Agad siyang tumango. Ni hindi manlang niya ako inawat! Ni hindi niya pinilit ang kanyang gusto!

"Choose what you want." aniya at saka inabot ang lalagyanan ng DVDs.

"Akala ko ba action ang gusto mo? Okay lang na romance na lang ang panuorin natin?"

"Yeah, anything you want... I'm fine with it."

Ang tagal ko pumili dahil puro action movies ang nakikita ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang Me Before You. I almost squealed!

"Ito na lang!" sabi ko sabay abot sa kanya ng DVD. He instantly played it.

Magkatabi kami habang nanunuod. For someone who likes action movies, mukhang hindi naman nabobored si Kairon sa pinapanuod namin ngayon.

I grabbed the popcorn and started munching. Nagulat ako nang bigla niya akong kinalabit at ngumanga siya.

Naningkit ang mga mata ko. Anong gusto niya? Bakit siya nakanganga? It took me seconds before I got it. Gusto niyang subuan ko siya ng popcorn!

"Sorry..." sabi ko at saka sinubuan siya.

Hindi ko naman kasi agad nagets ang gusto niya!

Patapos na ang movie at muli na naman akong naiyak. Ilang beses ko na itong napanuod pero naiiyak pa rin talaga ako.

"Hey, why are you crying? Gusto mo bang patayin ko na?" bulong ni Kairon sa akin.

Halos makiliti ako dahil ang lapit ng kanyang labi sa aking tainga.

Agad akong umiling. "I'm just really sad about it..." daing ko. "Hindi napigilan ni Emilia si Will."

Kairon ruffled my hair.

"Ako, hindi ko magagawa iyan." ani Kairon. Napatingin naman ako sa kanya. "As long as the person I love wants me to be beside her... then I will be beside her. No matter fucking what."

Natahimik ako at natuloy sa paghikbi. Hindi ko namalayan ang pagsandal ko sa balikat ni Kairon. Halong lungkot at antok ang nararamdaman ko.

Hanggang tuluyan nang natapos ang palabas ay nakasandal pa rin ako sa kanya. Ramdam ko rin ang pagsandal niya sa aking ulo.

This. Is. Not. What. Masters. And. Servants. Do.

But I like it! Damn!

"Sino si Ariyah?" tanong ko kay Kairon. Hindi ko na napigilan. Gusto ko malaman kung sino siya sa buhay ni Kairon. Wala naman sigurong masama, hindi ba?

Tumikhim si Kairon.

Nag-angat ako ng tingin kaya nakita ko ang multong ngisi sa kanyang labi.

"Kaibigan namin siya ni Shawn." aniya.

"Ah. Matagal na kayong magkakaibigan?" usisa ko.

"Yeah, simula no'ng mga bata pa kami. Malapit na magkakaibigan ang mga magulang ko at mga magulang ni Shawn at Ariyah."

Hindi na ako nagsalita at muling sumandal sa balikat ni Kairon upang maitago ang aking ngiti. So magkaibigan lamang sila...

"Bakit mo natanong?"

"Wala naman..."

Pagdilat ko ay natagpuan ko ang sarili sa aking kwarto. Anong nangyari kagabi? Nakatulog na ako?

Garnet Academy: School of ElitesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin