Chapter 9

10.9K 277 31
                                    


Chapter 9

"Grabe ang pagod ko ngayon!." reklamo ni Nez nang maibaba na nito ang tray ng mga gamit na pinggan sa lababo.

"Oh! Okey ka pa ba, Jen?." nilingon siya ni Nez.

"Huh? Ayos pa naman." ngiti niya rito bago ibalik ang paningin sa nakadikit niyang reviewer sa pader ng lababo. Habang ang isip at mata niya ay nagrereview, ang mga kamay naman niya ang abala sa mga hinuhugasang plato.

Alam niya kaseng kukulangin siya ng oras sa pagrereview dahil mala-late siya ng uwi. May okasyon kase ngayon sa mansion ng Ferguson.

"Mamaya mo na yan, Jen. Baka mahuli tayo." paalala sa kanya ni Nez.

Tinapos na lang muna niya ang paghuhugas saka niya tinanggal ang reviewer niya sa pader.

"Pasensya na. Mahirap kase itong subject na ito eh."

"Ayos lang. Pero alam mo, na-miss ko na rin yung ganyan." nguso nito sa hawak niyang reviewer. "Namimiss ko yung mga ginagawa sa school." ngumiti ito ng nalungkot.

"Bakit hindi mo ulit subukan?."

"Hindi na. Baka kase ayawan ko lang ulit kapag nahirapan na naman ako." tawa nito.

"Nagchichismisan na naman kayo diyan! Hala tulungan naman diyan! Maraming bisitang aasikasuhin." sermon sa kanila ni Ate Telma ng makarating ito sa kusina. "Jenny bigyan mo na ng dessert ang mga bisita sa garden." mabilis naman siyang tumango sa utos sa kanya.

Hinanda na niya ang mga dessert sa tray at lumakad na papuntang garden. Hawak sa magkabilang kamay ay ingat siyang wag iyon madulas sa mga kamay niya. Pero kung minamalas nga naman ay kamuntikan na siyang madulas sa makintab na marble ng sala buti na lang at maagap na nalalayan ng lalaki ang dala niya.

"Careful." mabilis siyang napatingala sa lalaki. Si Andrew pala. Pero iba ang ayos nito, nakaformal attire ang lalaki na lalong nagpagwapo dito.

"Salamat." kukunin na sana niya ang tray sa binata ngunit iniwas lang nito iyon sa kanya.

"Akin na." sabi niya rito.

"I want to help."

"Andrew!." napipikong babala niya rito pero tinalikuran lang siya nito dala ang mga tray sa magkabilang kamay nito.

Hanggang sa makarating na nga ito sa garden ay nakasunod na lang siya rito.

"Who want some dessert?." nakangiting entrada ng binata sa mga bisitang nakaupo sa dining table.

"Bakit ikaw ang may dala niyan, hijo?." tanong ng mom nito.

"Pagod na ang mga maid natin. So I lend them a hand." at ito na nga ang naglapag sa mesa ng dapat ay dala niya.

"She doesn't look tired." maarteng ani ni Dria na andoon din pala sa lamesa.

"Pasensya na po ma'am." yumuko siya sa kahihiyan.

"Nevermind. Standby ka na lang diyan in case na iutos pa kami." tumango naman siya at tumayo limang metro ang layo mula sa table ng mga ito.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon