"Ria... hindi mo tinanong kung anong klaseng 'sick' ang tinutukoy niya.." kinindatan ako ni Cesia.

"Anong ibig nyong sabi-" napatigil ako. "are you... homesick?"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Cesia. "lovesick, Ria. Lovesick." bulong niya sa'kin.

My eyes widened. Pero tumango rin ako. "Hmm.. nababaguhan pa siguro yang katawan mo sa feeling..."

"sabi ko sa'yo Kara.. kaya ka nagkakaganyan kasi ang tigas mo. Hindi ka kasi open para sa pagmamahal eh. Tignan mo kung anong nangyayari sa'yo.." napailing si Cesia.

Di ko maiwasang mapangiti. The tables have turned dahil supposed to be, si Kara ang nagbibigay ng lectures sa'min. Ngayon, hinahayaan niya kaming pagsabihan siya. Kung bakit nagkakaganyan siya.

Nagulat nalang kami nang biglang sumulpot si Dio. "bakit? ano bang nangyayari sa kanya?" tinignan ko siya na may bitbit na junk foods.

"Oh Gods." nagtinginan lang kami ni Cesia and before I know it, we burst out laughing.

•••

"Thea.. sa'n ka galing?" tinawag ko si Thea na late nang umuwi sa doem. May dala siyang plastic bags.

"Umm.. may pinabili kasi si Seht eh. Sabi niya masama daw yung pakiramdam niya kaya bumili na rin ako ng comfort foods.." sagot niya pagkatapos isarado yung pinto.

Siningkit ko ang mga mata ko. Wala naman akong nakikitang ice cream so I just shrugged it off.

Nasa sala ako rewatching this cartoon named Spongebob. Wala na kasi yung signal. Buti nalang at andaming DVD's namin.

"R-ria.." Mayamaya, kinalabit ako ni Thea na tila namumutla. "Si Seht..." halatang kinakabahan siya.

Rumesponde kaagad ako at tumayo. "Bakit?"

Tumango siya at sinamahan ako papunta sa kwarto ni Seht. Dun ko natagpuan si Seht na nanginginig sa ilalim ng makapal na kumot.

Lumapit ako sa kanya para sana tignan ang kondisyon niya kaso hinarangan ako ni Thea. "Nakakapaso yung balat niya Ria... ang init init niya... kulang nalang magliliyab yung katawan niya... Ria..."

"Ginising mo na ba siya?" tanong ko. Tumango siya at napalunok. "ang sabi niya masakit daw yung ulo niya..."

And just as I heard Seht's low cries of pain, kumatok si Cesia sa pinto at binuksan ito. "Nagising ako sa ingay ng heartbeats nyo.. May nangyari ba?"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kondisyon ni Seht.

"Cesia.. gisingin mo yung iba. Dapat nating mahatid si Seht sa clinic ngayon na!" I felt bad dahil sinigawan ko si Cesia pero alam kong makakaintindi naman siya.

I looked at the struggling Seht.

Heck. How can we even transfer him if no one can touch him. Unti-unti na ngang nangitim yung mattress na kinahihigaan niya. Pati yung kumot na nakabalot sa kanya.

"What happened?"

"Anong nangyari?"

"Ria?"

sunod-sunod silang pumasok pagkatapos gisingin ni Cesia.

"Seht is literally burning right now. Ewan ko nalang kung paano natin siya madadala sa clinic..." I gave them a frustrated look.

"Dio. Fill the tub with water. We'll use it." utos ni Kara. Before I could think about what she was planning to do, nakita ko nalang kung paano nag iba ang kulay ng mga mata ni Kara saka inangat ang tub na may lamang tubig.

"Push him into the tub." tumango kami at sinunod ang sinabi niya.

Tinulak namin si Seht sa tub. Nagulat kami nang umusok ang katawan niya pagkatapos magkaroon ng contact sa tubig. And his body is still creating steam inside the tub. How the hell.

My eyes shifted to his bed which looked like a section of it was burnt to crisp.

"We'll have to push the tub now."  sabi niya, hindi pa rin bumabalik ang dating kulay ng mga mata niya.

Because of Kara's strength, nailabas namin ang tub in no time. The clinic is a little bit far for a walking distance pero full force naman kami so I'm sure we'll be able to deliver Seht to the clinic in just a few minutes.

Midway there, however, biglang tumigil si Cesia kaya napatigil rin kami. Nakita ko ang eskpresyon sa mga mata niya. She was radiating fear to the point na pati kami natakot kahit wala kaming dahilan para matakot.

"what is it?" I asked.

Napalunok siya bago magsalita. "wala akong naririnig na heartbeats mula sa kanya..."

Napanganga ako. Completely stunned as if isang dosenang kutsilyo ang bumaon sa dibdib ko.

Hindi maaari.

Hindi maaari...

"P-paano?" I stood with disbelief. HINDI PWEDENG MAMATAY SI SEHT NG GANITO LANG.

WHAT THE FUCK.

Dahan-dahang lumapit si Thea kay Cesia. "Hindi p-pwede... Cesia..." tila hindi pa rin naniniwala.

Pero sapat na ang emosyon na ipinapakita ni Cesia para maniwala kami. At pakiramdam ko, any second now, mahihimatay siya. Namumutla kasi siya. Her skin is pale as ever.

Trev suddenly grabbed Seht's limp arm. He was searching a spot on his dead comrade's wrist. Buti nalang at kinuha ni Cesia ang kamay niya. She guided Trev's hand to a part of Seht's wrist which I believe, is where some particular nerves are located.

Saka ko nakita ang maliliit na spark na tumakbo sa balat ni Seht mula sa kamay ni Trev. Perhaps spreading to his body.

Then I realized.

Shocks. Trev was giving shocks.

Cesia blinked several times bago magsalita ulit. "Trev. Naririnig ko na... pero mahina.. pero naririnig ko na nga."

"Good." puna ni Kara bago itulak ulit ang tub. "I was fucking losing my shit." she mumbled.

I must say, that was appropriate for her to curse for the first time in forever. Sino ba namang hindi mababaliw sa sitwasyong 'to.

We were FUCKING LOSING OUR SHIT!

Narinig ko ang mahinang tawa ni Chase. "Shut the fuck up Chase."

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now