Nakakunot ang noo nito at sinamahan ng masamang tingin. “Why are you shouting, Ms. Hidalgo?” he asked in a keen voice.

Dahil sa tanong niya ay agad akong lumapit sa kanya, tila bumalik ako sa'king sarili. “Sir! Sir! 'Yong lalaking itim! Nandito!”

“What? Lalaking itim? Are you kidding me? Walang lalaking itim dito.” nayayamot nitong sabi sa'kin. Akala niya siguro ay nakikipagbiruan ako sa kanya at nagsisinungaling ako.

“Maniwala ka po kasi sa'kin! Nakita ko! 'Yong lalaking itim!”

Maya-maya ay napatingin ako sa anino niya. And that, the realization hit me. Ang anino ni Sir ay kaparehas sa aninong nakita ko kanina. “Ikaw? Ikaw si lalaking itim!” hindi ako makapaniwala! Ang kinatatakutan ng lahat ay ang anino ni Sir? How stupid!

“Tss. Uuwi na ako. Masasaradohan ka kung hindi ka rin uuwi ngayon.” 'yan na lang ang sinabi niya sa'kin bago niya ako tinalikuran.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Grabe, kahihiyan 'yon! Bakit kasi nagpaniwala ako tungkol sa lalaking itim na 'yon, eh. Napapala ko tuloy.

Sinave ko muna ang mga nareport ko sa isang folder bago ko patayin ang computer. Inayos ko rin muna ang aking mga gamit bago naglakad palabas ng building na ito. Nang makalabas na ako ay binati ko ng ‘good night’ si Manong. Paglabas din ay umakting ako na parang walang nangyari sa'kin na kahihiyan kanina.

Pero napatigil ako ng may nakita akong hindi kaaya-aya. Ang puso ko ay kumirot na, nangingilid na rin bigla ang luha ko. Ang hakbang na aking nagawa ay parang pangzombie na, nanghihina ako sa'king nakikita. Nang makalapit ako sa kanila ay nagsalita na ako. “Sana naman ininform niyo ako.” wika ko sa garalgal na boses.

Napatigil sila sa paghahalikan nang marinig ako. Gulat na gulat na humarap sa'kin ang boyfriend ko at ang babaeng kahalikan naman nito ay dali-daling lumayo.

“Ali,” he called my name in a tone that I don't even like, wala ng talab sa'kin ang boses niyang sweet.

“Matagal mo na ba akong niloloko?” pagtatanong ko. “Sino ang babaeng 'yan, ah? Bakit mo nagawa 'to sa'kin Dave?” ang sakit, kainis! “Bakit!?” hinampas ko siya bigla sa kanyang dibdib. Nang hindi ako makuntento ay bumwelo ako at sinapak ko siya sa kanyang mukha. “Break na tayo!” 'yan ang huli kong sabi sa kanya bago siya iwan do'n. Hindi ko na siya pinaexplain pa, para sa'n pa, 'di ba? Nahuli ko naman na! Ni hindi niya nga ako hinabol pero wala na akong pakialam, manloloko siya!

Akala ko magtatagal kami, akala ko ay malapit na akong maikasal pero akala ko lang pala 'yon! He's a cheater! Nakakatuwa dahil sa edad kong 'to ay naloko ako and it really hurts, ang magmahal ng ganito!

Dahil sa frustration ay napagdesisyunan ko nang pumunta sa isang sikat na bar. Pagpunta ro'n ay bumungad sa'kin agad ang ingay at napahawak ako sa'king ilong nang buksan no'ng guard ang pinto, ang baho, eh. Puro amoy ng alak, nakakasuka. Pero ito lang ang naisip kong makakatulong sa problema kong 'to at kahit first time ko, kakayanin ko.

Nakaya ko ngang masaktan ngayon eh, ang pag-inom pa kaya ng alak?

“Good eve, Ma'am.” pagbati sa akin ng Guard. Habang hawak-hawak ko pa rin ang aking ilong ay ngumiti ako sa kanya.

“Mukhang ngayon lang kayo nakapunta rito, ah?” pagtatanong nito sa'kin. Napipilitan kong tinanggal ang pagkakahawak sa'king ilong para makapagsalita nang maayos.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon