TBMP: Hiding the real identity

3.8K 111 1
                                    

Flaire POV

Sinabihan ko na si Amang Heneral sa binabalak kung pagpapanggap at pagpasok sa paaralan ng mga kalaban.

Tumanggi siya sa una ngunit binago niya ang una niyang pasya at pinayagan na niya ako.

Pumunta muna kami sa lumang falls sa may sentro ng kapatagan.

Pinalapit niya ako rito at binasbasan upang malayo ako sa panganib.

Pagkatapos niya akong basbasan ay inayos ko muna ang aking mga gamit. binago ko ang mga ito gamit ang shining power para maging kagaya sa mga damit ng mga lalaki.

Tinali ko ang aking mahabang buhok hanggang sa lumiit.

Nagsuot ako ng damit panlalake at nakasumbrero na kadalasang ginagamit sa pagtatanim. Yung malapad at mahaba.

Natatawang nakatingin sa akin si amang heneral.

Lumapit siya sa akin at inayos ang hitsura ko.

Sinabi niyang kapag nangangailangan daw ako ng tulong ay pumunta lang daw ako dito dahil dito din daw siya bubuo ng mga kawal.

Nagpaalam na ako sa aking amang heneral at nagsimula na akong maglakad. Bago yon ay gumamit ako ng mahika na pabango para hindi ako mapaghalaan ng mga lobo.

Pupunta ako ngayon sa paaralan upang sumali sa battle field and survival game.

Sa pagkakaalam ko ay may isa pa silang idadagdag.

Kung ano man yon ay malalaman ko din iyon.

Wala akong hinto sa paglalakad hanggang dalawang bayan narin ang nalampasan ko. Isang bayan nalang bago ako makarating.

9:00 am pa naman mag-uumpisa ang laban kaya makakaabot pa ako don ng 8:00 am dahil 6:00 am ako naguumpisa sa paglalakad patungong Highness Academy.

Sa wakas at natatanaw ko narin ang tarangkahan ng paaralan.

May mga gwardiyang nakabantay sa bawat sulok nito.

Nakakapagod maglakad ngunit kunting tiis nalang at makapaghihiganti narin ako sa mga kalahi at magulang ko.

Hinarangan ako ng isang matangkad na sundalo.

Magpakilala ka at saan ka nanggaling. Sabi niya.

Binago ko muna ang boses ko bago nagsalita.

Patay hindi ko naisip ang ipapangalan ko baka makahalata siya kung matagalan ako sa pagsagot.

Ako si Liam loof bigla kung nasabi. Taga Vampire. Ngumiti ako at nakita naman niya ang matataas na mga pangil ko.

Ang totoo kasi niyan ay marpel lang naman yon.

Sige maaari kanang pumasok.

Bumukas ang tarangkahan at natatanaw ko ang itim na paligid.

Maraming nagkukumpulan na mga sundalo.

Maraming mga mag-aaral na gustong sumali. Karamihan sa kanila ay mga wolf, vampire at Dragon. Ako lang ang nag-iisang nagpapanggap na bampira.

Sana hindi nila malaman ang aking totoong pagkatao.

Lahat sila ay mga lalaki at ako lang ang nag-iisang babae.

Kailangan kong mag-ingat sa mga galaw at bawat boses na lalabas sa bibig ko.

Mga 50 kaming naririto at sampo lang ang ititira nila para gawing kawal.

Pinatawag na kami ng hari. Siya na pala ang bagong hari na pumaslang sa aking mga kalahi.

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Where stories live. Discover now