Chapter 1 - #JeikoValerio

2.4K 70 24
                                    

Warning! Marami pong CHARACTERS! At puro LALAKE! So please bear with me and stay with me hahaha!

May mga pictures po so make sure may internet kayo haha! 😘

I dedicate this chapter to @kookienaeunielover 😘😘 Hope you enjoy!

***

Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng gate namin. Hindi talaga ako sinundo ni Jeiko.

Alam naman niyang iritado ako sa girlfriend ng kakambal ko kaya ayokong sumama sa kanila. Lagi kasi namin itong sinusundo. Palibhasa kasi, magka-course silang dalawa-engineering.

Napapadyak nalang ako. Tinext ko siya kagabi, as in ginulo ko ang inbox niya pero hindi talaga siya nag-reply, pero tinawagan niya ako.

Pero ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na tugtog ng music sa isang bar nanaman at maharot na boses ng mga babae.

At meron pa, isang mariing 'You're so annoying...' na galing sa kaniya. Kaya ko siya ginugulo, eh. Para pansinin niya ako. Para tawagan niya ako. It never fails. Haha!

Alam 'kong nakakainis ako pero hindi niya naman kami umabot sa puntong, mag-aaway kami ng bongga. Parang kahit alam kong annoying ako para sa kaniya, ayaw niyang umalis ako sa tabi niya. Ganoon siya sakin!

Pagkatapos niyang marinig ang maganda kong boses, he hang up just like that. Mukhang kasama niya nanaman ang mga kaklase niyang babaero din tulad niya.

Ang maganda lang talaga kay Jeiko ngayon ay masipag na talaga siyang mag-aral, dean lister pa nga! At mayroon pa! Medyo, okay na sila ng Dad niya. Ang Dad niya kasi nagpatapon sa kaniya sa Cebu.

Paanong nasabi 'kong okay na sila? Kasi, minsan nakong dinala roon ni Jeiko sa mansion nila-I mean, more like pinilit ko siya na dalhin ako doon kasi gusto 'kong dalawin ang tree house namin. Oo mayroon kami.

Simula kasi nung namatay si Tita Jenelyn-Mom ni Jeiko. Nagrebelde siya at nagpakabad boy pero hindi ko siya iniwan kahit ang tigas ng ulo.

Inaaway pa nga niya ang Dad niya dahil babaero ito. May malaking problema talaga si Jeiko sa pamilya niya at alam ko lahat ng 'yun dahil lagi akong nasa bahay nila.

I'm super close with her mother. Pinagawaan pa nga kami ni Jeiko ng tree house at hanggang ngayon nakatayo parin 'yun doon.

Nakakalungkot lang dahil minsan nalang kaming mag-hang out doon. Pwede na atang tirhan ng ibon 'yun, e! But, anyways, mabuti na'yun at may dahilan para magsama kaming dalawa. Naglilinis ako roon!

Mamaya talaga kapag nakita ko siya sa school, kukurutin ko siya sa pisnge at pipingutin ko ang tenga niya. Ako lang ang nakakagawa nun sa kaniya. Aba! Kung siya nga makasapok sa noo ko wagas, e!

"Sasama ka sa Prive mamaya?" tanong ni Sheun habang nagmamaneho siya. Papunta kami sa village ni Daphne.

Sheun and I are identical twins. Magkamukha kaming dalawa pero gaya nga ng sabi nila. Kambal man pero nagkakaiba ng pag-uugali. Ako masiyahin habang siya naman ay masungit at strikto pero pagdating sa girlfriend niya para siyang aso. Underdog kasi. Tsss...like right now dapat nasa shotgun seat ako pero ito ako nasa backseat!

"Oo, magkasama kami ni Jeiko..." sagot ko ngunit kumunot ang noo niya sa sinagot ko.

"Kailan ka pa sinama ni Jeiko? I bet he's hooking up with Daphne's friends tonight..." sabi niya. "Umaasa ka nanaman sa kaniya..." aniya sa matigas na boses.

Ngumuso ako, "Eh ano naman ngayon? Sanay nako at sanay narin ako na hindi naman siya magtatagal sa mga babaeng 'yun. Di 'yun seryoso!"

"So sa tingin mo seseryoso siya sayo?"

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon