Chapter 44

12K 237 20
                                    

Itiniklop ko ang dalawang tuhod palapit sa dibdib ko at niyakap iyun. Isinubsob ko naman ang mukha doon at umiyak. Grabeh naman… napakawalang puso talaga! Hindi ko talaga mapigilang maiyak eh. Kanina pa ako at mukhang bugbog sarado na naman itong mga mata ko.

“Umiiyak ka ba Julieta?” Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. “I’m sorry.”

Inaangat ko ng konti ang mukha para makita siya. “Hindi mo naman kasalanan kung bakit namatay ang tatay ni Park Shin Hye. Bakit nagso-sorry ka?” Kanina pa kasi ako pinapaiyak ng palabas na ito eh. Ang sakit sa dibdib!

Kumunot lang tuloy ang noo niya sa akin. “Hindi ka umiiyak dahil sa ginawa ko kanina?”

Umiling ako sa kanya. “Naka move on na ako doon at saka naisip ko na tama ka. Dapat magpasalamat ako sayo dahil tinulungan at inalagaan mo ako.” Ngumiti ako sa kanya. “May tissue ka ba?”

“Wala,” pinahid ko nalang iyung mga luha ko gamit ng manggas ng long sleeve na pinasuot niya sa akin. “Wait,” hinawakan niya ako sa magkabilang braso. He gently wiped the tears away on my face with his thumb. “Akala ko naman umiiyak ka dahil…”

“Dahil?”

Tinignan niya ako sa mata. “Dahil sa ginawa ko sayo –“

“Noon o kanina?” He rolled his eye bago niya tinampal ang noo ko. “Ouch! Bakit mo iyun ginawa?”

“Kung gusto mong kausapin kita ng matino umayos ka.”

“Ano bang ginagawa ko?”

Ang ugali ng isang ito ang sarap plantsahin at nang tumino. Madilim na sa labas nang lumabas ako sa kwarto kanina. Nanoood nalang ako ng movie sa sala nang makakita ako ng isang DVD na nakakalat lang. Akala ko pa naman ‘di ako iiyak sa palabas na iyun kasi ‘di naman pang-drama ang cover. Naloko yata ako sa cover ng Miracle in Cell No. 7. Sakit talaga ng simula hanggang ending. Napabuntong hininga ako. 'Di ko karey!

“Na miss ko bigla si Papa.” Inabot niya sa akin ang cellphone niya. “Ano namang gagawin ko diyan?”

“Call him,” sumulyap siya sa akin. “Nami-miss mo siya diba?”

Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone at e-denial ang numero sa bahay. Peru nakailang ulit na ako peru wala namang sumasagot. Nanlumo naman ako at ibinalik nalang iyung cellphone sa kanya.

“Anong oras na ba?” Tanong ko.

“Alas dos na ng umaaga.”

“Alas dos na?!” Hinarap ko siya. “Bakit ‘di mo naman sinabi sa akin?! Tulog na sila Papa ngayon. Aish! Baliw ka talaga Rome.”

“Nagtanong ka ba?”

Inismiran ko lang siya, “May pa call him, call him ka pa. Asar!”

“At least nag-effort akong pagaanin ang nararamdaman mo.”

Effort my foot! Lagi mo ngang pinabibigat ang nararamdaman ko. Parang uminit bigla ang bumbunan ko sa inis sa kanya. Matalim na tinignan ko lang talaga siya kahit na nakatuon sa TV ang mga mata niya. Mamatay ka sa tingin!

“Staring is rude Julieta.”

“Alam mo bang nagsisimula na akong maasar sayo?” He glanced at me. “Tumanda ka lang peru ‘di naman nagbago ang ugali mo.”

“Hindi pa ako matanda!”

“Matanda ka na!”

“Isang taon lang ang tanda ko sayo.” Nagsubukan kami ng tingin. Ilang seconds din iyun peru ‘di niya kinaya. Sumuko ang bruho. “Suko na ako! You haven’t changed much Julieta.”

“Ang dali mo namang sumuko.”

“Walang basagan ng trip.”

“Hmp!”

Isang minuto yatang walang nagsalita sa aming dalawa. Madilim iyung paligid at tanging iyung ilaw lang na nagmumula sa screen ng TV ang nagbibigay liwanag. Napansin kong malalim ang iniisip ni Rome. Hindi na kasi nakatuon ang mata niya sa TV. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

“Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong mas gugustuhing magsinungaling para maprotekhan ang mahal nila?” Basag ko sa katahimikan.

Kung tutuosin ay kapag sinabi ng tatay ni Park Shin Hye ang katotohanan at hindi nagpadala sa banta ng Major ay mapo-protekahan parin niya naman ang anak niya. Hindi lang siya kundi pati ang mga kaibigan niya sa selda at ang police. Kapag nakalabas siya ay maari niya namang humingi ng tulong.

Siguro nga makapangyarihan ang Major na iyun at naisip niyang wala siyang magagawa kung makakalaya siya para maprotektahan ang anak niya. Peru kahit nga sa selda ay nagawa nga niyang itago ang anak para ‘di iyun makita ng warden. Hindi naman siguro imposible para sa kanya ang maprotektahan ang anak sa kabila ng mental disability niya.

“Maybe because… they don’t want them to suffer. Mas pipiliin nilang masaktan huwag lang ang taong mahal na mahal nila.” Sagot niya sa akin.

“Hindi ba iyun unfair? Hindi lang naman sila ang nagdudusa at nasasaktan. Oo nga… ginawa nila iyun para ma protektahan ang taong mahal nila. Diba, kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat matakot. Kasi kapag natakot ka… ‘di iyun pagmamahal.”

“Depende sa sitwasyon. Maraming klase ng takot. Takot sa hinaharap… takot na baka may gumawa ng masama sa kanya… takot na mawala siya…”

“Bakit ka ba matatakot?” Tinignan ko siya sa mata.

“Hindi ka ba matatakot?”

“Bakit ako matatakot kung kaya ko namang protektahan ang taong mahal ko.”

****

Pagkatapos niyang sabihin iyun sa akin ay nakatulog na siya. Napagod yata sa kakaiyak sa palabas. Napangiti naman ako. Kahit kailan lagi talagang affected ang isang ito sa mga pinapanood niya. Hindi ka parin talaga nagbabago Julieta.

Kinarga ko siya hanggang sa kwarto at maingat na inihiga sa dati niyang kama. Itinaas ko hanggang dibdib ang kumot para hindi siya ginawin. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang mukha niya.

“Siguro nga ay ‘di kita kayang protektahan Julieta,” hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. “Pasensiya ka na kung hindi na kita pwedeng mahalin pa.” Inayos kong muli ang higaan niya bago siya iniwan sa kwarto.

Bumaba ako sa kusina at kumuha ng maiinum bago naupo sa stool ng maliit na bar doon. Nagsalin ako ng Brandy sa baso at sinaid iyun agad. The taste of liquor burned my throat. Pabagsak ko namang inilapag ang baso.

Looking around, memories flashed like pictures in my mind. Those sweet moments and arguments we had in this house.

Hindi ko alam kung bakit pinilit ko ang mga magulang ko na huwag ipagbili ang bahay. I just don’t like the thought… na may titirang iba sa bahay na ito. That’s why sinabi ko sa kanila na bibilhin ko ang bahay huwag lang nilang ibenta iyun.

Napangiti ako ng mapait at nagsalin ulit ng brandy sa baso. “Rome?” I raised the glass and stared at it. “You’re one hell of a jerk.” Saka iyun sinaid.

Sampung taon na ang lumipas peru bakit ‘di ko parin magawang kalimutan ang pagmamahal ko sayo Julieta?

Ano ba ang dapat kong gawin?

Sinubukan kong magmahal ulit ng ibang babae. I did, and it was okay. Peru bakit ngayong bumalik ka sa buhay ko ay nararamdaman ko na naman ito?

I don’t want to hurt Josephine… peru hindi na kita pwedeng mahalin pa ulit.

I leaned my elbows on the counter and clasped my hands at the back of my head. I felt terrible! Damn it! Bakit ba wala akong maisip na paraan para layuan ako ni Julieta?

Ayoko na siyang saktan pa?

Paano ko naman iyun magagawa kung sa bawat araw na hindi ko siya nakikita ay hinahanap ko naman siya?

Pinapaasa ko lang ba si Josephine?

“Hindi ko na alam…”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon