TBMP: Tungkod at kuruna

2.8K 97 0
                                    


Liam (flaire) POV

Dahil may nakabantay na mga kawal sa labas ng kaharian ng mga lobo ay agad akong nagbato ng kadina sa mga leeg nila at napatay ko silang lahat.

Pumasok ako sa loob at nagpapanggap na isang lobo.

Dumiretso ako sa palasyo ng mga lobo.

Napakaraming mga kawal sa loob at labas ng palasyo.

Kailangan ko munang hanapin ang tungkod at Koruna ng aking mga magulang.

Dahil hindi yon kayang suutin ng kahit sinong nilalang ay maaring nasa harap lang ito ng palasyo malapit sa upuan ng hari at reyna ng mga lobo.

Dahil sa napakaraming mga kawal sa loob at labas ng palasyo ay pinasabog ko nalang ang bomba na iniwan ko sa labas ng palasyo malapit sa tarangkahan papasok ng palasyo.

Nakatayo lang ako sa labas ng palasyo habang pinagmasdan ang mga taong lobo na nagtatakbuhan at mga kawal.

Dahil lumiit na ang bilang ng mga kawal ay pumasok na ako sa loob ng palasyo.

Habang nagkagulo sa labas at naging abala ang hari at reyna ay dahan-dahan pinatumba ang kani-kanilang mga kawal hanggang nakarating narin ako sa harap ng upuan ng hari at reyna.

Nabili ko ang bomba sa bayan na ipinagbinta ng isang witch.

Gulat na mga mata ang sumalubong sa aking mga mukha.

Nagsitakbuhan ang dalawa at pinalapit sa akin ang mga kawal.

Humakbang ako papunta sa upuan hari at reyna ng lobo at sinira ang nakapaligid na matitibay na mga bato.

Lumitaw sa harap ko at koruna at tungkod ng aking mga magulang.

Sa pagkawasak ng mga bato ay angsabay na pagsugod ng mga lobo.

Lalong dumami ang bilang ng mga lobo kaya agad kung kinuha ang tungkod at kuruna ng aking mga magulang sabay tapon ng sleeping smoke potion sa mga kalaban.

Nakaalis ako sa palasyo ng mabilis at nakalayo.

Ngayon hindi ko na kailangang bumalik sa paaralan at kaharian ng mga dragon.

Lalo na at nakuha ko na ang tunay kung pakay.

Hindi ko na kailangan pang malaman ang tunay nilang mga plano sapagkat nanganganib ang buhay ko roon.

Bukas na bukas ay malalaman din nila ang mga kaganapan sa kaharian ng mga lobo at siguradong maging mahigpit ang siguridad ng buong council.

Nasisiguro kung magpapadala sila ng mga kawal doon at para mag-imbestiga sa nangyari.

Sa ngayon kailangan ko munang puntahan si amang heneral para malaman ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman at para narin mapaghandaan ang nalalapit na digmaan.

Para mapabilis ang pagdating ko doon ay ginamit ko na ang pakpak ko lalo na at madalim na ang paligid.

Lumipad ako sa pinakataas na bahagi ng ulap at saka bumaba at pumasok sa loob ng maliit na lungga.

Pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko ang dalawang celestial kanina.

Nakita nila ang pakpak ko at gulat na gulat sila sa nakita nila.

Iiiiiisa kaaang ffffaairrry! Sabay nilang sambit.

OO isa akong fairy! At dalawa lang kaming naririto.

Nakita niyo na ba si amang heneral?

Oo, nandon siya sa malaking puno na umiilaw.

Ang sinasabi nilang puno na umiilaw ay ang puno ng Acasia.
Ang punong ito ang tirahan ng mga alitaptap.

Pwede niyo ba akong samahan?

Oopo mahal na pinuno!

Agad naman kaming pumunta sa kinaruruunan ng aking amang heneral. Niyakap ko muna ng napakahigpit si amang heneral.

Salamat at bumalik ka anak!

Huwag po kayong mag-alala sa akin ama wala po namang masamang nangyari sa akin.

Siya nga pala bakit ang bilis mong nakabalik rito.

Bumalik na ako ama dahil nakuha ko na po ang pakay ko at ito yon.

Kinuha ko ang tungkod at kuruna at ipinakita kay ama.

Mabuti anak para magamit mo narin ang kapangyarihang taglay ng tungkod at kuruna ng iyong mga magulang.

Siya nga pala anak may mga kasamahan narin akong nabuo ngunit maliit pa ang bilang nila kumpara noon. 15 mga celestial, 17 mga witch at 5 mga elemental.

Okay na ho yon ama. Dadami din naman ang bilang nila dahil tutulungan po namin silang makalaya sa mahigpit na pamamalakad ng mga dragon.

Ahamm! Ahm! Nakadisturbo ho ba kami. Cillo

Ano ka ba? Celdon

Ay sorry po! Sabay nilang paumanhin.

Okay lang.

Maaari po ba naming malaman ang mga bagay na hindi nalaman.

Okay umupo muna kayo at sasabihin ko ang mga bagay na hindi niyo pa nalaman. Amang heneral

Sisimulan ko ito kung paano kami nakaligtas.

Nakaligtas kami dahil ng isinilang si princess Flaire ay pinatakas kami ng hari at reyna at pinapunta kami sa isang ligtas na lugar.

Pinalaki ko si Flaire mag-isa at tinuruan ng mga tactika at mga nalalaman ko sa mga magulang niya.

Hanggang dumating ang araw ng kanyang pagkabuo.

Napagdesisyunan namin na pumasok si flaire sa paaralan para maging isang sundalo ng hari at para malaman ang mga binabalak nila.

At saka binalak din namin na kunin ang tanging habilin ng kanyang mga magulang ang tungkod at kuruna.

Isa po siyang babae? Cillo

Oo isa siyang babae na nagpapanggap na lalaki para makapasok sa loob ng paaralan at palasyo ng mga dragon. Heneral

Maari ba naming masilayan ang tunay niyang anyo.

Malalaman niyo rin yan sa tamang panahon. Sa ngayon kailangan niyo munang matulog para sa misyon bukas. Heneral

Halikana cillo matulog na tayo! Ang daldal mo para kang babae kung magsalita.

Ano ka ba naman syempre magtatanong talaga ako sinabi kaya niyang may mga katanungan pa ba tayo.

Gonggong ka talaga. Tayo na nga at matulog narin.

Masaya talaga silang pagmasdan para silang magkakapatid kung mag-usap.

Amang heneral maari mo ba akong turuan sa mga hindi ko pa nalalaman.

Syempre naman anak pero bukas na dahil kailangan muna nating magpahinga.

**†****************************

Just like or comment guys.

Thanks!



💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu