TBMP : Welcome Back

2.1K 49 0
                                    

Sa wakas at malapit narin tayong makarating sa palasyo.

Nakalipad kami ngayon. Kasalukuyang papuntang palasyo. Nakasakay ako kay Caspian habang si Celdon naman ay nakasakay sa kanyang celestial spirit na si agilos.

Natatanaw narin namin ang buong palasyo sa hindi kalayuan hanggang sa narating na namin ito.

Binuksan naman nila ang malaking tarangkahan.

Lumapag na kami sa lupa at nagsimulang naglakad papasok.

Bumalik na ulit ang anyo ni Caspian.

Pinabalik naman ni Celdon si agilos.

Sabay kaming naglalakad papasok sa malaking tarangkahan ng palasyo.

Laking gulat namin ng napakalaking Banner ang nakalagay sa harapan ng palasyo. May mga mukha namin rito at may nakasulat na salitang.

"Maligayang Pagbabalik sa kaharian"

Wenelcome kami ng mga kasamahan naming mga nilalang.

Masaya nila kaming sinalubong at sinabitan ng mga bulaklak sa ulo.

Ngayon ko lang naranasan ang mga ganitong pangyayari. Kaya nasurprisa talaga ako. Hindi ko akalaing sasalubungin nila kami ng ganito.

Teka nga bakit nila alam na dadating tayo sa araw na ito. Celdon

Oo nga !

Ang totoo niyan sinubaybayan ko kayo gamit ang map ko. Ang mapang ito ay naka set sa paglalakbay niyo. Kaya nalaman kong dadating kayo sa araw na ito. Heneral

So alam niyo po ang lugar na pupuntahan namin! Caspian

Oo, Alam ko. Ginawa ko iyon dahil gusto kong sukatin ang inyong pagplano at pag-iisip. Heneral

Ang labo niyo naman ama. Pero tama po kayo kailangan naming tumayo sa sarili naming mga paa.

Wala ba tayong balak na pumasok! Celdon

Sige! Doon nalang tayo mag-uusap sa loob. Sigurado akong nagugutom na kayo.

Hindi lang gutom heneral. Gutom na gutom.. Pagbibiro ni Celdon

Okay ka lang ba iho bat ang tahimik mo diyan?

Ahh... Wala po ama! May iniisip lang po! Caspian


Hali na kayo sa loob na tayo mag-uusap para makakain na kayo.



Pumasok naman kami sa loob ng palasyo at saka pumunta sa loob ng dinning hall.


Napakaraming pagkain sa loob.

Anong meron? Ang dami ng pagkain ah! Celdon

May magaganap na celebrasyon mamayang gabi kaya naghahanda na sila sa kanilang ihahanda mamaya.

Hapon na kasi kaming nakauwi.



Para saan po ba ang celebrasyon ama?

Anak para yan sa pagdating ninyo ng buhay at sigurado rin akong nagawa niyo ang pinagawa ko kaya nagpahanda ako ng celebrasyon para sa inyo.


Siya nga pala ama heto nga po pala ang mga sandata na nakuha namin sa misyon.

Sabay abot sa maliit na bote.

Nasan po si cillo? Celdon

Oo nga po ama!


Hindi siya makakarating ngayon sa inyo dahil may pinapagawa ako sa kanya. Ipinaubaya ko kasi sa kanya ang paggawa ng design para sa celebrasyon ngayong gabi.

Ahh ganoon pala! Ano kayang itsura ng ginawa niya at mas pinili pang hindi kami salubungin sa labas.

Buti naiisip niyong siya ang gumawa ng design heneral! Nasa kanya naman ang celestial spirit na si signer - ang pinakamagaling sa larangan ng pagdedesign. Celdon

Wala na kasi akong iba pang mauutusan kaya siya nalang ang pinagawa ko. Heneral

Kumain na kayo at pupuntahan ko muna si cillo sa ginawa niya. Siya nga pala kailangan niyong magsuot ng magagarang damit mamaya para sa celebrasyon kaya may pinalagay ako sa loob ng silid ninyo. Kailangan niyong magpaganda at magpapogi mamaya. Heneral agad namang umalis.


Yes! Ngayon lang ulit ako makakasalo ng isang ingranding celebrasyon. Celdon

Baka ingranding pagkain dahil sa takaw mong yan! Caspian

Tumigil nga kayo diyan! Basta ako excited na sa susuutin ko mamaya kaya dapat excited rin kayo.

Natahimik naman ang dalawa na nakatingin sa akin.

Bahala kayo basta kakain na ako.

Kumain naman sila ng marami at uminom pa ng kaunting alak.

Nauna na akong nagpaalam sa kanila.

Masyado yatang excited ang prinsesa Caspian! Hala ka baka maunahan ka pa ng iba diyan.

Gong- gong ka talaga celdon! Bahala sila kung magkandarapa sila sa kahahabol sa kanya basta ako nasisigurado akong ako ang pipiliin niya mamayabang gabi.


Ang taas ng expectations mo bro! Abot hanggang dibdib. Kunting ingat lang baka masabit at mahulog sa iba.

Bahala ka kung ano ang iniisip mo diyan basta ako hindi ako susuko na ligawan at paibigin siya.

Ganyan nga talaga kapag nagmahal ka gusto mong angkinin. Pero lahat ng effort mo ay binabaliwala lang pala gaya ng ginawa ko noon sa nililigawan ko.

Baka multo yon at ayaw niyang umibig sa mga kagaya mong gong gong. Hhhahahaha.......

Hahahahaha.......sige tumawa ka pa. Nakakainis! Makaalis na nga!

Anong yari noon pikon! Bro! Naiwan mo yong pagkain mo rito!


Lumingon naman siya at bumalik at kinuha ang natirang manok niya sa lamesa.



Kinain niya ito at itinapon ang buto sa kinaruruunan ko.

Gong-gong talaga nito! Hindi kaya ako aso o pusa para bigyan niya ng buto.

May pagkain pa kaya rito. Siguradong mabubusog ako nito. Hindi na pala kailangan dahil kailangan kong magbawas ng pagkain baka masyado ng lalaki itong tiyan ko at mawawala na itong abs ko.

Kaya kailangan ko munang magpahinga.



Naglakad na ako papuntang silid at binuksan ang pinto.

Nauna ng natulog si Celdon at katabi na niya ang susuutin niya mamaya.

Sa kaliwa naman ay si Cillo natulog dahil siguro sa puyat.


Katabi narin nito ang susuutin niya mamaya.

Lumingon ako sa higaan ko at nakita ko narin ang susuutin ko mamaya.

Ang ganda nito at kumikinang pa. Magpapapogi talaga ako mamaya. Para sa minamahal kong prinsesa.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Sigurado ako naghahanda na siya para mamayang gabi.

Kailangan ko ng magpahinga para hindi ako mapupuyat mamayang gabi.

Alam niyo na marami kayang magagandang mangyayari kapag may celebrasyon.

Magpapahinga na nga! Sabay talon sa kama.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz....

00000000000000000000000000

Abangan!

Votes

And

Comments are highly Acceptable!

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍حيث تعيش القصص. اكتشف الآن