TBMP : Start until Lasted War

Start from the beginning
                                    

Mabilis naman nilang inihanda ang mga kagamitang pandigma.

Nakasuot sila ngayon ng mga armor.

Ang pangkat namin ay nahati sa tatlo. Unang susugod ay ang pangkat nina celdon at cillo.

Nakarinig na kami ng mga ungol ng mga lobo kaya naging handa rin ang lahat.

Huwag munang sumugod! May mga patibong silang ginawa.

Maya-maya pa ay biglang nagsiliparan ang mga malalaking bato na may mga apoy.

Binuksan ko ang aking mga mata. Kinuntrol ko ang mga batong may apoy saka itinapon sa malayo.

Maya -maya ay nagsiliparan na naman ang mga matutulis na palaso ng pana. Bumubulusok ito sa kinaruruunan namin.

Inihanda naman namin ang aming mga pananggalang para maproteksyunan ang sarili.

Kami na naman ang nagpakawala ng malalaking bato na may apoy.

Maya-maya ay nakarinig na kami ng mga pagsabog sa paligid.

Nakarinig kami ng mga sigawan sa paligid kaya sumugod na ang unang pangkat.

Pinikit ko ulit ang aking mga mata at lumipad sa kalangitan.

Natatanaw ko narin sa kalayuan ang napakaraming hukbong sandatahan ng mga kalaban. Kalahati lang ang bilang namin kumpara sa bilang na meron sila.

Dahil alam kung mahihirapan ang unang hukbo namin ay inunahan ko muna sila sa pagharap ng mga kalaban.

Binuksan ko ang aking mga mata at humarap sa mga lobo.

Nasunog ang mga ito at naging abo.

Nagulat ang mga kalaban sa ginawa ko ngunit hindi parin sila nagpakita ng takot.

Lumusob na naman ang kasamahan ko sa mga bampera.

Sumunod na naman ang pangalawang hukbo.

Nagpakawala sila ng mga itim na  usok.

Habang ang mga witch na kasamahan namin ay nagpakawala ng mga sumasabog na potions.

Nagkalansing na naman ang mga sandata at mga pagsabog.

Nagtumbahan ang mga kahoy at tanging mga sigawan at ingay ng mga sandata ang maririnig sa paligid.

Nagsiliran na naman ang mga dragon at nagpapakawala ng mga apoy.

Nasusunog ang paligid sa hinawa ng mga dragon.

Tinawag ng mga celestials ang kanilang mga spirits para maproteksiyunan sila.

Lumipad ang ibang celestials para labanan ang mga dragon.

Sumugod narin ang mga elementians.

Mas lalong naging maingay ang buong paligid dahil walang nagpapatalo sa bawat pangkat.

Dumagundong ang mga kalansing ng sandata, pagsabog at sigawan ng mga sugatan.

Ito na ang kinatatakutan ko ang mga inusenteng nadadamay sa walang kwentang digmaan.

Haaaaahhhhhhhhhhhh...........................

Sigaw ko dahil hindi ko na matiis ang galit na nararamdaman.


Galit ka na pala. Akala ko ba hinangad mo rin ang labanang ito. Ngayon pagmasdan mo ang mga hinaing ng mga sugatan at walang buhay mong kasamahan. Mahabang salaysay ng hari ng mga dragon.

Galit akong nakatingin sa pagmumukha niya dahil kung hindi dahil sa kanya ay mapayapa na sana ang buhay ng bawat nilalang.

Ngayon masaya ka na ba na natupad mo na rin ang digmaang iyong inaasam na maaaring ikamamatay mo ng isang sigundo lamang.

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Where stories live. Discover now