Chapter 6

14.3K 424 49
                                    

"Ayy ang tagal naman mag dismiss ni ma'am." Bored na sabi ng katabi niyang si Yumi. Na halata ang pagkainip dahil nakapalumbaba pa ito sa lamesa nito.

Nangingiti naman niya itong binalingan ng tingin. "Uwing uwi ka na huh."

Lumingon naman ito sa kanya. "Hindi noh. May ipapakilala ako sayo mamaya." kumindat naman ito sa kanya.

Mukhang may balak ata na kung ano ito.

Tinaasan niya lang ito ng kilay bago tumutok sa tinuturo ng professor nila.

Mahigit isang oras rin ang lumipas bago ang dismissal nila. Halos mapatalon naman ang katabi niya dahil sa saya.

"Bilisan mo Jenny." binilisan na lang din niyang magligpit ng gamit bago nagpahila sa kaibigan.

May halong pagmamadali na tinungo nila ang daan papuntang library. Gusto na lang niyang paikutin ang mata dahil breaktime na nga dito pa siya hinila, ayaw na muna niya sanang magkita pa sila ng library kasi gusto na muna niyang ipahinga ang utak niya.

Pagkatapos nilang  log in gamit ang mga ID ay hinila ulit siya ni Yumi papunta sa table na medyo dulo.

"Uy kanina ka pa?." Tinapik ng kaibigan ang lalaking nakatalikod sa kanila at nakatutok lang sa librong binabasa.

Taranta namang tumayo ang lalaki sa harap nila. Matangkad ang lalaki, maputi, medyo payat pero bagay naman sa katawan nito. Nakasuot din ito ng salamin.

"Mga 30mins." di niya mapigilang mapangiti dahil ang cute nitong tignan habang mukha itong nahihiyang sumagot.

"Jenny besh, si Ralph pinsan ko." Umakbay pa si Yumi sa pinsan kahit hirap ng abutin ng mga braso nito ang balikat ng lalaki sa tangkad nito.

"Hi." ngiti niya rito. "May pinsan ka pala dito bakit ngayon mulang pinakilala sa akin."

"Hayy naku! mahiyain kasi talaga itong si Ralph. Tsaka malayo rin kaya ang building ng mga Educ." tumapat pa si Yumi sa tenga niya. "Crush ka ng pinsan ko." bulong nito. Pero mukhang narinig ito ng pinsan dahil namula ito.

"Ngayon lang kami nagkita." sagot naman niya.

"Ngayon mo lang siya nakita pero ikaw kilala ka na talaga niya bago pa kita---."

"Di totoo ang sinabi niya." wika ni Ralph habang nakasapo ang kamay nito sa matabil na bibig ng pinsan.

Pero kinagat lang ni Yumi ang kamay ng pinsan kaya napadaing ito. Agad silang sinita ng librarian.

Pero hindi nagpapigil ang kaibigan.
"Sus 'di daw totoo. Alam mo bang nagpatulong pa yan na maghanap ng bagong pabango sa akin kahapon!." pambubuko nito.

Napatingin tuloy siya kay Ralph na obvious ang pagkaputla ng mukha.

"Ano ba, Yumi!." angil nito sa pinsan.

"Nilalakad na nga kita oh. Kaarte pa!." at iyon na ang huli nilang paguusap sa library dahil pinatalsik na sila ng librarian.

Matagal pang nagtalo at nagsisihan ang magpinsan sa labas ng library bago niya sabihin na sa pavilion na lang sila tumambay.

"Let's start." Sabi ni Ralph

"Start?." takhang tanong niya.

"Oo bessy, nagpapatulong siya sa research paper niya." paliwanag nito "... at para na rin daw makita ka niya." pahabol na bulong nito. Nagtinginan naman ng masama ang magpinsan. Natawa na lang siya sa mga ito.

..

Gustong magmura ni Andrew dahil sa bagal ng pag-andar ng oras. Bukod sa gusto niyang makita si Jenny ay gusto na rin niya matulog dahil kulang siya ng tulog kagabi. Gusto na lang niyang mag-skip ng klase mamaya at matulog sa tambayan nila.

Imbes na makinig sa discussion ay patago niyang binuksan ang cellphone niya.

Agad niyang hinanap sa contacts ang taong makakatulong sa pagkabagot niya.

Update. Whr is she?

At oo, may mata siya sa klase ni Jenny. Babae ang kinuha niyang tagamasid dito dahil di naman niya gugustuhing lalaki ang susunod sunod sa dalaga. Binabayaran niya ito sa bawat update na ginagawa nito. Tamang send lang siya ng pera sa account nito. Tagal na niyang gawain ito. Pwede na nga siyang gumawa ng makapal na scrapbook para sa mga litrato ni Jenny eh.

Mga sampung minuto ang lumipas bago siya makatanggap ng reply. Agad niya itong in-open at bumungad sa kanya ang larawan ni Jenny na may kasamang lalaki, kasama rin naman nito ang kaibigan na babae. Ngunit natuon ang tingin niya sa masayang mukha ni Jenny na nakikipagbiruan pa ata sa lalaki. Bakas ang tuwa sa mukha ni Jenny habang nakayuko at mukhang nahihiya naman ang lalaki.

Halos masira ang cellphone niya dahil sa higpit ng hawak niya rito. Nakatiimbagang siya habang titig na titig sa larawang iyon. Nanaig ang selos sa buo niyang isipan, gusto niyang sakalin ang lalaki dahil mukhang nasisiyahan si Jenny dito. Samantalang kapag siya ang kumakausap rito ay daig niya pa ang may sakit na nakakahawa kung paano siya nito iwasan. Napakatipid din nitong kausapin siya, kadalasan pa ay tinatarayan lang talaga siya. Di niya mapigilang magalit sa sarili, manliit at mainggit sa mga taong nalalapit sa babaeng mahal niya.

"Taken na pala." bulong ni Caleb na nakasilip na rin pala sa cellphone niya.

Napatiim bagang siya.

"Hindi pwede 'to." madiing ani niya sa sarili. Habang mahigpit na nakahawak sa cellphone at sunugin gamit ang mga titig niya.

"Dude easy lang. That guy is a wimp. Takutin mo lang, 'wag ka ng magsayang ng lakas diyan." suhestyon ng katabi. Alam na alam talaga ng kaibigan kung ano ang ginagawa niya upang harangin ang mga lalaking umaaligid kay Jenny niya. Jenny niya, kahit wala naman itong pakialam sa kanya.

Napakalupit talaga ng babaeng ito. Ilang taon na ang nasayang niya pero hindi pa rin siya nakaka-level two. Level one palang siya. Walang usad!
Pero itong lalaking nasa litrato ngayon lang niya nakita eh, ganon na agad kaclose ang dalawa. Pero siya, tangna! Ano pa bang kailangan niyang strategy?

"Any problem Mr. Ferguson?." Tawag pansin sa kanya ng prof niya, doon lang siya natauhan. Nabalibag niya pala ang cellphone niya sa mismong desk niya.

"Dude?." Kunot noong tanong din ng kaibigan niyang si Caleb.

Umiling siya rito.

He excused himself and get out of the class.

..

"MANANG andito pa ba si Jenny?." Tanong niya sa mayordoma ng makita niya itong nagliligpit sa kusina. Kakauwi niya lang galing sa gig nila. Ngayon palang siya umuwi dahil dumeretso siya sa gig nila kanina. Kaya baka hindi na nga talaga niya maabutan si Jenny sa mansion nila.

"Pinauwi ko na hijo tapos naman na kase ang mga gawain niya rito. Bakit may ipapasabi ka ba sa kanya?."

"Manang 'wag niyo pong aayusin ang kwarto ko bukas. Hayaan niyong si Jenny ang mag-linis 'don." utos niya rito. "Gusto kong sa kwarto ko siya lagi magtrabaho." muntik na niyang kagatin ang dila dahil mali ang lumabas na salita sa bibig niya. Baka kung ano pang isipin ng matanda.

"I mean, sa kanya nakatoka ang kwarto ko."

Nagtaka naman ang babae.
"Bakit naman hijo?."

"Basta po." iyon lang ang sinabi niya bago umakyat papunta sa kanyang kwarto.

Napakaligpit niyang tao. Masinop sa gamit. Ayaw niya ng kalat. Pero kailangan niyang guluhin ang mga ito. May binabalak kase siyang gawin para kay Jenny bukas. Sinimulan niyang ikalat ang mga gamit niya, pinagkakalat niya ang mga ito sa ilalim ng kama niya, sa table niya. Pati na rin ata ang personal ref niya ay nilagyan niya.

"Sorry babe... but you have been a bad girl." nahimas niya ang panga ng makita ang resulta ng ginawa niya.

 

..

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora