😘THE HISTORY😘

8K 218 10
                                    

Someone's POV

Noong unang panahon masayang naninirahan ang ibat- ibang uri ng mga nilalang.

Tulad ng mga:

1. Fairies - mga nilalang na mga mababait, masunurin at mapagbigay. Isa lamang silang mababang uri kung tingnan dahil sa sila ay maliliit tingnan.

Ngunit hindi niyo alam na sila ay lumalaki. Nakabasi ang kanilang paglaki sa kanilang edad. Ang kanilang sandata at kapangyarihan ay namamana sa kanilang mga kalahi. Ginagamit nila ang kanilang kamay upang iguhit ang kanilang sandata. Makapagpalabas din sila ng kapangyarihan mula sa kanilang kamay nakadepende ang lakas nito sa pinagmamanahan.

Sila ay may pakpak na lampas ulo ang taas at kumikinang na para bang alitaptap. Ang kanilang pakpak ay ginagamit na pananggalang sa mga kalaban. Kaya din nilang magpalit ng pakpak At itago ito sa katauhan nila kung isa silang Royal blood.

2. Dragons - sila ang mga nilalang na kayang mag- anyo bilang isang dragon. Kaya nilang magpalabas ng Apoy mula sa bibig nila. Ang kanilang balat ay kasing tibay ng bato. Ang kanilang kuko ay kasing tibay at tulis ng espada.
Sila ay mga nilalang na mayayabang at mapagmalaki.
Sila ay sumusunod sa batas noon kahit mayayabang sila..

Pagkalaunan ay nagbago ang pananaw nila at nagpasimula ng digmaan kasama ang dalawang uri ng nilalang.

Umanib sa kanila ang mga Vampire and wolf.

Ginusto nilang sila ang mamumuno sa buong Magic world. Pinapaslang nila ang uri ng mga nilalang na kumakalaban sa kanila.

3. Elementians - mga nilalang na gumagamit ng mga elemento ng hangin, lupa, tubig at apoy.
Sila ay malalakas na uri ng nilalang.

Ang kahinaan nila ay ang mga dragon na mga nilalang.

Hindi nila kayang tapatan ang mga ito dahil malalaki at malalakas ang mga ito.

4. Celestials - sila ang mga nilalang na kayang mag summon ng ibat - ibang uri ng insekto, halamang nakakamatay at makapagpagaling. Kaya nilang lumaban gamit ang pag summon ng mga mababangis na hayop at iba pa.

5. Witches - mga nilalang na kayang gumamit ng potions.
Ibat- ibang klase ng potions.

Ginagamit nila ang walis sa paglipad.

Marami silang spells na sinusunod..

Makakatapat nila ang mga VAMPIRE AND WOLFS.

6. Vampires - mga nilalang na nangangailangan ng dugo para mabuhay.

Pumapaslang sila ng hindi nila kauri ngunit hindi sila pumapatay sa mga naging kaibigan nilang ibang uri.

Nakipagkasunduan sila na magtipon- tipon at bumuo ng sandatahan para sa pakikipaglaban.

Ang mamumuno ay ang mga
Dragons.

Sila ang pumapangalawa.

Pumapangatlo ang wolf.

7. Wolfs - mga nilalang na nag- aanyo ng taong lobo.

Kumakain sila ng hilaw na karne ng hayop.

Sila ay nakakaramdam ng panganib.

Malalaman nila agad ang kinaruruunan ng mga nilalang.

Lahat sila ay tinatawag noong The seven magic council.

Sa pagkabuo ng council ang namumuno ay ang mga Fairies dahil sila ang pinili ng tatlong nilalang dahil sa kanilang angking kabutihan.

Ang pumili naman sa Dragon ay dalawa lang.

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Kde žijí příběhy. Začni objevovat