Special Chapter: Kalem Montesor

Magsimula sa umpisa
                                    

What the?

Tinapik niya ang balikat ko. "I'll leave you for a while bro. DJ mode is on," he said and he whispered something on his date before leaving.

May mga babae kaming kasama at hindi ko na ito napagtuonan ng pansin dahil sa iniisip. Castielle is kinda right about his cousin.

Ano kaya ang binabalak niya? Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa barandilya at humilig roon para panuorin ang mga taong nagsasayawan sa baba.

While I was sipping on my scotch I saw a pretty girl dancing alone sexily on the dance floor. Kakaiba siya sa lahat dahil hindi siya marunong. She doesn't know that she's dancing seductively.

That was the time I met Shian Aldeguer. A very beautiful woman who is actually heartbroken.

I really hate heartbroken girls. I hate when they cry. Yes, I'm one heck of a playboy. Sa ibang bansa ay kilala rin ako bilang casanova. Yes, I made some girls cry but I didn't want that.

Kaya ayokong paglaruan ang isang inosente. Mostly, sila ang palaging umiiyak kung ayaw ko na sa kanila. So, I mostly stick up with bitches.

Wala naman talaga akong balak paglaruan si Shian. Walang wala. But, Arixton want me to help him. Kapalit nun ay ang pagtulong niyang mahanap ko si Aloryah. Ang nawawala naming kapatid.

Aloryah Valentine Montesor. She was six years old when she was kidnapped at hanggang ngayon hindi parin siya nakikita. I didn't stop finding. Hanggang sumuko nalang bigla ang mga magulang namin.

Aloryah is my first sister before Hermione. Iisang taon sila ipinanganak kaya't magkasunod sila at magka-edad. Hermione still longed for Aloryah, especially Napi and me dahil lumaki kaming inaalagaan ang dalawa.

I am the older brother and I know I am more responsible of her disapperance. Pinabayaan ko siya. Iniwan ko siya sa park ng patahanin ko ang isang babaeng hindi ko kilala noong nasa Pilipinas pa lamang kami.

I was 14 back then and I could still remember that little girl who cried over a guy. If I'm not mistaken, elementary palang ito. Grade six perhaps or a freshman in High School.

It was summer back then. Binabantayan ko si Aloryah sa park habang may mga kalarong bata when some girl sat beside me on a bench. She was crying. Hinayaan ko lang siya.

"Kayong mga lalake, manloloko talaga kayo ano?" she said while sobbing.

I was very shocked. Nakakatakot pa ang kaniyang itsyura dahil halos nakatakip ang buhok niyang mahaba sa kaniyang mukha halatang kanina pa iyak ng iyak.

When she turn to me. Mas nakita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Maganda siya. Sobrang ganda. Mahaba ang kaniyang pilikmata ngunit mapula ang kaniyang mata dahil sa pag-iyak. Her cheeks were both red and her lips were pale.

"Bakit kailangan niyong maghanap ng iba? May nakita lang kayong mas maganda, lipat kaagad kayo doon! Pano nalang yung nararamdaman namin!?" singhal niya sakin.

Napausog ako palayo sa kaniya. Ang magaganda niyang mata'y titig na titig sakin na parang ako ang umiwan sa kaniya.

"M-Miss, calm down." ani ko.

Nakatingin lang siya sakin. Tila natulala ng makita niya ko. The way she stared at me? Alam kong napapamura nalang siya sa kagwapuhan ko.

I thought she would say sorry for shouting at me but I was shocked when she still shouted at me.

"Calm down? Eh naknampucha! Masakit nga eh. Masakit! Sobra. Siya ang first love ko, sa kaniya ko natutuhan kung ano ang meaning ng 143! I love you daw! Tapos ngayon sasabihin niyang 524? Break na tayo? Pakatarantado ninyo!"

By Chance We Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon