Special Chapter: Kalem Montesor

Start from the beginning
                                    

Hindi ko ugaling pumansin ng taong tanga. Yun ang totoo. From that time, I really want to tell her she was stupid. Ang tanga niya para umiyak ng dahil roon. Hindi ba pwedeng solohin niya nalang ang nararamdaman niya? Did she even thought that I care?

"Wag mo namang lahatin, Miss." kalmadong sagot ko sa kaniya. Kung hindi lang siya maganda, nilayasan ko na siya kaagad.

"Wag lahatin? Eh halos lahat nga kayo! Marami kaming babae ang makakapagpatunay." mariin niyang sinabi.

"You talk like you have a lot of experience in boys. If I'm not mistaken, elementary ka palang." I mocked and chuckled.

"Hoy! High school nako! High school!" asik niya.

High school? First year? Hindi halata. Bata pa siya.

I arched my brows, "You don't look like one to me..." sabi ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Her body isn't bad. Hindi siya mataba hindi rin siya payat. Ayos lang ang pangangatawan, ayos lang rin ang kulay ng balat. Ayos na ayos, pwede narin.

Pero turn off dahil mukhang sadista at may attitude problem. Sino ba naman ang matinong babaeng sisigawan ang isang di kakilala? At higit sa lahat, sa lalakeng kay gandang lalaking tulad ko.

"Hoy! Hindi porke't gwapo ka, hahayaan kitang insultuhin ako! Ganyan ganyan kayo eh! Uumpisahan niyo kaming mga babae sa pang-aasar ninyo! Tapos type niyo na pala kami! Liligawan niyo, syosyotain niyo pagkatapos iiwan rin!" sigaw niya.

Kumunot ang noo ko. Anak nang! Wala nabang tigil ang bibig nito sa kakadada?

"Look, Miss crazy stupid heartbroken girl. Umuwi kana at mag-aral ka! Hindi pakikipag-nobyo ang atupagin mo." mariin kong sinabi at tumayo na.

I was about to go when she stood up and held the tip of my shirt. "Hindi mo ba ko pakikinggan muna? Gusto ko lang naman na may malabasan ng hinanakit ko. Wala naman akong kaibigan para makinig sa nararamdaman ko ngayon." naiiyak niyang sinabi.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa shirt ko. "Marami pang pwedeng makausap diyan, Miss. Wag ako." sabi ko sa kaniya bago siya talikuran.

I heard her cry louder. Habang palayo ako ng palayo ay mas nilakasan niya ang pag-iyak. Walang tigil na para bang pinaparinggan niya ko.

But when she stopped crying napalingon ako sa direksyon niya. Nakaupo na siya sa kinauupan namin. Gumagalaw ang balikat niya kaya alam kong umiiyak parin siya.

She used the back of her hand to wiped off her tears. Wala siyang panyo. Kaagad kong dinukot ang panyong nasa bulsa ko.

I stepped forward to gave her my handkerchief but a guy came over. Pareho ang kanilang uniporme kaya malamang ay kaklase niya ngunit galit na galit ang babae ng makita ang lalake. If I'm not mistaken, ito ang nanakit sa kaniya.

"Pons naman. Maniwala ka naman sakin. Walang kami. Hindi ko siya gusto." I heard the guy said.

"Ah kaya naman pala sabi mo ay crush mo siya! Kaya naman pala ikaw ang nangunguna sa landian! Hoy, Ronel! Wag ako! Wala kang kwenta!" angil nito at sinapak sa mukha ang lalake.

Nagulat ako roon. Ang lakas ng pagkakasapak niya sa lalake. Galit na galit itong tumingin sa kaniya at nang akmang hahampasin niya na ang babae agad akong lumapit at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ah! Babae sasaktan mo?" singhal ko.

Nanlilisik ang mata nitong tumingin sakin, "Sino ka? Ha? Eh ano naman? Sinaktan niya naman ako ah?"

Gago!

"Gago ka, Ronel!" sigaw ng babae sa likod ko.

Akmang aabutin ng lalake ang babae ay kaagad kong pinigilan ang lalake. "Tol, wag mo ng patulan. Babae parin 'yan. Saka na kayo mag-usap kung pareho nang malamig ang ulo ninyo." kalmadong sabi ko dahil ayoko ng gulo.

By Chance We Love (Completed)Where stories live. Discover now