#18 The Chut Thai

Start from the beginning
                                    

Ako naman kasi talaga yung mali. Immature ako. Sa tingin ko ako talaga yung kailangan magreach out sa kanya.

___________

After ko maligo, natagalan ako sa paghahanap ng isusuot.

Hindi ko alam kung anong relevance kung bakit detective attire ang gusto ko isuot ngayon.

There.

Black hoodie, black pants, black mask ang black aviator sunglasses. I am ready to go.

Pagbaba ko para magpaalam kay Ma, nagulat sya sa itsura ko.

"Lalabas ka? Hindi kaya ma-heat stroke ka sa suot mo na yan? Ang init-init sa labas tapos naka hoodie sweatshirt ka pa."

"Hindi yan Ma. Required 'tong OOTD ko sa gagawin ko ngayon. Sige Ma una na ko. Balik ako before dinner."

Napailing nalang si Ma sakin pero pumayag din naman sya.

Naglakad ako palabas ng subdivision at pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa paradahan ng mga tuktuk taxi.

Syempre hindi ako nagpababa ng sakto sa pila ng mga tuktuk taxi.

Medyo malayo 'tong pwesto ko para mag-spy kung andito si P'Kim.

Limipas yung 1 hour.

Walang bakas ni P'Kim akong nakita.

Pawisang singit lang yung inabot ko.

'Di bale na. Amoy baby naman daw yung pawis ko.

Bawat dumadating na tuktuk taxi para pumila excited ako. Umaasa ako na si P'Kim ang driver.

Ilang oras pa yung lumipas kaso wala talaga sya.

Hindi ako pwedeng magkamali. Dito pumipila si P'Kim. Nabanggit nya na sakin 'to dati.

Hindi ako susuko!!

Dapat ko din maranasan yung paghihintay na ginawa sakin ni P'Kim 2 weeks ago. Gagawin ko 'to show him na sincere ako sa pag reach out sa kanya.

Tama tama.

Palubog na yung araw pero kahit anino ni P'Kim hindi ko nakita.

Nagtanong na din ako sa isang driver at tinanong kung dito pumipila yung picture na pinakita ko.

Dito nga daw, pero hindi daw pumila ngayon si P'Kim ngayong araw.

Okay. May next time pa naman.

Sumakay na din ako sa tuktuk ni kuya at nagpahatid sa pinakamalapit na mall dito. Sa MBK center.

Gusto kong mapalamig at mag refresh.

Gusto ko uminom ng sobrang lamig na milk tea ngayon!

I need this.

Nadehydrate na ata ako sa pagpapawis buong maghapon dahil sa kakahintay kay P'Kim.

Habang otw sa mall, hinubad ko na din yung hoodie, mask at aviator shades ko.

Nakasando at black pants nalang ako ngayon. 'Di ko na uulitin mag suot ng ganun sa kalagitnaan ng summer.

Suicide. Ayoko na mag-spy with style.

Wala namang sense na magtago ako dahil magpapakita din ako pag nakita ko sya 'di ba ?

Sigh.

Hindi ganun katagal at dumating na din kami sa mall. Nagbayad ako at agad na ding bumaba.

Excited ako sa aircon ng mall!

How refreshing.

Naglakad na din ako at naghanap ng mabibilan ng super duper lamig na milk tea. Gusto ko 3/4 yung ice at 1/4 lang yun milk tea.

We Belong TogetherWhere stories live. Discover now