Chapter 2

15.4K 393 7
                                    


Pasulyap sulyap si Jenny sa tinted glass window room ng student council. Di siya mapalagay.

Paano ay nasa labas si Andrew at nakasandal sa pader habang nakatingin lang sa tinted nilang glass window na akala mo ay nakikita siya nito sa loob ng kwarto. Parang wala rin itong pakealam sa paligid, kahit pa may mga dumadaang babae sa harap nito at nagpapacute, kinukunutan lang nito ng noo.

Ano na naman bang gusto niya?

"Uy Ms. Sexytary!." Napaigtad pa siya dahil sa sobrang gulat.

"Hala wala ka na naman sa sarili mo...ito oh pakirewrite daw sabi ni mr. President." Sabi ni Margie ang treasurer nila ng student council.
Mabilis naman niyang kinuha ang paper at nagumpisang isulat yun.

"Nanliligaw pa ba sayo si fafa Andrew?." bulong sa kanya ni Margie.

"Hindi ko siya manliligaw." Maiksing tugon niya at nagpatuloy lang sa pagsusulat.

"Sus di raw! ba't andito siya? Malamang hinihintay ka niyan." Iling iling na sabi nito. Di na lang niya ito pinansin at nagpatuloy na lang ulit sa pagsusulat.

Isang oras din ang lumipas bago sila dinismiss ng president nila. Tumayo siya at inayos ang mga papel na aayusin niya, marami pa siyang task na gagawin para sa pinagplanuhan nilang project, kaya kailangan niyang makauwi agad at matapos ang mga ito ganon din ang ibang members.

"Bilisan mo Jenny, andyan na pala boyfriend mo." Biro ni Oliver ang president nila.

Ngumiti lang siya at saka umiling.
"Di ko siya boyfriend."

"Edi pwede pa akong manligaw?." biro nito sa kanya na nginitian niya lang.

"Pala biro ka talaga Pres." sabi niya lang dito at nagpaalam na rito.

Wala sa plano niya ang magboyfriend. Wala naman siyang time para dito. Kung iisipin nga ay trabaho at pag-aalaga palang ng nanay niya ay ubos na ang oras niya, kaya panigurado di rin magtatagal ang makakarelasyon niya kung sakali. Makakahintay naman ang ganong bagay. Hindi siya nagmamadali.

"Hey Jenny! wait up!." Ng marinig niya ang boses na yun ay mas lalo niya pang minadali ang paglalakad. Ayaw niya siyang abutan nito. Pero nagkamali siya dahil madali siya nitong nahablot sa braso at hinarap sa kanya. Napakabilis talaga nitong makahabol. Sabagay kung ikukumpara ang mga biyas niya rito ay wala siyang panama.

"I've waited for you more than 2 hours, tapos tatakasan mo lang ako." Matamang nakatingin sa kanya si Andrew kaya agad siyang umiwas at inalis ang kamay nito sa braso niya.

"Di ko naman sinabi sayo na hintayin mo ako." Nakakailang hakbang pa lang siya pero nahablot siya muli nito. Sino ba ito para manduhan siya sa mga ginagawa niya.

"I'm sorry, ok? I didn't mean to scare you that night." Puno ng sensiredad ang boses nito habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ok lang yun." Pagsisinungaling niya kahit gusto niyang sigawan ito dahil naalis siya sa trabaho dahil sa lalaking kaharap niya. Buti na lang at mabilis siyang nakahanap ng trabaho bilang waitress sa coffee shop malapit sa school. Siguro mabuti na rin na naalis na siya sa trabaho dahil ayaw naman na rin niyang mabastos at makalanghap ng binaghalong alak at sigarilyo sa loob ng bar.

"Aalis na ako." Paalam niya ngunit basta na lang siya nitong hinila papunta sa cafeteria ng school.

Napatungo na lang siya dahil pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante sa loob ng cafeteria. Kahit kelan di pa siya nakakabili ng pagkain dito dahil mahal pero na try na rin naman na niyang kumain dito dahil niyayaya siya ni Yumi at nililibre kahit pa nahihiya siya dito.

Pinaupo siya ni Andrew at naupo naman ito sa tapat nito.

"Anong gagawin natin dito?."

"Magsi-CR lang." Ngisi nito. Inirapan niya ito at balak na sanang tumayo pero pinigilan siya ni Andrew.

"Sit Jenny." Seryoso nitong sabi, may halong pagbabanta pa nga ang tingin nito sa kanya. Iniwas niya lang ang tingin dito ng magtawag na ito ng waiter.

"Jenny di automatic na gagalaw yang kutsara at isusubo ang pagkain sa bibig mo." untag nito sa kanya ng hindi niya ginalaw ang kadarating na pagkain. Tinaliman niya ito ng tingin pero tinawanan lang siya nito.

"Hindi ko ito kakainin, wala akong pambayad sayo." Tanggi niya kahit pa gusto ng sumuko ng sitmura niya sa pagkain na nakahain. Hindi pa pala kase siya nagmeryenda at nalipasan na rin siya ng tanghalian. Nagsunod-sunod kase ang trabaho niya kanina kaya di na niya napansing hindi pa siya nakakakain.

Nagtiim bagang ang lalaki.
"I didn't bring you here to belittle your self." Seryoso ito. "Come on Jenny, kumain ka na. Treat ko ito hindi naman kita sisingilin." ngumisi ito sa huling sinabi nito.

"Andrew pero--."

"I know it is my fault dahil natanggal ka sa trabaho mo, but I'm not sorry for that." Sabi nito at uminom sa frappe nito. "I can't let you work on that kind of place. Especially serving those drunkards."

Ang kapal ng lalaking ito, siya na nga ang may kasalanan di pa nagsorry at mukhang sinadya pa talaga ang ginawa. Bulong niya sa isipan.

"Wow! Thank you for being my hero." sarcastic niyang sabi dito. "Ngayon hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng perang pangkain namin ngayon."

Tumikhim ito. "I can recommend you to my relatives. Mas maayos ang magiging trabaho mo doon." hindi na lamang niya inimikan ang lalaki dahil baka pumutok ang ugat ng utak niya sa sobrang inis dito.

Wala na siyang nagawa kundi ang kainin ang pagkain na nasa harap niya. Mabuti na makakain na siya para makatipid siya at mukhang peace offering na ito ng lalaki. Minadali na niyang kumain para madali siyang makaalis dito para makaiwas sa lalaki at para makapasok na rin siya sa bago niyang trabaho.

"Is it good?." tumango tango naman siya. Hindi siya pwedeng magsinungaling dahil ang sarap ng crepe cake, pasta at matcha mousse cake na in-order nito. Kaya naman hindi niya mapigilan ang pagsubo.

"Ang sarap nito." hindi niya mapigilang komento. Kahinaan niya talaga ang sweets, mabilis nawala ang inis niya kanina.

Narinig naman niya ang mahina nitong tawa.
"You like matcha, hmm? I'll put that in mind." saglit siyang natulala dito ng punasan nito ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito. Ngumiti ito bago dalhin ang daliring iyon sa bibig nito.

Nanuyo tuloy bigla ang lalamunan niya kaya inabot niya icetea at uminom.

"BAKIT lukot na naman yang mukha mo?." Komento ng kanyang Ina ng makapasok siya sa munting bahay nila.

"Mainit lang po kase." Paliwanag niya at humalik sa pisngi ng Ina niya. Kung alam lang ng nanay niya kung anong ang pinagdaanan niya kay Andrew. Pano kase ilang beses pa siyang niyaya nito na ito na ang maghahatid sa kanya pero mapilit na naman ito kaya wala na rin siyang nagawa.

"Baka naman kase dahil kay kuya Andrew." Pangaasar sa kanya ng nakababata niyang kapatid na si Jessica habang nakaupo ito sa lumang sofa at nanonood. Napangiti naman ang Ina dahil sa tinuran ng kapatid. Alam na alam ng mga ito ang tungkol sa makulit niyang manliligaw, paano ay ganadong magkwento lagi si Yumi sa mga ito kapag bumibisita ito sa kanila.

"Di ka pa rin ba 'non tinitigilan na ligawan?."

"Ewan ko don 'nay." Sumimangot siya.

"Tinamaan ata talaga sayo anak." Ngiti ng Inay niya at tumawa naman ang kanyang kapatid, kaya di na rin niya maiwasang mapangiti.

..

ABS 2: My suitor, Andrew Ferguson (on-hold) Where stories live. Discover now