TBMP: Important mission

2.8K 82 3
                                    

Gen. Flamor POV

Lumalaki at lumalakas na nga ang aking anak na prinsesa.

Nasisiguro kong kaya na niyang tapatan ang mga dragon.

Nasisiguro ko rin na maraming gustong magbuhis ng buhay para sa kanya at sa nakararami.

Lahat kami ay may kanya-kanyang tungkulin ngunit iisa lang ang aming hangarin.

Ang hangarin na kailangan naming maging balanse ang mundo at panatilihin ang kapayapaan tungo sa pagkaka-isa ng bawat nilalang.

Ngayong araw ay gusto kong ipatawag ang lahat ng mga nilalang.

Ang mga Celestials.

Ang mga witches.

Ang mga elementials.

Para sa gaganaping insayo.

Gusto kong papuntahin niyo sila sa malawak na field para sa pagpupulong.

Masusunod po mahal na General. Sabi ng kawal na elementials at agad lumabas ng palasyo.


Ang lalaking kasama nina Celdon kahapon ay kamukha ng dating hari ng mga dragon.

Nagiging magkaibigan kami noon at naging magkasundo dahil isa itong mabait na hari.

Posible kayang anak niya ito.

Tatanungin ko nalang siya mamaya.

Mahal na general naghihintay na po ang mga kasamahan natin sa loob ng field. Ikaw nalang po ang hinihintay at ang prinsesa.

Sabihan mo nalang ang aking anak na pasunduin sa field.

Masusunod po mahal na general.

Naglalakad na ako sa hall way papuntang field.

Pinagmasdan ko ang buong paligid tapos na pala ang pagpapatayo ng mga gusali.

Naalala ko tuloy ang kagariang ito ng ako ay isang bata pa lamang.

Palagi akong pumupunta sa kaharian para silipin ang nasa loob nito.

Hanggang sa nakita ko ang mga magagarang suot ng mga kawal.

Hanggang sa nagarap ako na balang araw ay pagsilbihan ko ang hari ng mga fairies.

Nag-insayo ako at nagpakalakas para paglaki ko ay sasabak ako sa training ng pagiging kawal.

Hanggang sa dumating ang araw na iyon at pumasa ako sa training.

Pinagsilbihan ko ang mabuting hari at naging isang tapat na alagad.

Hanggang sa naging kaliwang kamay ng hari at pumalit sa nakatatandang kanang kamay ng hari at ito ako ngayon naging isang general.

Naalala ko pa noon ang mga nagawang kabutihan ng hari at reyna ng mga fairies.

Tinulungan nilang makabangon ang lahat ng nilalang.

Lahat ay pantay - pantay sa larangan ng mga pagkain at kagamitan.

Kaya malaki ang utang na loob namin sa hari at reyna.

Naalala ko pa din noon ang mga kasiyahan sa loob ng palasyo at nakilala ko ang aking nagiging asawa.

Nagkaroon kami ng nag-iisang anak na lalaki ngunit sa pagdating ng digmaan ay hindi ko alam kong buhay pa ba sila o patay na.

Hindi ko sila nailigtas dahil sa pinagsilbihan ko ang hari at reyna sa araw na iyon.

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Where stories live. Discover now