"You're so mean talaga. But anyways, ayokong ayoko na talagang magka-sakit ulit. As in never."

"Ako din naman ayoko na." ang sama talagang magka-sakit. Napaka-sama.

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?" She asked at bumuntong-hininga ako. "Nagkasakit ka din kahapon?" tumango ako. "And you still attended school?"

"Uhhh-- oo? Ayokong maka-miss ng topics, mababaliw ako." sambit ko at kinotongan niya ako. "Aray!" daing ko.

Sinamaan niya ako nang tingin. "Alam mo na ngang may sakit ka at pumasok ka pang gaga ka? What if may masamang nangyari sa'yo? Paano ka na?"

"Actually meron nang nangyari." well, thanks Monica.

"What the heck happened?"

Umiling ako. "Wala, h'wag mo nang alalahanin 'yon. It's nothing but a piece of cake."  Pagsisinungaling ko.

"Piece of cake mo mukha mo. Sabihin mo na kasi. You're making me worry to the highest level."

I grunted. "You have nothing to worry about. Magaling na ako and ikaw din naman. Let's just forget the pain of the past."

Natahimik si Autumn dahil pumasok na ang math teacher namin. May panibago siyang lesson na itinuturo sa amin, it's complicated. Naparaming equation ng iisang statement pero luckily, I've studied about it before kaya naman alam ko na ang pasikot-sikot nito.

"Now, let's see if you really understand the topic. Who wants to try it on board? I need to student." tanong ni Sir. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong classroom at wala ni-isa ang gustong sumagot.

"Anyone? Section A pa naman din kayo sa school na 'to tapos hindi niyo kayang sagutin?"

Kahit ayokong magtaas, I raised my hand. Ayoko nang magalit pa si Sir sa section namin. My teacher looked at me. "Yes Ms. Santibañez, thank you." nagpunta na ako sa harap.

Nang mapadaan ako sa gilid ni Monica bigla siyang bumulong. "Pasikat."

I badly wanted to answer at her back. Gustong-gusto ko ding i-point out sa kaniya ang ginawa niya sa akin kahapon. Ngayon lang namuo ang galit ko sa kaniya na ngayong magaling na ako.

"Who else? Ano section A. Si Ms.Santibañez lang ba estudyante ko dito?"

"Sir!"

Napatingin ako sa nagsalita, it's Art. Tumango naman si Sir. "Please proceed in front Mr.Antonio." ginawa niya ang sinabi ni Sir.

"Now, while they are answering the statements that I'm about to give. Go grab your cellphone and check our group chat. May sinend akong file diyan. Copy it in your notebooks. Pass it before you go home. Except for Ms.Santibanez and Mr.Antonio. They are now excuse kahit mali ang sagot nila."

Napuno ng pagkadismaya ang buong klase nang makita nila ang file, mukhang mahaba iyon. Buti na lang talaga nagtaas ako kamay.

"Teach me Shels." napalingon ako kay Art. What the hell?

Kinunutan ko siya ng noo. "Magtataas ka tapos 'di mo gets yung topic?" mahina kong tanong sa kaniya.

He smiled at shrugged. "Well..."

"Okay, here's your statement." ibinigay na ni Sir ang sasagutan namin. Naupo na ito sa desk para mag-asikaso ng mga papeles. We examined the statement. Pareho lang pala sasagutan namin.

Nagsimula na kaming magsagot ni Art. Hindi ko inaakalang mabilis ding mag-compute ang lalaking 'to. Damn, I did underestimated him.

Agad kong inalis ang paningin ko sa ginagawa niya. I focused on my own.

"I'm reallt good at Math Shels, paano pa kaya kung tinuruan mo ako. Baka matalo ko na ang The Father of Mathematics. Si Aristotle." I grinned and I rolled my eyes.

"Aristotle is The Father of Biology. Did you mean Archimedes?"

Sumilay ako sa kaniya at napahinto siya sa pagsasagot. Kumunot ang noo niya.

"Nabago na?"

I bit my lips as I prevent myself from laughing. He seems so sincere when he said it. Napatingin naman siya sa akin at nakita kong dumapo ang kaniyang paningin sa labi ko kaya agad naman akong nag-iwas at nagpatuloy sa pagsagot.

Pervert.

Ipinagpatuloy namin ang pagsasagot. Ang ingay pala magsolve ng lalaki na 'to. Kada makukuha niya yung sagot mas lalong lumalakas boses niya.

When we finished answering, our teacher congratulated us. Medyo magkaiba ang way ng pagsolve namin ni Art pero parehong tama naman ito.

Nang naglakad na kami pabalik, laking gulat ko nang umakbay sa akin si Art na ngingiti-ngiti. "Kahit si Archimedes pa yon, ang galing ko talaga."

Proud na proud?

Inalis ko ang pagkaka-akbay niya dahil ramdam ko ang nakakapang-dudang ngiti ng mga kaibigan nito at ng kaibigan ko.

Siraulo ka talaga Antonio.

After our classes, pumunta na kami sa court ni Autumn para mapanood ang mga kapatid ko. Syempre si Kuya Trip lang ang susuportahan niya.

"Bish, mauna ka na sa court. Punta lang ako sa labas to buy snacks."

"Uyy 'wag mo ko iwan." pero tumakbo na ito palayo sa akin.

"Nandito ka ba para panoorin ako?" Nag-angat ako nang tingin sa lalaking nakasalubong ko.

What the heck? "Hindi." daretso kong sagot kay Art. What's with this day at napaka-laki ng ulo niya ngayon? Parang kahapon lang seryoso siya ah?

"By the way, you look stunning today Shels."

Revenge On My Player Ex (Book 1)Where stories live. Discover now