Chapter 11

11.6K 309 47
                                    

Chapter 11

Napairap na lang siya sa hangin ng mahuli niya ang kakaibang ngisi ng kaibigan niya. Kanina pa kase nangungulit sa kanya si Yumi na magkwento kung ano ang naramdaman niya ng halikan siya ni Andrew kagabi noong nasa bar sila. Pero kahit anong pilit nito sa kanya na magsalita ay tikom lang ang kanyang bibig.

Di niya nga rin alam kung anong klaseng pagpipilit ang ginawa ng kaibigan niya sa mama niya para payagan siya nitong sumama sa ganoong lugar. Ang nasabi na lang niya kase kay Yumi ay kung mapipilit nito ang mama niyang sumama siya ay sasama siya kasama ang pinsan nitong si Ralph pagkatapos ng trabaho niya sa mansion ng mga Ferguson. At iyon nga nanaig ang convincing power ni Yumi kaya nakasama siya kagabi.

Di naman siya masyadong uminom kahit pa light liquors yon. At di naman kase sila pumunta roon para maglasing kundi magbond lang at magkwentuhan. At doon naman biglang umeksena si Andrew na kumanta sa table nila at bigla na lang siyang hinalikan sa labi.

Hindi naman siya galit sa lalaki pero may inis siyang nararamdaman sa ginawa nito lalo na't nakuha nito ang first kiss niya. Well maybe sa iba mga babae hindi big deal yun pero para sa kanya mahalaga iyon. Nakakatawa man isipin pero sa henerasyon ngayon siya na lang ata ang natitirang maria clara.

Nang magtapos ang klase nila ay di na nakatiis ang kaibigan niya at nilapitan siya sa table niya.

"Uy ano na? Chika mo naman." Pangungulit ni Yumi. Hindi niya na lang ito inimik at tinuloy lang ang pagaayos ng gamit niya.

"Jenny?." Tinusok siya nito sa tagiliran napaigtad naman siya malakas kase kiliti niya roon. Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Tsaka mo na ako kulitin. May meeting kami ngayon." Dahilan niya pero totoo naman talaga na may meeting sila ng student council at mukhang late na siya ng limang minuto.

"Basta magkwento ka huh. Yung texture, tsaka kung masarap o matamis, ganern!" Literal na nalaglag ang panga niya sa pinagsasabi nito. Humagikgik pa ito bago siya bineso at tuluyan na itong lumayas sa harap niya.

Sumilip lang siya sa relo bago lumabas ng classroom. Nakakailang hakbang pa lang siya sa hallway ay narinig na niya ang pangalan niya sa isang boses na napakapamilyar sa kanya.

 Nakakailang hakbang pa lang siya sa hallway ay narinig na niya ang pangalan niya sa isang boses na napakapamilyar sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Jenny! Hi." Sumabay ito sa lakad niya habang maangas na nakasuksok ang mga kamay nito sa bulsa ng slacks nito. Humahalo rin sa hangin ang presko nitong pabango habang maayos na nakasuklay ang buhok nito. Di tuloy maiwasan ng mga ibang dumaraan na babae na mapatingin rito.

Napaismid na lang siya sa isip baka kase kung ano na lang ang isipin ng mga ito na kasama na naman niya ito.

Binilisan niya ang lakad pero humabol din agad ito ng lakad sa kanya.

"Please not now." Naibulong na lang niya habang mahigpit na nakahawak sa strap ng bag niya.

"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita." Alok nito.

"Di na kailangan." Sagot niya.

"But I want to."

"Please lang lubayan mo na ako." Hinagip nito ang braso niya at hinarap siya nito.

"Galit ka ba about last night?." Nang tumingala siya rito ay nakita niya ang salubong nitong kilay.

"Hindi ako galit, naiinis ako sayo! Bakit ba bigla ka na lang nanghahalik? Dahil lang ba sa trip mo? O gusto mo lang talagang mangasar ng tao." Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya pero nanatili lang siyang kalmado kahit medyo masakit na hawak nito.

"Naiinis ka ba dahil may iba kang gusto na lalaking hahalik sayo." Matigas nitong sabi.

"Wala akong sinabing ganon."

"I’m not sorry for the kiss. I mean it.” Seryosong sabi nito. 
“Such a waste that it only lasted for a few seconds, if we could only do it for an hour, we’ll probably get the world record baby." Ngumisi ito na nagpainis lalo sa kanya.

"Napaka-arogante mo na nga, baliw at bastos ka pa!." Tumapang naman ang mukha ni Andrew.

"Arogante na kung arogante! At oo nababaliw na ata ako dahil sayo! Bakit ba ang tigas mo? Bakit di ka na lang bumigay sa akin. Sa akin ka pa rin naman babagsak dahil di ako makakapayag na mapunta ka sa iba. This is all your fault. Why do you have to be so dang beautiful? Now look at me, I have fallen deeply to you so take the responsibility and love me back." Iniwas niya ang tingin dito.

Ang kapal din talaga ng lalaki na isisi sa kanya ang lahat ng nangyayari dito.

"Saka na tayo magusap may meeting akong hinahabol, and no! Sana ito na ang huli nating pag-uusap at pagkikita" Ngumiti lang ito na kabaligtaran ng inaaasahan niyang reaksyon nito.

"Really? Well sweetie have you forgotten? We share the same university at nagtratrabaho ka sa amin."

"Edi aalis na ako bilang katulong niyo." Dumilim ang mukha nito.

"You can't do that!."

"I can! And you will never have me! Kahit kelan ay hindi ako magiging iyo." Saka niya inabot ang pinto ng student council at pumasok roon.

Napatingin naman ang mga officers na nasa loob dahil sa lakas ng pagkakasara niya alanganin siyang ngumiti sa mga ito bago umupo.

Agad din namang nagumpisa ang meeting at ng matapos sila ay di muna siya umalis sa silid. Tinawagan niya si Yumi para sana humingi ng tulong dahil nasa labas pa si Andrew at mukhang alam nito na nasa loob pa siya. Nagpapasalamat na lang siya at di siya nito pinasok.

Hindi naman na makakatulong sa kanya ang kaibigan ngunit sinabihan nito ang pinsan nitong si Ralph na sunduin siya sa kwarto.

Kaya ng dumating si Ralph para sunduin siya ay agad siyang sumama rito.

“Jenny!.” Hindi niya pinansin si Andrew ng lapitan sila nito. Nagtago lang siya kay Ralph habang nakakapit sa braso nito.

“Jen--.” Kusang lumapat ang palad niya sa pisngi ni Andrew para bigyan ito ng sampal. Gulat ito sa ginawa niya pati din siya ay nagulat sa nagawa. Paano kase ay balak pa ata siya nitong hilain palayo kay Ralph kaya kusa na lang kumilos ang katawan niya para depensahan ang sarili.

“Tigilan mo na ako.” Malamig na saad niya sa nakatiim-bagang lalaki.

Kahit nong nakatalikod na sila dito at naglalakad paalis ay ramdam pa rin niya ang talim ng titig nito sa likod nila.

..

To celebrate 7K followers dapat may UD rin si Andrew HAHAHAH. Hindi puro si Caleb na lang lol

Maga-update po ako sa Monday , so SEE YOU!

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Where stories live. Discover now