When I was kicked in Cebu. Live with my grandparents. Unti-unti kong tinanggap. Lalo na ng makilala ko si Kirt.

I love her. Up until now, maybe. I don't know. I just know that my heart still beats whenever I'm thinking about her.

Nang lapitan ko si Kirt, naalala ko ang dating ako. I was bullied way back when I was a fat boy.

Shian's my super girl back then and now I want to be just like her. Ipagtatanggol ko ang mga nabubully. Nakakatawa lang isipin na si Shian na tagapagtanggol ay pinsan ang pinuno ng pambubully sa school.

Hindi ko gustong ma-in love. Wala naman akong balak makipag-relasyon. At sa totoo lang, wala pa akong naging girlfriend. Yung minahal ko. I was so busy being heartbroken with my Mom's death. Wala akong panahon sa babae.

Kirt really got me. She's so fucking cute. Gusto ko lang ng pagkakaabalahan kaya ko siya nilapitan pa pagkatapos ko siyang ipagtanggol.

At isa pa, kailangan ko ng magpapanggap na girlfriend para sakin. Pilit akong pinapasok ni Dad sa arranged marriage na ayokong ayoko. Hindi niya naman ako napilit.

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon