"Nais ko ring magpasalamat sa pagtulong mo noon sakin kung ano ang magandang ibigay kay Corazon."

Naibalik ko ang tingin sa kanya, "Ano bang ireregalo mo?"

Ngumiti siya at kinuha ang kahong nasa tabi at ipinatong sa kanyang hita. He removed the silky laced cloth by untying it, revealing an antique wooden box. He opened it and my eyes widen in awe. Inside the box were paintbrushes in different sizes placed on top of a velvet cloth. Each paintbrush had white bristles which was clamped together by a silver ferrule. Ang hawakan nito ay gawa sa pinakintab na kahoy. The brand of the paintbrush was carved in the handle near the ferrule. It looked expensive.

"Mga kagamitan pagpinta."

"Woah."

"Matagal ko na itong binili. Noong una ko itong nakita sa isang tindahan noong ako'y nasa Inglatera pa, si Corazon agad ang aking naalala. Naalala ko ang hilig nito sa pagpinta at pagguhit kaga agad ko itong binili. Ngunit hindi ko ito naibigay sa kanya agad dahil nahihiya ako," he said as he ran his finger on one of the brushes. "Nais kong matupad niya ang mga pangarap niya. Sa tingin mo magugustuhan niya ito?"

This era has a lot of good guys. Makakahanap ka pa kaya sa twentieth century ng lalaking susuportahan ka para matupad ang mga pangarap mo?

I gently tapped his back. "Magugustuhan niya ito. Trust me," I said with a smile on my face as a reassurance.

"Alam mo, mabuti kang tao," he blurted out of nowhere.

I chuckled, "You're the first person to ever tell me that."

"Mabuti ka naman talagang tao. Kahit na minsan nakakatakot ang katapangang iyong taglay," he stiffled a laugh. "Imposibleng hindi magkagusto si Antonio sayo."

Natigilan ako sa huling sinabi nito. My cheeks flushed, "A-ano?"

He looked at me, "Hindi ba't gusto mo siya? Unang beses pa lamang nating pagkikita ay alam ko ng may pagtingin ka sa aking kaibigan." 

"N-naintindihan mo talaga yun?" I asked with my eyes wide open.

He nodded saka napahawak sa kanyang baba. "Pero hindi ko maintindihan kung bakit mo siya tinawag na mainit? May lagnat ba nung mga panahong iyon si Antoni—"

"Oh my God, shut up!"

After that, nauna ng pumasok sakin si Santiago. Magtatanghali na nung napagdesisyunan kong bumalik ng bahay. Pagkarating ko sa sala ay wala na sila roon kaya dumiretso nalang ako sa silid namin ni Corazon. Pero pagkarating ko dun ay bumungad sakin si Corazon at Burandai na masayang nag-uusap. Burandai was smiling while listening to Corazon na para bang walang problema. I squinted my eyes. Indeed, she's a two-faced bitch. Kanina iiyak-iyak ngayon tatawa-tawa. Minsan talaga gusto ko ng isipin that this girl has some serious case of bipolar disorder.

Aalis na sana ako nang bigla akong tinawag ni Corazon, "Kristin!" Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Halika."

"Ah, hindi na Corazon. May kukunin lang ako," I said saka pumasok sa silid. Dumiretso agad ako sa vanity table at kinuha ang tali ko sa buhok.

"Hindi ka pa ba hinahanap ng pamilya mo, Kristin?" Lumingon ako kay Burandai nang nagsalita ito. She was wearing a mocking grin on her face.

Nagi-exist na pala sa panahong 'to ang mga biatch? Well, 'di ako nainform. Sumilay ang isang pekeng ngiti sa mga labi ko, "Pinapaalis mo na ba ko, Burandai? E ikaw? 'Di ka ba hinahanap sa inyo?"

Her expression changed. Namuo ang mga luha sa gilid ng mata nito. "N-nag-aalala lang naman ako para sayo," sagot nito sa boses na para bang nagpapaawa.

My Handsome KatipuneroWhere stories live. Discover now