Chapter 12

11.1K 274 91
                                    


Pauwi na sana ang binatang si Ralph ng harangin siya ng hindi niya kilala sa gate ng school.

"Pare, sama ka sa amin." Sabi sa kanya ng lalaking estranghero. Napakapit siya ng mahigpit sa strap ng bag niyang nakasukbit sa balikat niya dahil iba ang kutob niya sa tatlong lalaki.

"Bakit?."

"May gustong kumausap sayo." Sagot naman ng isa habang nakabantay naman sa likod niya ang isa. Kahit gusto niyang takasan ang mga ito ay mahihirapan siya dahil nakapalibot na ang mga ito sa kanya.

"Sabihin mong dito na lang kami mag-usap." Mahinahon niyang sagot sa mga ito.

"Ang daming arte. Sumama ka na lang." napilitan na lang siyang sumama sa mga ito ng hilain siya ng mga ito hanggang sa makarating sila sa bakanteng lote sa likod ng university.

"ano ba talagang kailangan niyo sa akin?." Pilit na tanong niya sa mga ito kahit kanina pa siya hindi sinasagot ng mga ito.

"Wala. Pero siya meron." Sagot ng mga ito. Nang lingunin niya ang tinuturo ng mga ito ay sapak agad ang sumalubong sa mukha niya. Agad siyang natumba sa mabatong lupa dahil sa kawalan ng balanse. Sapo sapo niya ang panga ng iangat niya ang tingin para makita ang sumapak sa kanya.

Isang nagliliyab na anyo ng lalaki ang nakita niya. Ang lalaki ay walang iba kundi si Andrew, ang masugid na manliligaw ni Jenny.

Hindi pa nakuntento si Andrew at tinayo si Ralph gamit ang polo nito. Nagdurugo na ang bibig ng lalaki ngunit nangangati pa rin ang kamao niyang dungisan pa ito.

"I already warned you to fvck off but you're still near her." Matigas na sabi niya dito at binigyan ito ng suntok sa tiyan kaya napaluhod na naman ang kawawang lalaki sa lupa. Totoong binalaan na niya itong lumayo kay Jenny at dinaan niya yon sa maayos na usapan dahil pinsan ito ng matalik na kaibigan ng dalaga. Ngunit hindi tumalab ang maayos na usapan kaya heto ngayon ang lalaki.

Kandaubo-ubo ang lalaki sa pagkakaluhod matapos niya itong sipain sa sitmura ng dalawang beses.

"H-Hindi na." hirap na sabi nito.

"That's enough Andrew." Tinapik siya sa balikat ni Drake. "we still have a gig to go to."

"I-walwal na lang natin yang init ng ulo mo." Tumatawang payo sa kanya ni Stanley. "Boys! Iuwi niyo na yan." Utos nito sa mga lalaking nagdala rin kay Ralph dito.

Isang nagbabantang tingin pa ang binigay niya sa kawawang lalaki bago siya nagpadala kay Drake.

"You sure na hindi makakaabot kay Jenny yan?."

"He's totally a wimp if he do that." Sabi lang niya habang nilalakad nila ang pabalik sa parking lot ng university nila. Wala naman siyang pakealam kung magsumbong pa ang lalaking iyon sa kung sinong pang poncio pilato.

"Let him be Drake." Sabat ni Stanley na sumusunod sa likod nila. "Remember ginawa mo rin yan dati noong binastos si Therese at mabilis ka rin naman na nakalusot."

"Shut up!." Pikon agad na sabi ni Drake. Tawa lang ng tawa si Stanley sa naging reaksyon nito.

"Nasaan si Caleb?." Tanong niya sa mga ito ng makarating na sila sa parking lot.

"Nasa bar na siya hinihintay na lang tayo." Si Drake ang sumagot.

"I bet that p*ssy's mad now."


. . .


"Dahan-dahan ang bigat mo pa naman." Gusto na niyang mapairap sa hangin dahil sa kalagayan niya ngayon. Inaakay niya kase ang lasing niyang amo na kanina ay kaaway niya lang. Kanina pa sana siya nakauwi kaso nga lang dahil sa hiningi niyang isang araw na di pagpasok para makareview sa exam niya next saturday heto siya at hinintay pa ang amo na makauwi bago niya tuluyang isara ang buong mansion, iyon din kase ang bilin sa kanya ng tigapamahala ng mansion. Wala na naman kase ang mag-asawang Ferguson kaya ang unico hijo ng mga ito ang kailangan nilang pagsilbihan.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Where stories live. Discover now