Chapter 4

14.2K 483 26
                                    

Nakahinga ng malalim si Jenny ng matapos niya ng maayos ang report niya. Tahimik siyang nagpasalamat dahil nalagpasan niya iyon kahit na di naman na niya nareview ang report niya dahil deretso tulog siya kahapon dahil sa pagod sa trabaho. Pero kahit na anong pagod niya ay di siya aalis sa trabaho niya dahil ang laki ng offer na sweldo para maging maid ng pamilyang Ferguson atleast kaya na niyang matustusan ang maintenance na gamot ng nanay niya at mapagiipunan niya ang opera para sa nanay niya.

"Uy Jenny pasend naman sa akin yung report mo huh, para may reviewer ako." Sabi ng isa niyang kaklase, tinanguan naman niya ito.

"Oh anyare?." Tanong ni Yumi ng makaupo siya sa tabi nito.

Di naman niya mapigilang mapahikab. "Medyo nakulangan lang ng tulog."

"Aww kawawa naman si bessy." Nakangusong yumakap sa kanya ang kaibigan. Natawa na lamang siya dito.

"May trabaho na ulit ako." Umpisa niya.

"Tapos?."

"Nagtatrabaho ako sa bahay nila Luke Andrew." Napa-O shape naman ang bibig ng kausap.

"Aruuh~ destined ang dalawa." Tinusok tusok naman nito ang tagiliran niya. Inirapan na lang niya ito bago lumayo ng bahagya dito para di na siya nito maabot.

"Wag ka nga! Pure na trabaho ang ginagawa ko doon noh." Depensa niya. Pero ngumisi lang ang kaibigan wari'ng di naniniwala sa sinabi niya.

Napailing na lang siya.

..

"KUMUSTA ang pag-aaral mo Andrew?." Rinig niyang tanong ng mommy ni Andrew sa binata na di niya alam kung sasagutin pa ba nito sapagkat ang mga mata nito ay matiim lang na nakamasid sa kanya.

Di niya mapigilang mapalunok baka kase makahalata ang mom nito at magtanong ito sa kanila.

Nasa tabi lang kase silang tatlong katulong sa mahabang mesa paharap kay Andrew ngunit patalikod sa mom nito, ang dad naman nito ay nakaupo sa dulo.

"Andrew are you listening?." Tanong ng ginang. Napansin naman siguro nito na may tinitignan ang anak kaya naman lumingon ito sa gawi nila.

Pinagpawisan tuloy siya sa sobrang tensyon.

"Nabanggit ng anak ko na schoolmates daw kayo?." Tanong nito sa kanya.

"Opo."

"Anong kurso mo hija?." Bago sumagot ay lumapit na lang siya sa lamesa para di mahirap ang paguusap nila.

"Nursing po, scholar lang din po." Bumilog naman ang mata ng ginang.

"Really? That's impressive." humahangang ani ng ginang. "After you graduate pwede kitang matulungan na makapasok sa hospital ko. Isn't that great, hon." Kinalabit pa ng ginang ang asawa. Matipid naman na ngumiti sa kanya ang dad ni Andrew.

"Salamat po." Ubod tamis siyang ngumiti sa mag-asawa, di niya pinag-abalahang  lingunin ang anak ng mga ito kahit pa tagos-tagusan ang titig nito sa kanya.

..

"Grabe makatitig sayo si sir Andrew! Naku! Bet ka non." narinig niyang komento ng isa sa mga kasama niyang katulong, si Nez. Magkasing-edad lang sila pero hindi na ito nag-aaral.

"Hindi. Schoolmates kase kami 'non kaya baka minumukhan niya lang ako." palusot na lang niya.

"Wag mo na ngang kinukulit yang si Jenny." saway naman ng isa pang kasama nila na si Ate Telma. Mas matagal na ito na nagtatrabaho. Trenta na mahigit ang edad nito pero ate daw ang itawag nila dito.

"Samahan mo na lang ako Nez. May pinapahanap si Ma'am sa bodega." suhestyon ni Ate Telma. Narinig na lang niya ang papalayong boses ng mga ito.

Pinunas niya ang pawis bago ituloy ang paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan sa kusina.
Feel na feel niya ang pagkanta tuwing naghuhugas at nag-iisa kaya naman hindi niya agad naramdaman ang iba pang presensya ng tao na nakikinig lang sa kanya.

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Where stories live. Discover now