The Palace

3.1K 120 2
                                    

Raph's Pov

2 weeks na ng nakakaraan simula nang matapos ang event na Slay the Dragons Event. At hanggang ngayon, usap-usapan parin kung sino-sino ag mga nakapatay nito. Siyempre hindi na ako magtataka kung naging slayer si Zed. At dahil sa mausisa itong mga kaibigan niya ay nasabi ko nalang ng wala sa oras na isa ako sa mga dragon slayer.

"Ano?/weh?/ows?/di nga?!" Sabay-sabay nilang tanong. Kumain nalang ako at itinuro si Franchelle. Nasa canteen kami ngayon at break namin. Tumingin silang lahat kay Franchelle at napatigil ito sa pagkain.

"What?" Takang tanong nito.

"Totoo bang Shadow Dragon Slayer si Raph?" Tanong ni Chan. Hmm. Bakit wala si Zed? Hindi rin siya pumasok kanina.

"Yeah, and I am the Sky Dragon Slayer." Sagot nito sa bored na tono. Nanlaki na naman ang mga mata nila at hindi makapaniwala.

"Kita nalang tayo sa Rokoko mamaya at doon ko ipapakita ang sinasabi ko." Tumango sila bilang pagsang-ayon sa akin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng klase ay deretso ako sa bahay. Siyempre ginawa ko muna ang mga assignments ko. Kahit na gaano ako kaadik sa game na NLO ay hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Katulad nga ng pinag-usapan namin, nagteleport ako sa Rokoko Town at nadatnan kong naghihintay sila.

Binuksan ko ang info ko at ipinakita ang title na nakuha ko. Ganun din kay Franchelle. Nanlaki ang mga mata nila.

"Oh diba? Sabi ko sa inyo." Sabat agad ni Franchelle.

"Wait lang. So magkasama kayo? Ayiieee!" Panunukso ni Deb.

"Oo nga no? Hahaha uyyyy. Raph!! Ang bilis ah!" Rolly

"Hokage! Hokage! Hokage!" Chan.

"Ang bilis mo brow! Di kita masundan!" Ando

"Raph! Papasa naman ng iyong kagalingan! Ang iyong pagkamabilis. Iaalay ko ang buhay ko sayo!" Luhod na sabi ni Nard. Bahagya akong napangiti sa kanya. Sinundan pa nito ang isa. At isa pa. Hanggang sa nakaluhod na silang apat.

"Oy! Ano yang ginagawa niyo? Hahaha muntanga kayo!! Hahahahaha!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Zed.

"San ka galing?! Bakit wala ka?!" Bungad agad ni Athena kay Zed. Piningot niya ang tainga niya saka niya tinadyakan. Ouch. Sakit nun.

"Aray! Aray naman! May pinuntahan lang akong importante kanina! Aray! Athena! Kahit tanungin mo pa kay kambal. Totoo ang sinasabi ko!" Napatingin sila lahat kay Franchelle.

"Yeah, may pinuntahan siya kanina at sinabi niya na importante yun." Franchelle.

"See?! Ay nga pala. May nakita ako. Tara hunt natin ito." Sabi ni Zed na excited na excited na parang bata.

"Ano ba yang nakita mo?" Chan

"The 2nd boss. Malakas ito. Hahahaha" Zed.

"Game!" Rolly

"Rak na itu!" Ando

"Ano pang hinihintay natin?! Tara na!!" Nard

Napabuntonghininga nalang ako. Bakit ba ang kukulit ng mga ito? Bagay nga talaga silang magtrotropa.

Nga pala, nakalimutan ko lvl 70 na pala ako. Nagpalevel kami ni Franchelle at naunlock ko na din yung egg. Isa siyang baby dragon pero lalaki ito kapag naglvl up. Para mag level up, gamitin mo lang ito palagi sa labanan. Sa ngayon lvl 5 palang ito at hindi gaanong malaki. Mas ok na ito kaysa naman maging malaki ito katulad ni Shadow Dragon. Nakakatakot. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano i-activate o icast ang one-hit skill ko. Suot ko na din ang shadow dragon set. Mas malaki ang bigay nitong stats kaysa sa Ganei ko. Mas maraming agi rin ang ibinibigay nito. Hindi naman siya armor.  Parang damit lang siya kaya komportable akong gumalaw.

"You ok?" Tanong sa akin ni Franchelle. Tumango naman ako bilang sagot. Sa mga nakaraang araw, lagi na kaming magkasama ni Franchelle. Ewan ko ba, but I kinda like it. Nakita ko narin yung dragon niya at to tell you honestly, mas maganda yung dragon niya kaysa sa akin. But nevermind, at least may dragon ako. Diba?

"Tara?" Tanong ko dito at naglakad na kami papunta kina Zed. Nagsimula na kaming mag lakbay at sabi ni Zed, malayo ang boss na iyon. Aabutin kami ng isa't kalahating araw bago namin iyon marating. Nga pala, nakuha ni Zed ang title na Guardian Dragon Slayer at Fire Dragon Slayer naman kay Rolly. Walang nakuha ang iba pero sabi nila ok lang. At least they tried.

7 lahat ng dragons. Ang Shadow Dragon, Sky Dragon, Guardian Dragon, Fire Dragon, Lightning Dragon, Poison Dragon, at Ice Dragon. Apat sa mga dragons na ito ay nasa amin ang mga kapangyarihan. Nag KoS nadin kami. Hindi ako gaanong naglevel dahil linelevel up ko ang dragon ko. Ganun din sina Franchelle, Zed at Rolly. Yung iba, naglevel up na sila. Maya-maya, pagod na kami kaya naman napagdesisyonan naming maglog-out na at ipagpatuloy bukas.

Kinabukasan ipinagpatuloy namin ang paglalakbay. Inabot kami ng kalahating araw bago namin narating ang pakay namin. Isang castle. Yeah, tama kayo sa nabasa niyo. Isang palasiyo. Hanep, ang laki nito. Parang totoong palasiyo nga.

"Pre ang laki naman!!" Chan

"Oo nga. Wooo! Sarap siguro tumira diyan." Nard

"Oy Zed! Sigurado ka bang boss ang haharapin natin? Baka naman hari ang kakausapin natin dito?" Rolly.

"Zed! Bru! Brad! Brother! Whatsoever! Sure ka? Sure kang dito yun?" Ando.

"Yeah. And besides, this is exciting! Hahaha. And don't worry, tatlong boss ang makakalaban natin! All at once! Hahahaha joke. On the serious note, yeah. Ito na nga yun. Mayroon itong 3 levels. And each level may boss. The 3rd level will be the hardest. And beside, with the power of the 4 dragon slayers, alam kong makakaya natin yan." Zed.

Tumango-tango naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Oh? Ano pang ginagawa natin? Tara na!" Athena.

Bago kami pumasok, napatingin ako sa kabuuan ng palasiyo. Hmm. Strange. May nasesense akong mali. May malaking panganib. However, hindi ko alam kung ano iyon. There is a huge dark aura around the palace. Hmmm. Seems darkness will be our enemy.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon