[11]

70 3 0
                                    

[11]

Kasalukuyang nakatayo si Elena sa pintuang kanyang nilabasan. Namumula ang mukha.Malamang. Sino ba namang hindi? Kung ikaw ang makakita ng dalawang tao na halos ibigay na ang sarili sa isa't isa. She slept with other guys, pero hindi pa din sya sanay makakita ng ganoong bagay. Nagkaganoon sya dahil kay Gabriel. Well, for that month na nagkasama sila, masasabi nyang nahal na nya si Nathan at hindi na umaasa kay Gabriel. If he's happy, she'll be happy too. Tama na ang pagpapakatanga. Iyan. 'yan ang nasa isip nya. Napangiti na lang sya sa iniisip nya. Hindi nya din namalayan na nasa kwarto na pala sya nila ni Nathan. Sleep over kumbaga. Sa bahay ni Janine.

Bigla na lamang may yumakap sa likod nya. Hindi na sya nagulat. Si Nate, ang mahal nya. Hindi nya alam kung gaano sya kaswerte sa lalaking ito.

Naamoy naman nya ang amoy ng alak sa lalaking nakayaap sa kanya. "Uminom ka ba?"

Hindi sumagot si Nathan pero naramdaman nya na may pumatak na tubig sa balikat nya. 'Is he crying?' Naitanong ng dalaga sa sarili nya.

"I'm sorry, Elena." Sabi ng binata kasabay ang paghalik sa kanyang balikat at pagtulo ng luha nito.

Hindi kumibo ang dalaga at nagantay na lang sa sunod na sasabihin nito. Natatakot sya. Dahil sa loob ng isang buwan, sya lang ang nahulog. "I like you, Elena. I even told you that before. But now, I am letting you go. Nagiging unfair naako. Ginagamit na kita. At ayokong masaktan ka. Ayokong mahulog ka saakin, dahil alam mong hindi kita kayang saluhin. Yes, sinubukan ko. Pero hindi ko kaya. Pasensya na." Hingi nya ng paumanhin dito. Pero ang dalaga ay nagumpisa nang mangilid ang luha. Masakit para sakanya.

Bago pa man sya humarap sa lalaki ay agad na nyang pinunasan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

"Para sa isang buwan, m-masyadong mabilis na minahal kita." Nakita nya ang pagkagulat sa mata ng binata. "Yes, Nate. I love you. I am not asking for you to love me back. Ang akin, sana ay maging masaya ka sa desisyon mo. Fight for Catherine, if that will make you happy." Hindi sya nagkamali. Umiiyak na sya, pero nagawa nya padimg ngumiti. Binigyan nya ng mabilis na halik sa labi ang binata at nagpaalam.

"Mahal ko parin si Elena. Nagkunwari ako. Masyado akong nasaktan nang malaman ko na ang nanay nya ang pumatay kay Mama." Nakatayo sya malapit sa isang vase sa may hagdanan ng marinig nya iyon. Nasanggi nya ang vase at napatingin sakanya si Gabriel at Rain.

Revenge of MineWhere stories live. Discover now