Chapter 54

8.2K 224 8
                                    

Rome unbuttoned three buttons on his custome. Halata ngang mainit iyun kahit na malamig ang hangin sa labas. Pagkatapos ng serenade kanina ay niyaya niya akong maglakad-lakad lang muna sa beach. Nang mapagod ay naupo kami sa buhanginan.

"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" He glanced at me.

"Alangan namang maghubad ako sa harap mo. Baka sermonan mo na naman ako."

He laughed, "Sana pala nagbihis muna tayo."

"Hayaan mo na," I stretched my legs in my gown. Malaking ginhawa iyun sa akin. I glanced at him and smiled. "Iyung kanta..."

"Hmm?"

"Gusto ko,"

He smiled, "Para talaga iyun sayo."

"Para sa atin," I corrected him.

"Ilang years ang inabot mo bago mo ma-realized na para sayo talaga iyun?"

"Actually, ngayon lang. Ngayon ko lang kasi ulit iyun narinig. Noon kasing kinanta mo iyun ay akala ko favorite iyun ni tita Cathy." I chuckled. "Pasensiya na 'di ko pa kasi tanggap ang kamanhidan ko noon." Nag-peace sign ako sa kanya. "Kaya iisipin ko talaga na mahilig si Tita sa mga pang-teens na kanta na may meaning."

"Kahit ba minsan 'di mo nahalatang manhid ka?"

"Kung mahahalata ko iyun sana napansin ko agad na gusto mo ako, diba? Manhid talaga ako. Kaya nang maalala ko iyung moment na nanonood ako ng Special A kasama mo. As in... naisip ko na parang ang galing-galing ko tapos ako din pala manhid. Kaya alam ko na ang nasa isip mo noong time na iyun."

"Ano?"

"Gustong-gusto mo na rin akong ipakain sa dinasour ng mga oras na iyun," I chuckled.

He laughed, "Ang manhid mo naman kasi."

"Oo nga,"

"Kumusta naman iyung contest mo? Itinuloy mo parin ba?"

I puffed my cheeks, "Itinuloy ko naman... kaya lang first placer lang ako. Hindi yata nagustuhan ang theme ng isinulat ko. Ang daya!"

"Sabi ko naman sayo, magaling ka. Bakit ano bang isinulat mo?"

"Nakakapanot Ang Pag-aaral ni Julie Capulet." Bigla akong natawa.

"Huh?"

"Eh sabi nila about studying at dapat unique." Nakangiting reason out ko sa kanya. "Kaya hayun ang naisip ko. Kung walang judges at votes lang sa official website ng competition na iyun mananalo na sana ako. Alam mo bang umabot ng 100 K ang votes ko. Kaso malaki kasi ang percent kapag mataas ang ibinigay na score ng judge. Kaya nanalo iyung taga Oaks Academy."

"Kahit kailan napaka-weird ng mga imaginations mo."

"Eh ano? Madami namang naka-relate. Kaya masaya parin."

"Point taken,"

"Ikaw, paano ka naging doctor? Sabi mo sa akin imposible iyung mangyari dahil sa lola mo?"

"She agreed..."

"Agad-agad?"

He nodded."Besides, Grandma owns a lot of hospitals in Europe and in Italy. He must have heard me saying I wanted to be a doctor someday. Close kasi kami ni Lola noong bata pa ako. Noong hindi ko pa alam na hindi niya pala gusto si Mom para kay Dad." Nang tumingin ako sa kanya malayo ang tingin niya.

I reached for his hand kaya napatingin siya sa akin.

"Masaya ako dahil natupad mo talaga ang gusto mo." He smiled. "Ay ang drama! Hindi ako sanay sa mga ganitong serious drama."

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon