Chapter 24

12.6K 270 12
                                    

"Baby Sungit!" Nagulat nalang ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod. "Sungit good morning." Pinanggigilan niya pa akong yakapin. Pagtingin ko ay si Rome lang pala. Bigla naman akong napangiti.

"Hoy! Anong baby sungit?" Sinubukan kong tanggalin iyung mga kamay niyang nakapuloput sa bewang ko peru inikot lang niya ako habang yakap-yakap parin ako. "Ako ba yung tinutukoy mong baby na masungit?" I squinted my eyes at him. "Anong pauso ito Rome?"

"I'm actually doing you a favor. Diba sabi mong magpanggap akong boyfriend mo? Heto na ako. The Rome boyfriend at your service."

"Bakit karer na karer mo naman yata?"

"You know, I'm good at acting. Malay mo naman baka may halong malisya itong ginagawa ko?" He winked and messed my hair. "Cute ng Baby Sungit ko."

Wait, sabi niya baka may halong malisya? Baka hint iyun na may gusto siya sa akin. Ano ba dapat ang reaction ko? Ewan ko, para kasing kinikilig ako na may gusto pala si Rome sa akin. Eyy, bakit ganito?!

"At ikaw Baby Kulit masyadong makulit." I pinched his cheeks. "Kulit!"

"Wow! Baby Kulit ang tawag mo sa akin? Bakit kinikilig ako?"

"Baliw! Hindi bagay sa lalaki ang kiligin. Kadiri mo ah."

"Ang totoong lalaki hindi mahihiyang kiligin sa harap ng mahal niya."

"Alam mo maniniwala talaga ako sayo na mahal mo ko at hindi lang ito kalokohan mo."

"Pwede rin, pwede ring hindi."

"Rome?"

"Julie?" Napatingin kami ni Rome doon sa nagsalita. Si Zell. "Julie pwede ba tayong mag-usap?" Tumingin ako kay Rome.

Rome raised his hand, "Pwedeng maki-join?"

"Can we talk alone Julie?"

Rome leaned his face to me. "Sige na, makipag-usap ka na sa pers love mo at gusto ka daw niyang ma solo saglit." Binibigay ako tapos nakasimangot naman.

"Bakit feeling ko bitter ka?"

"Hindi noh, sige na."

"Labas nalang tayo mamaya pagkatapos." I winked at him and his face lightens up. I have a feeling may gusto talaga siya sa akin. "Your treat."

"I like that," he pushed me towards Zell. "Huwag ninyong habaan ang pag-uusap ha. Madali kasi akong ma bore kapag wala sa tabi ko ang pinakamamahal kong Sungit." Umalis na si Rome at pumasok na sa bahay.

Ngayon kami nalang ni Zell. Amazing na hindi na masyadong bitter ang puso ko kapag nakikita ko siya. Hindi gaya noong dati na umiiyak ako sa kwarto. Siguro nga malaki ang naitulong sa akin ng Baby Kulit ko. Ansabee sa pag-karer ko sa tawagan namin?

"Ano bang sasabihin mo Zell?"

"Gusto ko lang humingi ng patawad sa nagawa ko sayo noon Julie."

"It's okay, matagal naman na iyun at nakalimutan ko na."

"Hindi mo na ba ako mahal Julie?" Lumapit siya sa akin.

"Zell, ano kasi, minahal kita noon peru sinaktan mo lang ako. Hindi ko alam kung bakit mo nagawa iyun sa akin peru nasaktan talaga ako. I didn't expect those words from you. You know that I spent my time writing that story para lang masabi sayo ang nararamdaman ko sayo, but you hurt me. Pinahiya mo ako sa mga tao at ang sakit nun para sa akin."

Kung noon ay naiiyak ako kapag naalala ko iyun, ngayon ay hindi na. Pwede na siguro akong magpatawad at kalimutan na ang lahat. Humingi lang naman ako ng favor kay Rome para isipin ni Zell na naka move on na ako. Peru hindi ko na pala kailangan iyun dahil nakalaya na ako sa nakaraan ko dahil sa kanya.

Inabot ko ang kamay niya.

"Zell sorry, peru iba na ang mahal ko ngayon."

Yumuko siya, "I know I'm late. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko sinasadyang maiwala ko ang ibinigay mo sa akin."

Naiwala niya? "Anong naiwala mo?"

"Naiwala ko yung ibinigay mo sa akin. Ang totoo niyan ay hindi ko talaga alam na mahal mo ako noon. I accidentally left it in your house nang hinatid kita sa inyo. Peru nang balikan ko iyun akala ko iyun parin ang ibinigay mo sa akin."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Nagalit ako sayo dahil nasaktan ako sa isinulat mo doon. Hindi ko akalain na ganoon pala kaliit ang tingin mo sa akin. Oo Julie, hindi kami kasing yaman ninyo peru kahit papaano ay hindi naman yaman ang dahilan kong bakit ako nakipagkaibigan sayo."

"A-Ano? Wala naman akong isinulat na ganoon."

"Kaya nga nagulat ako nang kumalat yung sinasabi mong notebook. Hindi na ako nakahingi sayo ng sorry dahil 'di ka na bumalik dito sa atin."

"Zell? H-Hindi ko alam," Wala akong masabi. Hindi ko alam na may kumuha nung binigay ko sa kanya. "I don't know what to say."

"Don't worry Julie, sabi mo nga ay nakaraan na iyun. At least ngayon alam na natin ang totoo. Masaya ako para sa inyo ni Rome." He smiled. "Can we be friends again?"

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya, "I'm sorry Zell. I didn't know."

"Peru gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita. Iyun yung bagay na hindi ko pa nasasabi sayo. Nandito lang ako para sayo Julie."

"Thanks Zell,"

"Nakikita kong mahal na mahal ka ni Rome."

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon