TBMP: Friends👪👪

4.4K 139 2
                                    

Prince Caspian POV

Hahay! ano bang klaseng buhay ito.

Para akong isang pusa na naghahanap ng daga.

Kailangan ko pa bang hanapin ang nilalang na hindi ko naman alam ang hitsura.

Mas matatanggap ko pa sigurong maghahanap ako ng isa daga kaysa sa isang nilalang na pinapahanap ng aking ama.

Napaka makasarili talaga ng aking ama.

Kaya nga mas gugustuhin ko pang ipinanganak ako ng ordenaryong Tao nalang kesa susunod ako sa yapak niya na gustong makita ang ibang nilalang na nagdusa at naghihirap samantalang siya ay nagpapakasaya.

Hindi ko kailangan ang kuruna para umangat. Ang kailangan ko ay ang mabuhay ng mapayapa at nagkakaisa.

Kailangan kung mahanap ang tinatawag nilang makapagbabago sa buong magic world.

Kailangan ko siyang tulungan para magawa niya ang tungkulin niya.

Ayaw kung manatili ang mundong ginagalawan ko.

Naglakad ako papunta sa kabundukan.

Naghahanap ako ng makatutulong sa akin sa paghahanap.

Nagpatuloy ang aking paglalakad sa kabundukan.

Nakarinig ako ng mga yapak ng mga paa at sigaw ng mga nilalang.

Nagtago muna ako sa trunk ng puno at pinagmasdan ang mga nilalang na dragon.

Sila ay ang mga alagad ng aking ama na pinaparusahan ang isang celestials.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at pumunta sa kinaruruunan nila.

Anong nangyari dito, bakit niyo siya sinasaktan? Sunod-sunod kung tanong.

Patawad mahal na princepe ngunit nagtatangka po siyang labanan kami. Sagot ng isang kawal.

Ako na ang bahala sa kanya, umalis na kayo. Sabi ko

Agad naman silang umalis at naglakad papuntang palasyo.

Patawad sa ginawa nila. Hindi mo kailangang labanan sila sapagkat nalalapit na ang kalayaan niyo.

Kailangan mo munang hanapin ang makapagbabago sa buong magic world.

Ano nga palang pangalan mo? Tanong ko.

Mapagkakatiwalaan ba kita. Sagot niya.

Oo naman, kakampi mo ako.
Sa totoo lang ayaw kung sumunod sa kanyang yapak.

Isa pa hindi ko naman siya tunay na ama.

Ang tunay kung ama ay ang pinalitan niya.

Pinatay niya ang aking ama at siya rin ang nagbabalak na ubusin ang angkan ng mga fairies.

Gusto kung ipaghigante ang tunay Kong ama.

I'm Prince Caspian Valdemor isang prinsepe ng mga dragon. Pagpapakilala ko.

Ako naman si Prince Celdon Celeste isang prinsepe ng mga celestials.

Mag- isa nalang kasi ako dahil pinaslang ng mga kalahi mo ang mga magulang ko. Sabi niya na malungkot ang mukha.

Patawad sa nangyari sa mga magulang mo. Gusto ko kasing hanapin ang itinakda pwede mo ba along samahan para makilala at matulungan siya.

Sige ba! Sagot no Celdon.

Tayo na alam kung matatagalan pa tayo tayo sa paghahanap sa kanya.

Celdon POV

Kailangan ko ba talaga siya pagkatiwalaan.

Alam kung maaring nagpapanggap lang siya para mapaslang ang tinatakdang makapagbabago sa buong magic world.

Hindi naman siguro.

Base kasi sa pinakita niya ay nagsasabi siya ng totoo.

Kailan kaya namin mahahanap ang itinakda.

Isa kaya siyang prinsepe o prinsesa.

Matatagalan talaga kami sa paghahanap sa kanya dahil hindi namin alam ang identity niya.

Sinabi ni Caspian na maglilibot kami sa buong kingdom.

Baka sakaling matagpuan namin ang itinakda.

Nagpahinga muna kami dahil gumagabi na.

Bukas nalang namin ipagpatuloy ang aming paghahanap sa itinakda.

##################

Itutuloy............................

# friends is forever be friends

# korikoriko

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon