Friend-zoned

582 17 12
                                    

Bakit BESTFRIEND KO PA?

Hindi ba pwedeng IBA na lang?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Jasmine. At si Josh ang bestfriend ko simula pagkabata. Lagi ko siyang kasama, kalaro. Halos kami lang ang laging nag-uusap na para bang wala nang iba pang pwedeng maging kaibigan. Hindi kami mapaghiwalay. Pati ang school na pinapasukan namin, parehas lang. Kami ay kasalukuyang 3rd year highschool ngayon at magkaklase. Siyempre, bestfriends pa rin.

Simpleng babae lang ako. Hindi naman nerd or weirdo. Mabait at friendly rin ako, sadyang mas komportable lang akong kasama si Josh.

"Booyah!" Panggugulat ko sa aking bestfriend. Well, nasa cafeteria siya. Nandun nakatunganga.

Hindi ako pinansin ni Josh na para bang kanina pa hindi mapakali.

"Oh, anyare sayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi naman eh, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko kasi ligawan si Lianne, hindi ko naman alam kung paano." Sabi ni Josh na para bang sobrang laki ng problema.

"Ahh, kaya mo yan." Simpleng sagot ko dahil may gusto ako sa bestfriend ko pero hindi ko lang masabi. Mahirap eh. <///3

"Oh, kanina lang ang saya mo. Bakit bigla kang sumimangot diyan? Bestfriend, selos ka?" Pagbibirong tanong ni Josh at sabay tumawa.

"Tss, sige cr lang ako." Sabi ko at tumayo na.

Dumiretso na ko sa cr.

Ewan ko pero nung sinabi ni Josh na gusto niyang ligawan si Lianne? Ang sakit. Minsan naiisip ko, bakit ba napaka-manhid niya? Bakit ba hindi niya maramdamang andito lang ako? Bakit kailangan niya pang ipagpilitan ang sarili niya sa babaeng hindi naman siya gusto kung nandito lang naman ako? Kailangan ba lagi friends lang? Hanggang bestfriends na lang ba talaga kami? Di na ba pwedeng magbago yun? Ang sakit isipin na BESTFRIEND FOREVER lang ako para sa kanya, samantalang ako nagpapantasya na mahal niya rin ako at umaasang magiging kami balang araw. <////3

 Mahirap at masakit man, pero hindi ko naman kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

Kung gusto niya talaga si Lianne, wala na akong magagawa pa. <///3

Bigla na lang nagbagsakan ang mga luha ko. ;((((

Hindi ko na napigilan. Sobra lang kasi. Sana man lang di ba napansin niyang mahal ko siya? Na gusto ko siya. Ang tagal na namin magkakilala pero di niya ba man lang nararamdaman yun? WTH?!!

Lumabas na ako. Wala nang tao. Class hours na kasi ulit. Hindi man lang ako hinintay ni Josh. :(

Hindi na muna ako papasok sa next class. Mugto pa ang mata ko. Umupo na lang muna ako dun sa may bench, at naiyak ulit ako. TT_________TT

May biglang humawak sa balikat ko. Nagpunas agad ako ng luha ko.

"Bakit nandito ka? Di ba klase na?" Sabi ni Enrique.

Siya yung classmate ko simula grade 5. Friends rin kami niyan, inamin niya na rin sa akin na crush niya ko. =) Pero tinanggap niya namang wala akong feelings para sa kanya. Minsan awkward pero nagiging ok naman na ulit ang lahat.

"Bakit? Classmates naman tayo ah? Ikaw? Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita kasi kita dito. Tapos parang ang lungkot, umiiyak ka pa nga eh. Anong problema?" Concerned na tanong niya. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang siya ang nagustuhan ko eh. E di sana wala nang problema di ba? Gwapo, mabait, matalino naman siya. Pero wala talaga eh, alangan namang pilitin ko yung sarili kong magustuhan siya? Mahirap yun!

One-Shot stories. &lt;333Where stories live. Discover now