「Marriage System」

Magsimula sa umpisa
                                    

Tiningnan ko ang friendslist at tiningnan ko ang location ni Raph. Nasa Sofya City parin siya. Mukhang hindi nga siya nagsisinungaling sa akin.

30 mins.

Hindi parin siya bumabalik. 30 minutes na ang lumipas pero wala parin siya. Pero malay mo busy lang siya diba? Or may importante lang siyang ginagawa diba?

1 hr

Isang oras na ang nakalipas. Bakit wala parin siya? Di kaya naglog-out na ito? Tiningnan ko sa friendslist ko at nakita kong online parin naman siya. Pero malay mo pabalik na siya diba? Cool lang Franchelle. Babalik ang boyfriend mo at hindi siya nambababae.

1 hr and 30 mins.

That's it! Hahanapin ko na siya. I don't care kung busy siya sa ginagawa niya pero iuuwi ko na siya. Makita ko lang talaga na may kasama siyang babae malilintikan sakin iyon!

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na papuntang first floor. Pagkarating ko roon ay nandoon ang mga kaibigan ko at mukhang nagkukulitan sila. Bigla naman silang napatigil dahil sa pagbaba ko at natahimik ng makitang galit ako.

"Hey kambal.." Zed

"Shut upp!! Hahanapin ko si Raph at papatayin ko siya. Makita ko lang siyang may babae dudurugin ko siya!!!"

Sigaw ko sa kanilang lahat. Nababadtrip na ako. Raph, nasaan ka na ba?!!!

Pagkalabas ko ng guild house ay dumeretso ako sa auction house. Hinanap ko siya pero wala akong makitang Raph. Ni anino man lang niya wala! Tiningnan ko ang mga stores and stalls pero wala akong makitang Raph! Babalik na sana ako ng guild house nang may makita akong lalake na may hawak na flowers at nakangiting kinakausap ang kaharap niyang babe and guess who? GUESS WHO???!!!

"RAAAAPPPPHHHH!!!!!!"

Lumapit ako sa kanilang dalawa at kitang-kita pa sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat. I know I'm attracting attentions but I don't care! He lied to me! Sabi niya hindi siya mambababae pero ano itong nakikita ko?!

*Pakkk!!!

"Mula sa araw na ito, break na tayo!!!" I yelled to him.

Pagkatapos ko siyang sampalin ay tumakbo na ako. It hurts. My chest hurts. I hate him.

Before I notice, my tears started to fall.

==================================

Raph Pov

Damn. Damn. Damn. Damn. What did I do?

Paulit-ulit na sigaw ko sa aking sarili. Hinabol ko siya pero wala na siya. Nagteleport ako sa second town at hinanap ko siya sa buong sulok ng town pero ni isang Franchelle ay wala akong makita. Tinakbo ko papuntang third town. Hindi parin ako nakakapunta sa third town kaya wala pa akong warp stone. I dashed and killed all the monsters that obstruct me. Wala akong paki-alam basta makarating lang ako dun as soon as possible.

Nang makarating na ako doon ay punong-puno ako ng dugo sa katawan. May sugat din akong natamo. Madali lang sana itong tanggalin gamit ang potion pero Franchelle is my biggest concern. Sumigaw ako ng sumigaw para kang mahanap siya. May mga kabahayan dito pero hindi naman pwedeng basta-basta nalang pasukin.

Habang naghahanap ako ay may narinig akong hikbi. Agad ko iyong sinundan at narating ko ang isang burol na may isang sakura tree. May nakaupong babae doon at yakap-yakap niya ang kaniyang tuhod at umiiyak.

"Franchelle!"

Iniangat niya ang mukha niya at nakita ko ang kaniyang mga matang punong-puno ng luha. Halos mawasak na ang puso ko ng makita ang kaniyang kalagayan.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon