Shinobi

3.2K 123 2
                                    

Raph PoV

Pagkapasok ko sa game agad bumungad sakin ang tropa. At syempre kasama sina Shannen at Dianne. Parehas silang Mages. Pero kulang ng isa.

"Nasaan si Zed?" Tanong ko sa kanila.

Nanlaki naman ang mata nila Nen at Dianne ng makita nila ako.

"S-Shadow?!" Sabay nilang sabi.

"Raph?!" Nen

"Uhm. Uh. Ako nga?"

"Langya ikaw nga! Di mo sinabi na ikaw si Shadow!" Sigaw ni Dianne.

'Pre si Shadow oh'

'Oo nga. Tara dun!'

'Kyaaah. Si Shadow!'

'Tara dun!'

"Sh*t ka Dianne! Takbo!" Chan.

Tumakbo na kami dahil marami ng dumagsang tao. Ang dami nila kaya kailangan naming tumakbo. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa mailigaw namin sila. Grabe ang daming takbo yun ah hahaha. Nga pala nakalimutan kong sabihin ang IGN nila. Kay Shannen Princess Shannen at Lady Dianne kay Dianne. Wala din gaanong binago nila sa itsura nila.

Nasa lumang bahay kami ngayon. Ito yung lugar kung saan kami kumuha ng quest. Nga pala di pa pala namin napaghahati-hatian ang loots. Nagkaroon ako ng red dot sa harapan ko. Nagmessage si Zed.

Meet me at the next Town. Use it.

Kinuha ko ang item na naka attached dito.

"Warpstone ba ito?" Tanong ni Chan. Mukhang hindi lang ata ako ang nakatanggap ng message.

"Oo wag kang tanga!" Ando

"Boo!! Wala ito! Panis!" Nard

"Eh ikaw? Alam mo pano gamitin?! Alam mo? Alam mo?!" Chan

"Hindi." Nard

"Naman pala eh. Hahaha." Chan.

Napatawa nalang din ako sa kakulitan nila. Lumapit bigla si Franchelle sa akin.

"Do you know how to use it?" Tanong niya sa akin.

"Just watch." Binasag ko ang warpstone.

"Teleport: Rokoko City." Umilaw ang paligid ko at unti-unti akong tinatangay. Para akong mga dahon na inililipad. Maya-maya nakarating nadin ako sa Rokoko City at doon sa may bandang bench may naghihintay sa amin. Iba na ang atmosphere dito kumpara noong unang punta ko. May mga tao na rito. Mas buhay ang aura dito kumpara noon. Sunod-sunod ang pagsummon ng mga kaibigan ko at gaya ko noong una ay manghang-mangha sila lugar na ito. Lumakad na ako papunta kay Zed na prenteng nakaupo.

"Loots. Hahatiin ko na." Nagsend ako ng Trade Invitation sa kanya. Binigay ko na ang mga item na babagay sa kanya. Ganun din ang iba. Wala akong kinuhang item dahil wala namang pangninja. At tsaka masaya na ako sa set ko.

"Eh ikaw? May item ka?" Tanong ni Franchelle.

"Ok na ako sa spina." Sagot ko naman. Nakatanggap ako ng Trade Invitation mula kay Zed. Tinignan ko siya at tanging tango lang ang ibinigay niya.

Trade successfully

Mapx1

Sinendan rin ni Zed ng invitation ang lahat ng kasamahan namin. Pagkatapos nun tumuntong siya sa isang bench at nagsalita.

"Ok guys listen up! Gamitin niyo ang mga map niyo para pumunta sa isang job giver. Maghihiwa-hiwalay muna tayo pansamantala. Magsama-sama lahat ang magkakaparehas ng job. Let's meet after one week." Sabi nito at lumakad paalis.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon