TBMP : Grand Celebration

Start from the beginning
                                    

Dumagundong na naman ang palakpakan sa buong paligid.

Sinabayan ito ng pagtugtog ng musika.

Kumain at naginuman ang lahat.

Lahat sila ay nagsasaya at masayang tingnan.

Nagkainan narin kami.

Pagkatapos naming kumain ay bigla na namang nagbago ang musika.

Isang musika na pangsayaw. Bumaba ako sa stage at nagsasayaw sa pinakasentro ng hall.

Sumunod naman sa akin sina cillo, celdon at Caspian.

May nag-aayang nagsayaw sa akin kaya hindi ko siya inayawan.

Nagsayawan narin ang lahat.

Isinayaw na naman ako ng ibang lalaki.

Alam kong nagsisilos siya sa mga lalaking naisayaw ko.

Hanggang  si cillo na ang sumayaw sa akin.

Magaling palang sumayaw tong si cillo.

Sumunod naman ay si Celdon. Si celdon naman ay ang tipo ng lalaking cool magsayaw.

Sumunod naman ang taong nagsisilos. Si Caspian.

Napaka kalmado niyang sumayaw. Ang lambot ng mga kamay niya. Namumula ang mga mukha niya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa pagpipigil niya sa selos.

Matagal kaming nagsayaw sa pinakasentro ng hall.

May mga kapartner narin ang lahat.

Tahimik lang kaming nagsasayawan.

Hanggang lumingon na siya sa aking mga mata at ngumiti.

Yan ang hinihintay kong pagkakataon.

Patawad mahal na prinsesa ngunit nagpipigil lamang ako ng selos ko.

Okay lang naiintindihan kita.

Maari ba kitang imbintahan mamasyal bukas sa buong kaharian para maaliw ka naman.

Sige! Kung yan ang gusto mo.

Salamat mahal na prinsesa! Hihintayin kita bukas sa labas ng silid mo.

Ikaw bahala!

Lumipat naman ako kay amang heneral dahil gusto nitong isayaw rin ako.

Umupo muna si caspian at saka tinitigan ang direksyon namin ni ama.

Umupo narin ang iba dahil huminto narin ang musika.

Ibang musika na naman ang tumunog.

Sumayaw na naman sila at may dala ng mga inumin.

Tinawag ako ni Caspian kaya lumapit ako sa kanya.

Nag-iinuman naman sina ama sa loob habang sina cillo at celdon ay may mga kausap na babae.

Hinawakan ni Caspian ang kanang kamay ko at pumunta kami sa gilid ng hall.

Natatanaw namin ang kalaliman ng gabi at ang mga kumikislap na liwanag ng buwan at bituin.

Napakagandang pagmasdan ang kalaliman ng buwan.

Tingnan mo mahal na prinsesa ang nag-iisang bituin na iyan.

Lumingon naman ako sa tinuro niyang bituin.

Ang bituing iyan ay nagsisilbing ako. Na papalapit sa iyo.

Mula ng una kitang nakita hanggang sa mahulog sa puso mo.Minahal kita kahit sa tingin mong badoy at luko-luko ako. Bawat kislap ng mga mata ko ay ikaw lang ang nilalaman nito. Binihag mo ang puso ko at ang pag-iisip ko.

Tingnan mo ang bituing iyan yan ang nagsisilbing ako na nangangarap na mapansin manlang ng puso mo. Nangangarap na mahalin mo at iibigin mo. Kahit malayo man ang naging kinaruruunan mo ay aabutin ko para lang sa iyo.

Lumuhod siya sa harap ko at may kinuhang maliit na kahon sa bulsa niya.

Binuksan niya ito at nakita ng mga mata ko ang liwanag ng sing- sing sa harap ko.

Mahal na prinsesa, minahal kita! Lahat gagawin ko para sayo sagutin mulang ang nag-aasam kung puso. Sanay tanggapin mo ito. Hindi ko minamadali ang pasya mo pero gusto ko lang malaman na mahal mo rin ba ako.

Sa totoo lang mahirap gumawa ng mga bagay na kailanman hindi sumasagi sa isip mo. Mahal kita Caspian. Tatanggapin ko ito dahil sa ginawa mong pagpapadayag ng yong damdamin. Ngunit hindi ito nagpapahiwatig na nakuha mo na ako ng buong- buo.

Salamat mahal na prinsesa. Maraming salamat ! Mas lalo mo pang binigyan ng pag-asa ang puso ko na iparamdam sa iyong mahal kita.

Isinuot niya ang sing- sing sa kaliwang kamay ko at saka humalik sa kamay ko.

Tumayo naman siyang nakangiti at hiawakan ang kamay ko papasok sa loob.

Pagdating namin ay tulog na sila. Kaya inihatid nalang ako ni Caspian sa silid ko saka siya nagpaalam.

00000000000000000000000)00

Abangan!

Votes

And

Comments

Are highly Acceptable.

💃💃💃The Blue Moon Princess  And  The Prince Of Dragons 🐲. 💞COMPLETED💞👍Where stories live. Discover now