Hawak-hawak ang dibdib ko, sumandal ako sa generator. Letseng satyr na'to. Binibigyan ako ng atake sa puso!

Dumaan ang isang minuto at bumalik na rin ang hangin sa sistema ko. "Ba't ba ang lasinggero nyong mga satyrs." puna ko.

Uminom muna siya bago sumagot. "H-hahahehe.. nasa lahi na namin 'yan The-" hindi pa nga niya matapos ang pangalan ko at bumagsak na naman siya sa sahig. Napailing nalang ako.

Tinanggal ko ang suot kong jacket at ginamit ito para gawing unan ni Bo.

Dumaan ang ilang oras ng paglilinis at natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng painting ng isang babae.

Tila may mga kaluluwa na lumabas sa container na bitbit niya.

Naalala ko'to. Siya ang pinakaunang babae dito sa mundo. Medyo tragic nga yung story ni Pandora eh.

Paki ko ba?

Dinaanan ko lang yung painting saka nagpatuloy sa paglilinis. Inayos ko na lahat ng shelves... katatapos ko lang ring mag mop sa sahig.

Napadako ang mga mata ko kay Bo na tulog pa rin hanggang ngayon. Rinig na rinig ko pa nga ang paghihilik niya.

Isinantabi ko ang paghihilik ni Bo dahil may narinig akong ingay na nagmula ata sa malaking painting ni Pandora. Bumalik ako para suriin ito.


"Ba't ba ang laki ng painting na'to..." bulong ko sa sarili ko.

Tumigil ang mga mata ko sa metallic bull figure na nasa ibabang bahagi ng frame. Para siyang metal statue ng toro na idinikit sa ibaba ng painting.

"Ah.. the Brazen Bull..." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Bo sa tabi ko.

"Brazen Bull?" ngayon ko lang narinig yan.

"It is a device used in Ancient Greece to torture criminals. Imagine mo nalang... isang life-size na bull.. gawa sa bronse. Pinapasok nila ang tao sa loob. Saka ikakandado para hindi makalabas..." nakasingkit ang mga mata niya.

Torture Device...

"Pagkatapos, sa ilalim ng toro, gagawa sila ng apoy... isang malaking apoy sa ilalim ng nakakaawang nilalang na nasa loob... boom! roasted!" kinaway-kaway ng satyr ang flask niyang nakabukas at may nalalaglag na kaunting alak mula dito.

"Literal. Maririnig mo ang iyak at sigaw ng tao mula sa loob na nagmimistulang tunog ng isang toro." umiiling-iling siya.

"Nga pala... una na'ko. May bagong release daw ang mga aurai. Anong tawag dun? Telekila? Yung inumin-"

"Tequila." natatawa kong sabi.

Tumango siya bago lumabas at iwanan ako na mag-isa sa harap ng painting na'to.

Tinitigan ko ang bull...

May maitim na bahid sa ilalim na bahagi ng tiyan niya. Ito yung marka na iniiwan ng apoy sa metal...

Hmmm...

Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko.

Tinignan ko ang daliri kong nag-aapoy saka ko ito tinapat sa tiyan ng brazen bull na tinutukoy ni Bo.

Lumabas ang usok mula sa ilong ng toro. Naghugis tali muna ito bago pumasok sa likod ng painting.

Nakarinig ako ng ilang clicks.

Napaatras ako nang bumukas ang bahagi ng pader na nasa tabi ng painting. Isang secret room?

Ginamit ko ang apoy sa kamay ko para magkaroon ng ilaw pagpasok ko sa loob.

Isang maliit na kwarto... nabibilang lang ang mga kagamitan dito..

Kinuha ko ang kandila at sinindihan ito. Binalik ko ito sa mesa at dun ko nakita ang picture frame na katabi ng kandila.


Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang dalawang babae na nasa litrato.

Napalunok ako at tinignan ang kabuuan ng silid.

May wine glass at clay figure na nakapatong sa mesa.. maliban nalang sa picture frame. May upuan rin. Sa sulok ay ang bookshelf na puno ng mga libro.

Bumalik ang atensyon ko sa litrato.

Isang dalaga ang nakangiti... bitbit ang isang sanggol... kusang tumulo ang luha ko dahil kilalang-kilala ko kung sino ang nasa larawan. Bumigat rin ang pakiramdam ko kaya umupo ako sa upuan.

Si mama...

at ang batang 'yan.. walang iba kundi ako.

Ngayong nakita ko ulit ang mukha niya... bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko nang mawala siya.

Umiyak ako.

Dahil nakikita ko ang ngiti niya sa litrato. Ngiti na alam kong hinding-hindi ko na makikita.

•••

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

Kmunot ang noo ko nang tignan ang bagay na hawak-hawak ko ngayon.

Yung picture namin.

Inangat ko ang ulo ko at napagtantong nakatulog ako sa kwarto na nadiskubre ko kanina lang.

Huminga ako ng malalim bago mapagdesisyunang bumalik na sa dorm.

Alpha OmegaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang