[4]

85 4 0
                                    

[4]
Janine's

Akala ko naman sasabihin nya nang "Janine, pano kung ikaw yung mahal ko?"
Nako, Janine. Assuming ka. Tsk. Oo. Naiinggit ako kay Andrea. Ex sya eh. Ang ganda nya din. Nalulungkot ako na nanghihinayang. Kaya tiningnan ko nalang yung mga pictures ko. Na halos puro sya. Sa totoo lang, palagi ko syang kinukuhanan ng picture.

Yup. I am inlove with my bestfriend. Si Sky. Hindi lang naman sya ang bestfriend ko. Si Brent pa, si Cath, Nathan basta mga kackose ni Sky. Pero mas si Brent. Sya kasi yung napaglalabasan ko ng sama ng loob. Sanggang dikit din sila ni Sky.

Oh, anyway. Ako nga pala si Janine Mae Hernandez, 19. Dakilang tagahanga at bestfriend ni Sky. Kakasabi ko lang kanina. Lol.

Wala naman akong magawa dapat pala sumama na lang ako kila Andrea. Magaalastres na din naman. Nakatulog kasi ako dto sa ilalim ng puno. Kaya naisipan kong sundan sila.

Nililibot ko yung mata ko nung makita ko sila sa Jollibee. Kumakain na sila kaya naisipan kong lapitan sila. Kaso pagkalapit na pagkalapit ko. Nanlumo ako sa narinig ko.

"Sky, I want you back." Si Andrea. Pano kung umoo si Sky? Paano kung..

Hindi ko na inantay ang isasagot nya. Umalis na ako. Edi magsama sila! Pake ko?! Bestfriend lang naman ako. Magbalikan sila! Pakasal ko pa sila!

"Sky, I want you back. Nyenyenye. Nakakainis! Magsama sila! Pagbuhulin ko sila eh! Hmp." Para kong tanga na nakatungo lang habang ginagaya si Andrea. Kaya hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko. At ayun, naumpog ako sa dibdib nya.

"Ah...eh. Sorry." Nakatungo pa din ako pero nilampasan ko na sya. Hindi pa ako nakakalayo nung hawakan nya yung braso ko. "Wait, Janine." Boses pa lang nya kilala ko na. Kaya naman nilingon ko na. "Oh. Ikaw pala, Brent. Hehe. Sorry ha? May iniisip lang kasi." Hingi ko naman ng despensa.

"Okay lang. Wala ka bang kasama?" Paguusisa nya naman. "Wala eh. Bakit?"

"Pwede mo ba kong samahan? oh gusto mo samahan kita?"

"Haha. Sige. Starbucks. Libre mo. Hahaha!"

"Oo naman. Tara!" Hilig talaga mangaladkad ng mga tao ngayon. Tsk.
-
Dito na kami ngayon sa starbucks. Nilibre nga naman nya ako. At sabi na eh, hindi to mapipigilan sarili nya na magusisa.

"Ano ba iniisip mo? Si Sky? Haha!" Pangungutya na naman nya. Oo, alam nya. Pero di nya sinasabi kay Sky. Ganto kami. Hindi ipinagsasabi mga sikreto.

Revenge of MineWhere stories live. Discover now